2

2108 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa kalsada habang si Macky naman ay natatarantang nakatitig sa akin, inaalam kung ayos lang ako. "Putangina, Aezra! Sumagot ka!" mangiyak-ngiyak na sigaw sa'kin ni Macky dahilan para maalis sa lalaking kulay tsokolateng mata ang paningin ko. I nodded. "Oh my god, I'm sorry." He cried and hugged me. Tulala lang ako at hindi alam kung paano akto. Napapaligiran na kasi kami ng mga tao at lahat sila nakatingin sa amin! Bahagya akong napangiwi sa yakap ni Macky, ang sakit ng balakang ko punyeta! "Owemji! Aezra!" Hindi pa man tapos magdrama ay nakita ko na ang papalapit na si Beng-Beng at Tracey, parehas silang nagpa-panic at ganoon na lang ang pagdaing ko nang pabagsak silang sumalubong sa akin at yumakap. PUTANGINA TALAGA. "Gago! Ano ba kaseng pinaggagawa mo? Ano? Plakda ka ngayon?" Sumisinghot-singhot pa si Beng-Beng. "Hindi n'yo ba muna ako tutulungang tumayo?" angal ko kaya agad silang nataranta at tinulungan akong makatayo, napasimangot ako nang maramdaman ang sakit sa bandang puwitan. Madami-daming salonpas 'to. "Kung gusto mo na magpakamatay sabihin mo! Hindi idadamay mo pa si Manong Albert!" tukoy ni Tracey sa nagmamaneho ng kulong kulong na ngayon ay isa na rin sa mga taong nakapalibot sa amin. "Masyado mong kinarir ang pagiging serena! Ano ilang isda nakuha mo?" si Macky. "Aezra naman! Alam naman naming marami kang problema pero sana naman isipin mo kaming mga nagmamahal sa'yo!" umiiyak na saad ni Beng-Beng kaya napakunot ang noo ko. Pinagsasabi neto? The two gays nodded. "True! Kung gusto mo tutulungan ka namin makaipon!" "Iyong kita namin—" "Teka nga! teka!" pigil ko sa kanila at nakapamewang na hinarap sila. "Ano bang sinasabi n'yo?" sabay-sabay silang nagmura nang mawalan ako ng balanse at muling napaupo, halos maiyak ako sa sakit nang muling tumama ang pang upo sa semento, ang mga tao naman ay nagsimulang mag-panic at tumawag ng ambulansya! Buhay pa po ako! "Excuse me." Napatigil ang tatlong bakla sa pagtulong sa 'kin pagtayo nang may lalaking pumagitna sa kanila, iyon 'yung lalaki kanina na may hinahabol. Nakita kong nasa kamay na ang bag niya kaya napahinga ako ng maluwag. Napalunok ako nang lumuhod ang lalaki sa harapan ko at nagpantay sa mga mukha namin, magulo ang buhok n'ya at ganoon din ang kanyang suot na black hoodie. "Are you okay, Miss?" I gulped when I heard how soft his voice. Para akong hinehele. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga bakla. Nakabuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon, nakatitig lang ako sa kulay tsokolate niyang mata habang siya naman ay patuloy na in-e-examine ang katawan ko. Pilit akong ngumiti. "I-I'm fine," alanganin kong sagot. Napabuntong hininga s'ya at gano'n na lang ako pagtayo ng balahibo ko nang hawakan niya ang braso ko at alalayan ako sa pagtayo. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi at ang kaninang sakit sa katawan ay tila ba nawala. "You sure? I saw you earlier, you can't even stand on your own." Natulala ako sa pag E-English niya! My gosh! I think my nose is bleeding na! "U-huh? And now you can't speak?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Umayos ako ng tayo at bahagyang lumayo sa kanya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang mabangong amoy niya ay kumapit sa ilong ko, tila ba hindi alintana na pawisan siya. "What are you doing, Miss? Lying on the road as if this is the most softest bed?" Gano'n na lang ang pag-awang ng bibig ko matapos niyang sabihin iyon na para bang kasalanan ko pa at katangahan ang dahilan ng pagsakit ng katawan. Akala ko pa naman mabait! "You know—" "I don't know," pigil ko sakanya, mabilis na nagsalubong ang kilay niya at ganon na lang ang paglunok ko nang biglang magdilim ang mata niya habang ang panga ay mabagal na gumalaw. "Pasalamat ka nga natulungan pa kita sa pagkuha ng bag mo! Hindi ba pwedeng mag-thank you ka na lang?!" inis na sigaw ko at mangiyak-ngiyak pa dahil bumalik na naman iyong sakit ng balakang. Akala mo kung sinong gwapo! Huh! Mas pogi pa 'yong kras