Thighs

2170 Words
Dahil sa nangyaring pagrereply ko sa unknown sender na ‘yon kanina na nagkataon pala na si Sven Dela Torre ay urong-sulong tuloy ako sa pagpasok sa loob ng bahay namin. Kanina pa dapat uwian pero sinabi ko kay Jam na mag-stay muna kami kahit kalahating oras sa opisina dahil hindi ko pa kayang mag-drive pauwi sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko pagkatapos ng nangyaring ‘yon! Binagalan ko pa ang pagpapatakbo pauwi at ilang beses na hiniling na sana ay maipit kami sa traffic para lalong matagalan sa pag-uwi pero kung minamalas ka nga naman ay halos walang aberya sa daan at sobrang luwag ng daan kaya mabilis din kaming nakarating sa bahay. “May problema ba, Ma’am Jen?” Napalingon ako sa tanong ni Jam na sadyang huminto sa tapat ng gate ng bahay namin para paunahin ako sa paglalakad papasok. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil ako ang nag-imbita sa kanya dito pero ako itong parang timang na hindi malaman kung paanong papasok ng bahay na hindi makikita ang Sven Dela Torre na ‘yon! Panigurado ay nandito na sila kanina pa dahil sa tuwing may party ay palagi namang nauuna ang mga lalaking ‘yon dahil gustong maagang masimulan ang inuman pero ayaw ma-late ng pag-uwi! “Ah! Wala, wala, Jam. Pasok ka na. Okay lang ‘yan…” utos ko sa kanya at saka pasimpleng sumilip pa para tingnan kung nasa garden na ba sila Kuya at mga bisita n’ya. Nagpatuloy kami sa pagpasok at tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang puro kasambahay lang ang nakita kong nasa garden at nag-aayos ng mga tables doon. May mga nakahanda na ring mga pagkain kaya mabilis ang kilos na sinabihan ko si Jam na umupo na doon at hintayin na lang ako at magbibihis lang. Nang maihatid ko s’ya doon at maibilin sa mga kasambahay ay mabilis ang kilos na naglakad na ako papasok sa bahay pero agad ding napatigil nang marinig ko ang tawanan ng mga lalaki! “Oh, my God!” Halos mapapihit ako pabalik sa garden dahil agad kong nabosesan ang mga ‘yon. Tulirong lumingon ako sa harapan at sa likuran pagkatapos ay sa harapan ulit! Hindi ko alam kung babalik ako sa garden kung saan doon panigurado ang punta nila ngayon o magpapatuloy sa paglakad papasok sa bahay! “Just three months and I will go back again to England…” Palakas na nang palakas ang mga boses nila kaya alam kong palapit na sila nang palapit sa gawi ko kaya mas lalo akong natutuliro! “Just when the hell are you going to stay here for good, Gelo? Mukhang kailangang mahanapan na ito ng bebot para hindi na umalis!” Natatawang sambit ni Kuya Jared. Umayos ako ng tayo at saka huminga ng malalim bago nagsimulang magkalad papasok sa loob ng bahay. Patay-malisyang lalampasan ko na sana sila pero agad na akong napansin ni Kuya Jared kaya napatigil s’ya sa paglalakad at hinarap ako. “You’re home, Jen? Bilisan mong magbihis para makasabay ka sa amin na magdinner,” bilin n’ya pa sa akin. Narinig kong bumati si Gelo sa akin at nginitian ko lang. Iwas na iwas akong mapatingin sa lalaking napapagitnaan nila ni Liam na alam na alam kong nakatutok ang tingin sa akin! “Y-yes, Kuya. Susunod ako…” sagot ko at agad na iniiwas ang tingin sa gawi nila Gelo dahil ilang na ilang talaga ako sa ginagawang paninitig ng Sven Dela Torre na ‘yon! Seriously! His stares are making me feel uncomfortable! Mabibilis ang mga hakbang na naglakad na ako papasok sa bahay at tuloy-tuloy na umakyat sa itaas para makapagbihis. Hindi mawala-wala sa isip ko ang itsura ng Sven Dela Torre na ‘yon. Kahit na pahapyaw ko lang s’yang natapunan ng tingin ay alam kong super cool ng porma n’ya ngayon! “Mukhang hindi sa opisina nanggaling eh! O nagawa pa talagang mag papogi bago pumunta dito?!” Bubulong bulong na sambit ko habang nagbibihis. Isipin ko pa lang na maninitig na naman s’ya ng maninitig sa akin ngayon ay kinikilabutan na ako! Isang maikling maong short at blouse ang sinuot ko at habang pababa ako sa hagdan ay naalala ko si Jam kaya napabilis ang paglalakad ako patungo sa garden. Niyaya ko pa s’ya