Chapter 4 First Breakfast Together

1737 Words
Kristine’s POV Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi nang maramdaman ko ang kirot sa ibabang bahagi ng aking katawan. Damn that man! He was so insatiable. Naiinis talaga akong isipin na hindi man lang siya naging considerate sa akin. It was my first time! I was a damn virgin and he f****d me with all his might. Naiiyak na naman ako dahil hindi ko akalaing sa ganitong paraan ko isusuko ang p********e ko. Lagi kong pinapangarap na ibibigay ko lang ang sarili ko sa lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako. Nagmakaawa akong maging gentle naman siya pero parang wala siyang narinig. Sarili lang niya ang iniisip niya and he was too busy pleasuring himself. Hindi ka ba talaga nag-enjoy, Kristine? Mapanghamong tanong ng isang bahagi ng isip ko. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng maging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto niya. I am not his slave. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Nakamamangha sa laki ng closet ko dito. Kumpleto ito sa lahat ng uri ng mga damit at gamit na para sa akin including undergarments and branded lingerie. Sa isang bahagi naman nito ay mga signature bags and shoes. Nang mapadako naman ako sa glass cabinet, I inhaled a shocked breath when I saw different sets of jewelry and all of them were adorned with diamonds of different colors. Nang makababa ako ay biglang kumalam ang sikmura ko pagkaamoy sa masarap na sanghaya ng fried rice at bacon. Ang laki naman pala talaga ng bahay na ito. Mag-isa lang ba siya na nakatira rito? Doble ang laki sa bahay namin. Three-story ang mansiyon na ito at lahat nang madadapuan ng paningin ko ay magaganda at mamahalin. Habang bumababa ako sa malaki at magarang hagdan kanina ay tiningala ko ang kisame at hindi ko maiwasang mapahanga sa set ng chandelier. Set of three ito na gold at white ang kulay. Dalawa rin ang lounging area - isa para sa pagtanggap ng mga bisita at ang isa naman ay complete set talaga ng living room. Hindi ko kaagad nahanap ang kusina kaya naisipan kong lumapit sa maid na kasalukuyang nagpapalit ng bulaklak sa mga vase. “Hi, puwede po bang malaman kung nasaan ang kusina?” Medyo kiming tanong ko. Ang maid na ito ay medyo may katandaan na, mga 50-55 years old siguro. Maluwang ang pagkakangiti niya ng lumingon siya sa akin. “Good morning, Ma’am! Kayo po ba si Ma’am Kristine?” Magalang na tanong nito kaya tumango ako. “Opo. Ako nga po iyon. Grabe po ang laki ng bahay na ito pakiramdam ko maliligaw po ako,” nahihiyang sagot ko sa kanya. Mabait ang awra niya at maging ang mga ngiti niya ay may lambing. “Pumasok po kayo sa pintuang iyon,” nilingon ko ang kaliwang bahagi na itunuro niya. “Pagpasok po ninyo ay makikita ninyo ang dining area. At sa kanang pintuan naman po noon ay pupunta sa kitchen.” Masayang paliwanag pa nito sa kanya. “Maraming salamat po. Siya nga pala, pwede ko po bang malaman ang pangalan ninyo?” Lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya sa tanong ko. Magaan ang loob ko sa kanya dahil ang sweet niya sa akin. Bigla ko tuloy na-miss ang yaya ko. “Naku, hija, ako nga pala si Maridel Velasco. Pero tawagin mo na lang akong Yaya Madel. Ako ang personal na yaya ni Charles at ikinagagalak kong makilala kayo, Ma’am Kristine,” sabi pa nito at inilahad ang kamay sa akin na maagap ko namang tinanggap. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Yaya Madel. Pero Kristine na lang po. Huwag na po ninyo akong tawaging ma’am.” Bahagya niyang pinisil ang kamay ko at saka tumango. “Oh, siya, sige na hija. Tumuloy ka na sa kusina at mukhang nagugutom ka na.” Sabi nito at bahagya pang lumapit sa akin at bumulong. “Masayang-masaya akong ikaw ang mapapangasawa ng alaga kong iyon. Aba, sa kauna-unahang pagkakataon, eh, napadako sa kusina ang batang iyon para maghanda ng almusal.” Kinikilig na komento nito. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil alam kong nagba-blush na ako. “T-talaga po? Ibig po bang sabihin, hindi talaga siya marunong magluto?” Nangingiti at alanganing tanong ko. Nagulat pa ako nang bigla itong humagalpak ng tawa. “B-bakit po? Bakit po kayo natawa?” Medyo naasiwa tuloy ako. “Naku, hija, alam mo bang nag-hire pa ‘yan ng chef last week para lang magpaturong magluto? Mukhang pinaghahandaan ang buhay may asawa.” Tugon nito saka humagikgik. Napakunot-noo ako sa sinabi niya? Talaga? Ang isang Charles Ty, mag-aaral magluto para sa mapapangasawa niya? Talaga ba? “Naku, hindi naman po siguro gano’n ‘yun Yaya Madel. Sige po, tutuloy na po ako. Naabala ko na kayo sa ginagawa ninyo,” paalam ko sa kanya. “Ano ka ba, hindi ka abala sa akin. Natutuwa nga ako at nakausap kita kahit saglit lang. Hindi bale, kapag kasal na kayo ng alaga kong iyon, araw-araw na tayong magkikita,” nakangiting tugon nito. Nginitian ko lang siya saka tumango bago ako tumalikod pupunta sa dining area. Tutol pa rin ang kalooban kong magpakasal kay Charles. At gagawin ko pa rin ang lahat para hindi ito matuloy. Pagkabukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng nakakatakam na sanghaya ng pagkain. Ang daming nakahain. May fried rice, bacon, hotdog, egg at Egyptian salad. Nakakapaglaway naman. Napadako ang mga mata ko sa pintuan sa may bandang dulo ng hapag kainan. ‘Yun na siguro ang kitchen. Ihahakbang ko pa lang sana ang mga paa ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Charles. Walang siyang damit pantaas. Tanging ang jogging pants lang ang suot nito at may mga butil pa ng pawis sa dibdib niya. Napalunok ako at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ano ba ito, ang aga-aga, eh, nawawala ako sa sarili ko. Tumikhim ito at bigla akong napatingin sa mukha niya. Ang guwapo pala talaga niya. Ang unfair, hindi pa man nakakaligo pero ang fresh pa rin niyang tingnan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang bigla itong ngumisi sa akin. “You’re staring at me like it’s me you want to eat and not the food,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko. My God, Kristine, get yourself together kung ayaw mong maging katawa-tawa sa harap niya. Saway ko sa sarili. “Don’t be too confident Charles I just didn’t expect to see you here,” pagkakaila ko. Damn why am I even stammering? “Hmmn, I love the sound of my name from that lovely mouth. Mabuti pa’y maupo ka na at nang makakain na tayo. Marami tayong dapat asikasuhin ngayon for our wedding.” Sabi niya at naupo naman ako. Pero tumaas ang kilay ko sa huling sinabi niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Tanong ko. Pero hindi siya agad sumagot bagkus ay lumapit sa akin at kinargahan ng pagkain ang plato ko. “Thank you. Pero hindi mo na kailangang gawin iyan. Hindi ako baldado para pagsilbihan, kaya ko ang sarili ko.” Seryosong sabi ko sa kanya. Dumilim ang mukha niya at tinitigan ako nang masama. Anong problema nito? Nauna akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin nga titig niya. Narinig kong bumuntong hininga siya bago naupo sa upuang malapit sa akin. “We will go to the couture house today for the fitting of our wedding suits,” kapagdaka’y sabi nito. “A-anong oras yun? Kasi may exam ako ngayon sa dalawang subjects ko kaya hindi ako pwedeng um-absent,” sagot ko sa kanya. “What time is your class today?” Tanong niya saka sumubo ng pagkain. “8 AM until twelve,” sabi ko at inumpisahan ko na ring kumain. Hindi ko maiwasang mapa-ungol sa sarap ng pagkain. Grabe nagutom talaga ako, paano ba naman kasi… ‘Stop it, Kristine, don’t even go in there,’ I mentally scolded myself. “Then let’s have lunch together and go to the shop. What do you think?” Saglit akong nag-isip kung may mabigat ba kaming activities sa hapon. Mukhang wala naman kaya pwede siguro akong mag-skip. Tumango ako bago tumugon. “Okay,” sabi ko at ipininagpatuloy lang namin ang pagkain. Paminsan-minsan ay napapansin ko itong nakatingin sa akin kaya halos mahirapan akong lunukin ang kinakain ko. Pakiramdam ko, kaya niyang kontrolin ang katawan ko sa pamamagitan ng pagtitig niya. At nang uminom ako ng tubig ay nagitla ako sa uri ng pagkakatitig niya sa akin. “B-bakit ganyan ka makatingin?” Nag-aalangang tanong ko. “I want to kiss you right now,” paanas niyang sambit kaya nanlaki ang mga mata ko. “W-what?” tanong ko. At bago pa ako makahuma ay tumayo na ito pupunta sa akin at walang kagatol-gatol na ikinulong sa malalaki niyang palad ang mukha ko saka mapusok at parang naghahabol na sinakop niya ang mga labi ko. Nabitawan ko ang mga hawak kong kubyertos dahil sa tindi ng paghalik niya sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa mga braso niya dahil unti-unti na naman akong natatangay sa ginagawa niya. Ang isang kamay niya ay dumako sa batok ko para palalimin pa ang halik at saka nagpumilit ang dila niyang makapasok sa bibig ko. "Open your lips, baby, please," samo niya habang hinahalikan ako kaya napasunod naman ako ng wala sa oras. Bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa buong katawang lupa ko nang maglumikot ang dila niya sa loob ng bibig ko at iginigiya ang dila kong sundan ang ginagawa niya. I moaned because it tickles a bit and I felt him smile. Happy siya? Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon. Basta ang alam ko lang, napahawak ako sa dibdib ko at hingal na hingal nang pakawalan niya ang mga labi ko. Pakiramdam ko nga ay namamaga na ito dahil para siyang uhaw na uhaw habang ginagalugad ang bibig ko. Hindi siya agad lumayo sa akin bagkus ay isinandal pa ang noo niya sa noo ko. "I just love kissing those lips. And I'm really glad that you are now mine... for good!" Mapungay ang mga mata at napakalambing ng boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan o maguluhan sa inaasal niya ngayon sa harapan ko. Para kasing may bahid ng pagbabanta ang mga salita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD