"Napapansin kong tahimik ka. May problema?" tanong ni Dem kay Kaye na tamilmil kumain. Ilang araw na siyang ganoon dahil pinagiisipan na niya ang pagaalis ng spell dito. Lingid dito ay naisaulo na niya ang breaking spell. Gagawa na lang ulit siya ng inverted pentagram sa sahig gamit ang uling na isinawsaw sa dugo ng itim na pusa; patatayuin si Dem doon saka sasabihin ang mga incantation para ma-break ang spell. Iyon ang mga nabasa niya sa internet na kailangang gawin. Tiwala naman si Kaye dahil effective naman ang nakuha niyang orasyon sa internet site na iyon kaya na-summon niya si Dem. Umiling siya. "May naisip lang ako," lutang na sagot ni Kaye. Napabuntong hininga ulit siya at nakaramdam ng kakaibang lungkot. Sa tuwing iniisip niyang pakakawalan na si Dem ay ganoon ang nararamdaman ni