dito pero iniwanan ko lang kasama ang mga lalaking puro pa babaero ang karamihan! Naku! Humanda talaga sila kapag ginalaw nila si Jam! Saglit na saglit lang ay nakalabas na ako at natatanaw na ang garden. Nakaupo na sila sa isang mahabang table doon at mukhang nagkakasayahan na. Tumikhim ako at patay-malisyang naglakad palapit sa gawi nila at saka umupo sa tabi ni Jam. Nakayuko s’ya at nakatutok ang tingin sa screen ng phone. She looks uncomfortable! “Jam…” sambit ko at saka nginitian s’ya pero nang umangat ang tingin n’ya sa akin ay hindi nakaligtas sa akin ang pamumutla ng mukha n’ya. Kumunot ang noo ko. “Are you okay, Jam?” mahinang tanong ko sa kanya. Nakita ko pang sumulyap s’ya sa harapan namin kaya napatingin din ako doon at naabutan ang tingin ni sangko Jace na agad na tumaas ang kilay sa akin. “A-ahm… Ma’am Jen…” mahinang tawag ni Jam sa akin kaya binalik ko ang tingin sa kanya. “P-pwede po bang umuwi na ako? M-may… emergency kasi sa bahay at–” “Oh, my God!” sambit ko at saka napatutop sa bibig. Kaya pala s’ya namumutla ay may nangyaring hindi maganda sa bahay nila! “Tara na? Ihahatid na kita–” “Ako na lang, Ma’am–” “Hindi. Ihahatid na kita,” mabilis na alok ko at saka hinila na ang kamay n’ya at nagsabi kina Kuya na ihahatid ko lang si Jam. “D-dito na lang ako, Ma’am Jen. A-ano… ahm… sasakay na lang ako ng taxi dito–” “Hindi na. Ihahatid na kita. Saan ba ang apartment mo?” tanong ko nang nasa labas na kami ng exclusive subdivision kung saan kami nakatira. Umiling s’ya. “Hindi na talaga, Ma’am Jen. Medyo malayo kasi ‘yon dito. Gagabihin ka na sa pag-uwi. Okay lang talaga, Ma’am. Salamat sa pag-invite at pasensya na kung hindi kita masasamahan ngayon…” paumanhin n’ya pa kaya agad na umiling ako. “Sigurado ka ba? Wait. I’ll get you a cab,” sabi ko at saka mabilis na pumindot sa phone ko para magbook ng taxi para sa kanya. Ilang sandali lang ay dumating na rin naman ang taxi kaya pinasakay ko na s’ya doon at kinawayan. Bumuntonghininga ako nang pabalik na sa bahay at nang nasa labas na ng gate ay ilang beses na huminga ng malalim bago nagpasyang pumasok at maglakad pabalik sa garden. Malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na ang pag-angat ng tingin ni Sven Dela Torre sa akin na para bang sadyang inabangan talaga kong dumating! Tsk! Para tuloy akong nakalutang habang naglalakad palapit sa table. Umupo ako at hindi pinansin ang mga tingin n’ya. “Is that your new secretary, Jen?” Nawala ang isip ko sa ginagawang paninitig ni Sven nang magsalita at magtanong ang Kuya Jace ko na nasa harapan ko at katabing-katabi lang ni Sven! Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka pilit na nagfocus sa kanya dahil ayaw kong magkasalubong ang tingin namin ni Sven. “Nope. She’s my apprentice,” sagot ko at saka medyo humilig sa table para umabot ng paborito kong chicken barbeque. Medyo malayo ‘yon sa akin kaya kinailangan ko pang i-stretch ng todo ang braso ko para abutin ang lagayan. “Which part do you like?” Nagulat pa ako sa pagtatanong ni Sven at agad na nailang nang masalubong ang titig n’ya sa akin. Napalunok ako at mabilis na ibinaba ang tingin sa chicken barbeque na nasa gilid n’ya. “I like the thigh part…” mahinang sambit ko at saka tumikhim dahil parang hindi ako makapagsalita ng maayos lalo na at nakikita kong titig na titig pa rin s’ya sa akin. “Me too. Mahilig din ako sa hita…” komento n’ya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko ulit ang titig n’ya sa akin. Napasinghap ako at agad na nag-init ang mga pisngi nang may maalala. Mahilig sa hita? Kaya pala panay ang titig mo sa hita ko noong nakaraan! Automatic na tumaas ang kilay ko dahil sa double meaning na statement n’ya! Naabutan ko pa ang ngisi n’ya habang inilalagay sa plato ko ang hita ng manok na pinili ko. Ako naman ngayon ang napatitig sa mukha n’ya dahil kahit konting ngiti n’ya lang ay nagpapakita talaga ang mga dimples n’ya. At kapag mas mababaw ang mga ‘yon ay mas cute tingnan kesa kapag sobrang lalim! Naabutan n’ya ang