"SIGURADO KA ba sa gagawin mo?" seryosong tanong ni Elmer kay Dem. Madaling araw na itong dumating at dala nito ang libro na siyang susi para maibalik niya ang mga demons sa underworld. Ibinigay iyon ng pari na kaibigan ni Elmer na pinuntahan pa nito sa Pampanga dahil doon na na-destino. Ipinaliwanag nito ang mga gagawin: isang delikadong paraan na alam niyang kailangan niyang gawin para matahimik sila ni Kaye. "Oo. Sigurado na ako. Alam ko naman na walang ibang option kundi ito. Kundi ko ito gagawin, bukas o makalawa ay ganoon din ang mangyayari sa akin. Ang mahalaga, mawala ang mga demons na siguradong gugulo sa buhay ni Kaye," malamig na sagot ni Dem pero sa loob-loob ay tunaw na tunaw siya sa lungkot. Ang dami na niyang nabuong plano para sa kanila ni Kaye. Oras na matapos ang gulo,