ko na artista! Walang wala siya doon kasi ayon mabait at mas pogi! "You, brat!" singhal niya at lalapit na sana kaso humarang ang tatlong bakla. "Hep, hep, hep! Ano ba kayo bata? Kita niyo nakakaperwisyo na kayo," asik ni Macky at napayuko na lang ako nang makitang madaming tao na ang nakatingin sa amin ngayon, nakakahiya! The guy literally ignored him. "Blame her," he mocked. "f**k you!" sigaw ko at napasinghap ang mga kaibigan kong bakla, si Kuyang tsokolate ang mata naman ay hindi makapaniwalang tinignan ako. "You!" Dinuro niya ako. Umabante ako at bahagyang iniangat ang paningin sa kanya dahil mas matangkad siya sa akin. "Yeah, me!" sigaw ko pabalik. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at napahawak na lang sa sentido. "What's going on here?" Lahat kami ay napahinto nang may lalaking lumapit, napunta sa kanya ang atensyon namin at ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang bigla niyang pingutin si Kuya brown eyes. "You, brat! What were you thinking?!" singhal pa niya at napangiwi naman ang lalaki sa sakit. Pigil ko ang tawa nang makitang namula tenga niya sa ginawa ng lalaki. "You want to die?" I gasped when he rudely replied to the guy, matalas pa rin ang tingin sa kanya ng lalaki at ganoon na lang ang pagtayo ko ng tuwid nang mapunta sa akin ang atensyon ng lalaking nakaitim, may nakasabit pang itim na shades sa damit niya at bahagyang naka bukas ang butones ng uniporme kaya nakaladlad ang itaas na bahagi ng dibdib niya dahilan para matulala ang mga bakla kong kasama. "And you?" masungit na tanong niya. Anong ako na naman?! "Yes, me?" sagot ko. "Who are you?" Napanguso ako, English na naman. "You'll die if I tell you," sagot ko at ginamit ang linya ng babaeng paborito kong character sa isa sa mga nabasa ko sa w*****d! Duh! Ang cool kaya. Palihim akong napahagikgik nang kumunot ang noo niya. "W-What?!" hindi makapaniwalang saad niya kaya natakpan ko ang bibig sa pagtawa. "'Yawa ang cool ko do'n, ah," bulong ko sa sarili bago umayos ng tayo at magseryoso. Napatingin ako sa lalaking kulay tsokolate ang mata na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa akin. "She helped me with the thief," seryosong saad niya dahilan para lumaki ang mata ko "Really?" hindi makapaniwalang saad ng kasama niyang lalaki. He nodded and I gulped when he sensually licked his lower lip and angle his head while looking at me. "Yeah. So if you don't mind, I'll go now." Bigla itong naging masungit at walang respetong tumalikod sa amin at naglakad paalis, itinaas niya ang kamay at patalikod na kumaway sa amin. Isinuot niya rin ang cap na dala ng lalaki kanina. Bastos. Hindi manlang nag-thank you?! Napasimangot ako. "I'm sorry about him, and also thank you, Miss . . ?" "Aezra, just call me Aezra," sagot ko at nakipagkamay sa kanya. "Uhm, this is Macky, Tracey and Beng-Beng. My friends, Sir," pakilala ko sa mga bakla na agad nag-agawan sa pagkuha ng kamay ni Sir. Napangiwi na lang ako sa hiya. "Hi, my name is Macky, kicky for short." "Bonjour! I'm Beng-Beng, you can call me bibi." "Hi sher, I'm Tracey, you can call me love, hihi." Napayuko na lang ako sa sobrang hiya, kaibigan ko ba talaga ang mga 'to?! "Nice to meet you all, I'm Talcott. And the guy you've met earlier is Akishiro. Sorry for his attitude, that brat! Bigla na lang hinabol iyong snatcher kanina!" Tulala ako nang marinig ang pangalan ng lalaki kanina, pati ang mga kaibigan ko ay natulala at pilit inalala ang mukha ng lalaking nakaharap namin. Akishiro? You mean WHAT THE FUDGE? "AKISHIRO ZOLAIRE?!" sabay sabay naming sigaw ng mga kaibigan ko, nagulat namin si Sir Talcott at napahawak sa dibdib, tumingin ako sa paligid at nakita kong may mga hawak silang cellphone at may tinitignan doon! Pakshet! kaya pala andaming tao kanina! Is this f*****g true? The famous actor Akishiro Zolaire just held my arms and helped me to stand? Oh f**k, and he even talked to me! Damn!!! "Yes . . . you knew him?" alanganing tanong ni Sir Talcott, he let out a heavy sighed. "Oh I shouldn't be surprised. He is a Zolaire." Bigla siyang ngumisi at wala kaming nagawang magkakaibigan kung hindi ang tumango habang wala sa sarili. "Aki said you helped him get his things from that guy and he didn't bother thanking you. What do you need Miss? I think I need to pay you for your kindness." "N-No." I shook my head "Okay na po iyon," magalang kong sagot, wala parin sa sarili. Paulit-ulit akong napalunok nang bigla niya kong pagmasdan mula ulo hanggang paa. Napaatras ako dahilan para matawa siya. "No, don't get me wrong!" He let out a sexy chuckle and I almost rolled my eyes when I heard the dreamy sighed of my friends. "I'm looking for someone na magiging double ni Carms for their new teleserye. And I see you'll fit in that role." I gasped. "C-Carms?" hindi makapaniwalang saad ko at tumango siya. "You mean, the famous Carms?" hindi makapaniwalang ulit ko kaya napatawa siya. "Yes, you knew her?" Ngumiti siya sa akin kaya agad akong napatango. "We're actually looking for someone na magiging double niya, Aki said you helped him from the thief man, right? Carms' role in that serye is sensitive for someone fragile like her. She needs double and you're my first choice so far, ano? You want?" Napasinghap na naman ang mga kaibigan ko, parang tulad ko ay ngayon lang naproseso ang sinasabi ng lalaking kaharap namin. "I won't pressure you, this is my calling card." May kinuha siya saglit sa itim na pitaka niya at may inabot sa akin na papel, I took the paper and I almost froze when I met his cold eyes. "Pag-isipan mo, Aezra," he said and I bit my lip to suppress a smile. Mahabagin! Ang pogi niya! "Okay po, Shir." Napaigik ako nang may kumurot sa likod ko. Naramdaman siguro na lumalandi na 'ko! "Don't call me Sir. Just call me Talcott." He smiled at me and I couldn't help but let out a dreamy sigh along with my friends. Gosh ang pogi! Laglag panty, eh. "Nice to meet you again, Ms. Aezra." Napakagat ako nang labi nang maglahad ulit siya ng kamay, mahinhin akong ngumiti sa kanya at dahan-dahang iniangat ang kamay pero bago ko pa man mahawakan ay may biglang sumulpot sa harapan namin. "TALCOTT! WHERE'S THE f*****g KEY?!" Nagulat ako sa presensya ni Akishiro, nakabusangot ang mukha niya at halatang pagod kakabalik dito. I bit my lower lip and stared at his face. This is really my first crush? Damn! Mas nakakalaglag panty kaysa kay Talcott! The other man laughed na lalong nagpabusangot sa kanya. "'Tangina, yummy," bulong sa akin sa likod ni Tracey. "'Pag hindi mo in-accept ang alok, magkakamatayan tayo," gigil na bulong ni Macky kaya pasimple akong napangiwi. They're pressuring me! Wow, I would gladly work with him! "I told you to wait for me, you little brat!" tawa-tawang saad sa kanya ni Talcott. He's like a brother scolding his 'lil bro. Napangisi ako nang guluhin ni Akishiro ang buhok niya at masama ang tingin ang pinukol sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at dahan-dahang ibinaba ang tingin sa kanyang leeg, napalunok ako nang makita ang Adam's apple niya maging ang ugat doon. Bumababa ang paningin ko sa dibdib niya hanggang sa tiyan. "Ano Aezra? Nakapagdesisyon ka na ba?" Talcott asked, I licked my lower lip when I stopped my stare from the upper part of Akishiro's stomach. "Oo, kung malaki ang . . ." wala sa sariling sagot ko at ibinababa pa ang paningin hanggang sa makita ang hinahanap. "Malaki ang?" Nagulat ako nang magsalita si Akishiro, he was looking at me with his grin. I mentally slapped myself. "A-Ano, malaki ang ano . . ." hindi ko alam ang sasabihin! He didn't saw me right?! Gosh!!! Ang gaga mo, Aezra! "Ang?" he teasingly asked, he probably has an idea what I am talking about. "MALAKI ANG SAHOD!" I exclaimed. "Oo malaki ang sahod." Tumango pa ako at ngumiti na para bang natatae. Napangisi siya ng malaki at bahagyang tumango-tango, iniwas ko ang paningin at halos panawan ako nang hininga nang bigla niyang iangat ang baba ko at nagtama ang nga mata namin. "I assure you, this is the biggest," he whispered and I knew that we are now both talking about the same thing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD