KRISTINE's POV Kinabukasan ay nasa opisina ko si Mrs. Santos na masayang-masaya ang ngiti. Mukhang maganda ang mood nito ngayon dahil napaka-aliwalas ng mukha nito. “Ms. Zeny, bakit po parang ang saya-saya ninyo ngayon?” manghang tanong ko sa kanya na lalo pang nagpaliwanag ng mukha niya. Actually, nakahahawa ang saya niya kaya ako man ay napapangiti rin. “Paano ba naman, hija tumawag iyong pamangkin ko at ang sabi nagustuhan daw nila ang mga gawa mong muffins kaya ayon, gusto ulit umorder. Lalo na daw iyong kapatid niyang lalaki talagang naibigan ang gawa mo!” papalatak na sagot nito. Nag-umapaw agad ang tuwa sa puso ko at halos mapunit na yata ang mga labi ko sa lawak ng ngiti ko ngayon. “Talaga po? Wow! Nakatutuwa naman po iyang sinabi ninyo,” nahihiyang banggit ko. Ako man ay talag

