Eight

1676 Words

Chapter Eight Kumakain na ang mga kaibigan nila ma'am Batsy. Kasama ito syempre. Maingay ang mga ito. Kwentuhan at tawanan mula sa magkakaibigan. Parang masyadong pinagpala ang mga ito sa ganda at kagwapuhan. Pumasok kanina ng kusina ang bestfriend ni Ma'am Batsy at nagpakilala bilang Bible Vera. Ang ganda rin nito, pati si Ma'am Danny. Maganda rin 'yong asawa ni Sir Landon---lahat sila. Sana all. "Lina, kumain ka na rito! Tikman mo ang luto ni Ma'am Batsy!" ayon kay Batsy kanina sinobrahan daw n'ya para matikman namin ang mga hinanda n'ya. At oo masarap nga. Naunang natapos kumain ang mga ito. Habang ako ay nagsisimula pa lang. "Kumain ka muna d'yan, pupunta lang kami ni Sanja sa labas baka kailangan ni Ma'am Batsy ang tulong namin!" sabi ni Sera. Tumango ako na punong-puno ang bibig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD