Fifty-Six Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang tawa ko nang makita ko ang ayos ng magkakaibigan. Nagpalit ang mga ito para raw sa performance nila. Lumabas ang mga ito na na naka boxer lang. At ang nasa sentro ay si Cayde, wearing a hot pink boxer short na may Peppa pig na design. Hindi ko alam kung paano n'ya napapayag ang mga kaibigan sa kalokohan n'yang ito. Sa tingin ko si Big boss lang ang wala sa grupo. At karamihan sa mga ito ay mukhang napipilitan lang. Parang kiti-kiti si Cayde na hataw na hataw sa pagsayaw. Ang mga bisita ay tulad ko rin na hindi na alam kung paano kakalmahin ang sarili sa katatawa. "My gosh, my Dad is crazy." Sabi ni Cayden sa anak ni Shade. Bantay sila ng mga Yaya nila. "This is for you, wife." Gumiling-giling ito na mas lalong ikinatawa ko. Nabag