tingin ko kaya s’ya naman ngayon ang tumaas ang kilay. Busy na sa pagkukwentuhan at sa pagkain sina Kuya at sila Gelo kaya paniguradong hindi nila napapansin ang ginagawang pakikipag-flirt ng Sven Dela Torre na ito sa akin! Sobrang obvious n’yang makipag flirt kaya panay ang irap ko sa kanya sa tuwing mahuhuli ko ang mga paninitig na ginagawa n’ya. Nang matapos ang hapunan ay nagsimula na silang mag-inuman. Red wine lang ang iniinom ko at tinuon ko ang sarili sa phone para malibang ako at hindi magawi ang tingin kay Sven na hindi talaga tumitigil sa paninitig sa akin! Maya-maya ay naramdaman kong may sumagi sa paa ko sa ilalim ng table kaya kunot noong napatingin ako doon. “I’m sorry…” narinig kong sambit ni Sven kaya tumaas ang kilay ko at inirapan s’ya. Tsk! Napaka papansin talaga! Inayos ko ang upo ko at siniguradong sa pwesto ng paa ko ay hindi na n’ya masasagi ulit! Ilang sandali lang ay tumunog ang phone ko para sa isang text message kaya kunot ang noong napatitig ako sa screen nang mabasang galing sa Unknown Number kanina ang text! Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin kay Sven na nakita kong nakangisi at nakatingin din sa phone! What the hell is this guy doing?! Bakit n’ya pa ako tinetext eh magkaharap lang naman kami?! Inis na binasa ko ang message n’ya sa akin. Unknown Number: Galit ka ba? Napairap ako nang mabasa ang message n’ya at agad na nagtype ng reply. Me: Hindi. Nakita kong napasulyap na naman s’ya sa akin bago ibinalik ang tingin sa phone at nakita kong nagpipindot doon. Ilang sandali lang ay tumunog na ang phone ko para sa isa na namang text message galing sa kanya. Unknown Number: Pwede ba kitang suyuin kahit hindi ka galit? Umawang ang bibig ko nang mabasa ang message n’ya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay pinasadahan n’ya ng dila ang ibabang labi at ngumisi sa akin kaya iritang-irita ako sa sobrang obvious na pakikipaglandian n’ya sa akin! Me: Hindi ako nagpapasuyo kapag hindi galit! Ano ako? Teenager?! Gigil na sinend ko sa kanya ang reply ko at ilang sandali lang ay nakarecieved na kaagad ako ng reply galing sa kanya. Unknown Number: Magagalit ka ba kung sasabihin kong I like your thighs? Literal na umawang ang bibig ko nang mabasa ang reply n’ya kaya inis na inis na nagtype ako ng reply sa kanya. Me: MANYAKIS!!!!!!!!!!!!! Tinitigan ko s’ya ng masama nang ma-send ‘yon sa kanya. Nakita kong sumulyap lang s’ya sa akin at saka nakita kong nagpipindot ulit sa phone. Ilang sandali lang ay may reply na ulit s’ya sa akin. Unknown Number: Mukhang galit ka na ah? So, pwede na kitang suyuin ngayon, hmm? ;) Nang mabasa ko ang reply n’ya ay lalo lang akong nanggigil sa kanya kaya mabilis na tumayo ako at saka nagpaalam na kina Kuya na mauuna na sa pagpasok. Kung hindi ko pa gagawin ‘yon ay baka masakal ko lang ang Sven Dela Torre na ‘yon! Mabilis na tinalikuran ko sila at halos magdabog na ako sa paglalakad kaya hindi ko tuloy napansin na may naligaw na bato sa dinadaan ko na sadyang tumago sa bermuda grass kaya hindi ko napansin! Huli na nang ma-realized kong napaluhod na ako sa damuhan! Mariing napapikit ako nang marinig ang mga yabag ng papalapit sa gawi ko. “You okay?” tanong ni Sven kaya kahit na masakit ang tuhod ko ay pinilit kong tumayo para makapagpatuloy sa paglalakad at hindi mapahiya sa kanya! Patong-patong na ang kahihiyan ko at hindi ko na kakayanin na dadagdag pa itong pagkadapa ko! Narinig ko ang mahinang mura ni Sven na mabilis na lumuhod sa harapan ko para tingnan ang tuhod ko. Marahang hinawi n’ya ang mga damo na dumikit sa tuhod ko kaya napatingin ako sa kanya. “You have a perfect pair of thighs. You can flaunt them but please… take good care of them…” narinig ko pang sambit n’ya na halata sa boses ang panenermon sa akin kaya tumaas ang kilay ko lalo na nang makitang nakasimangot s’ya habang nakatitig sa batong naging dahilan ng pagkadapa ko. Pinulot n’ya ‘yon at saka iritadong itinapon sa malayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD