CHAPTER ONE

2824 Words
"DEMONYO! MAGPAKITA ka!" pinal na sigaw ni Kaye Raymundo habang nakataas ang dalawang kamay at nakaluhod. Nasa loob siya ng isang malaking ritual pentagram na isinulat pa niya gamit ang uling na mayroong dugo ng itim na pusa. Nakasuot din siya ng itim na cloak. Bukod doon ay sinigurado niyang kumpleto ang mga materyales na kailangan niya para gamitin sa pag-summon ng... demon. Wala siyang matawag na anghel kaya demon naman ang susubukan niya. Ayon sa isang site ng internet na nabasa niya, mas madali daw tawagin ang mga demons. Iyon nga lang, mas delikado. Demons are evils. Natural na peligro ang dala noon sa buhay ng isang tao. Pero nakahanda si Kaye. Kumpleto na siya sa ritual kit. Kapag nakapag-summon siya ng demon, sisiguruhin niyang hindi siya masasaktan noon dahil sa loob ng pentagram na niluluhuruan niya ay nandoon din ang malaking bilog. Seal iyon na naisulat niya gamit ang holy oil na nabentidisyunan ng pari para hindi makaalis ang demon na masu-summon niya. Demon naturally hates holy objects. Dahil sa holy oil ay siguradong hindi ito lalabas doon. May nakahanda din siyang asin. Handa siyang isaboy iyon sa demon oras na makagawa ito ng paraan para masaktan siya. Nabasa din niya sa internet na ayaw ng mga demons o ng kahit na anong masasamang elemento ng mundo ang asin. Salt purifies them, that's why. Bukod sa seal para hindi ito makaalis ay may nakahanda rin siyang spell para mai-seal din ang kapangyarihan ng demon. Memoryado na niya iyon. Huwag lang siyang mauunahan ng takot. Baka mahimatay siya bago pa siya masabi iyon. Salamat sa mga orasyong nakita niya sa internet. Salamat na rin sa mga gamit na inihanda niya para madasalan ang seal. Umaasa siya at nagtitiwala na kaya noong i-seal ang isang demon. Siguro, sa paningin ng iba ay nasisiraan na siya. Sino ba naman ang matinong tao ang gagawa noon? Sila lang yatang magtiyahin. At ngayong wala na ito, siya na lang ang gagawa noon. Ang tita Mildred niya na bunsong kapatid ng ina ay isang psychic. She believes in immortality, fountain of youth, demons, angels, vampires and anything superstitious. Dahil dito siya lumaki at nakikita ang mga paniniwala, naging normal na lang iyon sa kanya. Bukod doon, fascinated din si Kaye. Anything superstitious, she found it cool. Hindi na nakagisinan ni Kaye ang ama. Ang kwento ng tita niya, nabuntis lang daw ng isang kaklase ang nanay niya. Hindi inamin ng nanay niya kung sino ang nakabuntis dito. Namatay ito sa panganganak ng hindi iyon nalilinaw sa tiyahin. Dahil ulila na ang nanay niya, si Tita Mildred ang nagpalaki sa kanya. Binuhay siya nito sa paraket-raket. Sa Quiapo ang puwesto nito para manghula tuwing umaga, sa hapon naman ay kung saan-saan ito nagpupunta depende kung saan ito ipapatawag ng mga kliyente para kausapin ang mga kaluluwang gumagambala sa mga kliyente nila. Sa tuwing may pagkakataon, sumama siya para assitehan ito. Namatay lang ang tiyahin niya dalawang taon ng nakararaan dahil sa sakit na breast cancer. Ginawa nila ang lahat para isalba ang buhay nito hanggang sa maubos ang ipon nila at nabaon sila sa utang. Tumigil na rin siya sa pagaaral. Hindi niya ikinasama ng loob iyon dahil inabot na siya sa edad na beinte otso dahil sa kakahinto sa pagaaral. Kapos na kapos kasi sila sa pera. Kung siya ang masusunod, magtatrabaho na lang siya. Pero ayaw iyon ng tiyahin. Ang gusto nito ay igagapang nito ang pagaaral niya. Nang masimot ang savings nila ay doon na ito nagsimulang sumubok na mag-summon. Iyon ang sinandalan nila para mabuhay ang tiyahin. Umasa sila sa himala. Umasa sila sa isang anghel hanggang sa binawian ng buhay ang tiyahin isang taon ng nakararaan. Gayunman, bago nalagutan ng hininga ang tiyahin ay binilinan siya: ipagpatuloy niya ang nasimulan nito. Oras na maka-summon siya ng anghel o demon, humingi siya ng tulong. Kontrolin kung kaya