Mabuti na lang at very formal din ang suot ko ngayon kaya hindi halatang hindi ako kabilang sa mga bisita. Nakita agad ako ng isa sa mga tao ko kaya napakunot ang noo nito. Pero sinabihan ko lang siyang ipagpatuloy ang ginagawa at huwag na akong abalahin. Nang mapalapit ako sa fountain na malapit sa garden ay nakita ko na si Christian. May matangkad na lalaki sa harapan niya kaya natatakpan ang kalahating bahagi ng katawan ng anak ko pero alam kong siya iyon dahil kabisado ko ang damit na suot niya. Nakatalikod sa direksiyon ko ang lalaking kaharap ni Christian. Parang may sinasabi ito sa bata na nagpatango rito hanggang sa mapadako ang mga mata ni Christian sa kinaroonan ko. “Mommy!” agad na sigaw nito nang mamataan ako. See? I was right! It’s my son! Patakbo akong lumapit sa

