Sa sumunod na linggo ay nagpatuloy ang setup namin ni Sven. Of course, Joy will never believe that we haven't really got back together yet. Pero dahil pinagkakalat namin ni Sven na hindi totoo ang tsismis na nagkabalikan kami ay hindi siguro n'ya alam kung ano ang iisipin sa kung anong status meron kaming dalawa. Mas lumalala tuloy ang pagiging warfreak at nagger n'ya ngayon kaya madalas na naman kaming may iringan kung saan kami nag-aabot, na madalas lang naman ay sa cafeteria ng LEF. Mukhang sanay na rin ang mga empleyado na madalas naming makasabay tuwing lunch break dahil hindi na halos kami pansinin kapag nagkakainitan na. Ngayon ay papunta ako sa meeting kasama sina Gelo, Liam at Sven. Gelo asked me to present the project that Liam turned over to me. Dahil hindi natuloy ang pagtete