niya para maisalba siya nito sa kahirapan. Kaya hayun si Kaye. Isang taon nang nagmumukhang tanga. Hindi na lang niya iniisip iyon dahil naniniwala siyang nage-exist din naman ang mga ganoong klaseng nilalang. Malas lang na hindi siya 'gifted'. Wala siyang third eye para makita sila. Gayunman, salamat pa rin dahil mayroong internet. May mga pakalat-kalat pa rin na impormasyon tungkol sa kanila. Ibig lang sabihin ay posible sila. Kakapit pa rin siya. Kahit ilang itim na manok ang kailangan niyang ialay, gagawin niya. "Demonyo! Lumabas ka! Ngayon din!" sigaw na ulit ni Kaye. Tumuwid pa siya sa pagkakaluhod at itinaas maigi ang dalawang kamay na magkahiwalay. Tumingala siya at mariing ipinikit ang mga mata. Paulit-ulit niyang dinasal ang orasyon na nakuha sa internet hanggang sa napaigtad siya ng mayroong pumatak sa noo! "s**t naman, oh..." naiinis na bulong ni Kaye ng makapa ang likido. Napatitig siya sa kisame at nakita niya ang isang butiki. Mukhang nangaasar pa dahil nagtitiktik iyon ng tiktik saka mabilis na gumapang sa kisame at nagtago! Napabuga na lang ng hangin si Kaye saka pinagmasdan ang kalat sa maliit na sala. Lahat ng maliit niyang sala set, nasa gilid para magawa ang malaking bilog na iyon. Napabuntong hininga na lang siya at tumayo. Nilinis na lang niya iyon at pinatay ang mga itim na kandila. Nawalan na rin siya ng gana. Ni ang kumain ay hindi niya magawa. Matamlay siyang nagayos at pumasok sa Controls—ang call center na pinagta-trabahuhan niya. Nakapasok siya doon walong buwan ng nakararaan bilang technical support. Kahit undergraduate sa kursong Computer Science, suwerteng nakapasok pa rin siya. Idinaan na lang sa training at exams ang lahat. Suwerteng nakapasa naman siya. Kailangan niya ng mapagkakakitaan dahil siguradong mamatay siyang dilat ang mga mata kundi niya iyon gagawin. Napabuntong hininga na lang si Kaye matapos makapag-time in gamit ang biometric. Lihim siyang nanalangin na sana, may ma-summon na siya habang binabagtas ang mahabang pasilyo papasok sa department nila. Aaminin niya, napapagod na siya sa takbo ng buhay niya. Gusto naman niyang guminhawa. Sinisingil na sila ng mga pinagkakautangan nilang magtiyahin. Tatlong buwan na siyang hindi nakakabayad ng renta. Ang mga city services ay dalawang buwan na niyang hindi nababayaran. Hindi na niya alam kung papaano pagkakasyahin ang kinikita. Kahit yata hindi siya kumain ay hindi rin lang iyon magkakasya. Ganoon katindi ang pangangailangan niya kaya sana lang ay pagbigyan siya ng demon na matatawag niya. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Bata pa lang, lugmok na sila sa kahirapang mag-tiyahin. Namatay ito ng wala silang nagawa para sa sakit nito. Naka-ilang sessions lang sila sa chemo, sumuko agad sila sa gastos. Sumuko na nga sila, sinisingil pa agad ng mga hiniraman. Kung makasingil pa ang bumabay na inutangan nila noon, parang walang sakit ang tiyahin. Naiintindihan niyang business ay business pero naman... nakakapanghina na minsan ay walang konsiderasyon ang iba. Kaya naiintindihan niya ang tiyahin kung bakit hanggang mamatay ito ay ginusto nitong ituloy niya iyon. Alam nitong wala itong naiwan kundi mga utang at naawa ito. Siya naman ay gusto ring makaahon. At hindi iyon mangyayari sa normal na paraan. Isa lang ang makakasagip sa kanya sa kahirapan: ang anghel o demon... Kaya gaya ng kahilingan niya, sana lang talaga ay pagbigyan siya ng kunsinumang matatawag niya. Napabuntong hininga na lang si Kaye at naupo sa swivel chair na nakatalaga sa kanya. Itinuon niya ang atensyon sa trabahong mabigat ang pakiramdam. NAPABANGON SI Demetineirre. Pakiramdam niya ay mayroon siyang narinig na bulong ng isang babae. Malamyos ang tinig noon. Pakiramdam niya, nanlalamig siya at nanayo ang mga balahibo—katakataka dahil nasa isang mainit na lugar siya. Underworld is hell. Day and night, it was a reign of fire. Kahit saang sulok ng underworld, panay panaghoy ng mga naghihirap na kaluluwa ang naririnig niya. Naipilig ni Demetineirre ang ulo. Imposible ang narinig niyang malamyos na tinig. Mukhang nakatulog siya ng buong himbing at nanaginip lang. Wala naman siyang ibang eksplanasyon sa nangyari kundi iyon lang. Aba, sino ang gagawa noon? Walang ibang puwedeng demon ang magpataw sa kanya ang orasyon. Selyado siya. Mayroong invisible armor laban sa ibang demons. Ligtas siya sa mga kalaban. Nagkibit balikat siya at nahiga ulit. Ipinikit niya ang mga mata at napakunot ang noo ng mayroong nakita. It was a face of a lovely woman. She looked innocent. Very captivating and mesmerizing. Kasalanan ng mga mata nito. Makakapal ang pilik noon at mapupungay. Parang inaakit siya habang nakaawang ang mga labi... "Whoa!" gulat na bulalas ni Demetineirre at napabangon. Gulat na gulat siya sa nakita sa isip. Ngayon, sigurado na siya. Someone was trying to penetrate his in thoughts! Biglang naginit ang ulo niya. Walang sinumang gumawa noon sa kanya! Kunsinuman iyon ay isa itong pangahas at humanda ito. Hindi niya mapapalampas ang kalapastanganang iyon! "I CALL upon a demon to be sent up from hell, make them a watcher of this irrevocable spell..." anas na dasal ni Kaye habang mariing nakapikit ang mga mata. Bagong summoning spell iyon na nahanap ulit niya sa internet. Sa tuwing breaktime, iyon ang ginagawa niya. Naghahanap siya ng bagong summoning spell at natuwa siya ng makita iyon. Pin-rint screen niya para kabisaduhin ang spell. Bumili din siya ng mga kakailanganin gaya ng itim na kandila. Kinailangan din niya ng puso ng itim na pusa at dugo ng isang itim na aso. Nagpunta pa siya sa slaughter house malapit sa tinitirhang apartment. Suwerteng napabigyan siya ng butcher. Tatlong araw ang hinintay niya para doon. Kahit nakakatakot ang butcher dahil kakaiba iyong makatingin, inignora na lang niya. Ang mahalaga, maisagawa niya ang plano. Siningil din siya nito ng mahal dahil sa mga imposibleng request daw niya. Dahil excited to the nth power, binayaran na niya. Nararamdaman ni Kaye, iyon na ang katuparan ng mga pangarap niya! "I have made up my mind. Give me a demon who will make my dream come true..." dagdag na anas ni Kaye. Mariin siyang pumikit at taimtim na hinintay ang mga susunod na mangyayari. Ang sabi sa nabasa niyang impormasyon sa internet, kung walang demon na lalabas ay ibig lang sabihin na hindi nito pinauunlakan ang imbitasyon niya kaya kailangan niyang paigtingin ang panalangin. Kailangan pa niyang gawing taimtim ang pagdarasal kaya hayun siya, halos hindi na humihinga habang naghihintay. Napaigtad si Kaye ng may nabasag sa kusina. Nakiramdam siya at biglang kumabog ang dibdib niya ng makaramdam ng kakaibang presensya. Napalunok siya. Parang umakyat na sa ngalangala ang puso. Pakiramdam niya, mayroong bubulaga sa kanya anumang oras... "s**t!" tili niya ng biglang tumakbo ang pusa galing kusina tangay ang ulo ng tilapia na ulam niya! Napabuga siya ng hangin. Napailing-iling na lang siya habang kinakalma ang pusong nagwala sa nerbyos. Nang makabawi ay minabuti ni Kaye na ituon muli ang atensyon sa ginagawa. Magdadasal siya ulit ng biglang mamatay ang itim na kandila. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo at minabuting abutin ang posporo na nakalagay sa side table dalawang hakbang mula sa kanya. Pero natigilan si Kaye ng abutin iyon dahil nakarinig siya ng yabag. Awtomatikong napalingon siya sa kusina dahil doon nanggaling ang tunog. Kunot noo niyang pinakiramdaman iyon at nang walang marinig na tunog ulit ay napailing na lang siya. "Napapraning ka na, Kaye..." naiiling na anas ni Kaye sa sarili at sinindihan ang kandila. Huminga siya ng malalim ng matapos. Nang masigurong wala ng istorbo, minabuting pumikit ni Kaye at nagdasal ulit. Anumang yabag o kaluskos ay hindi na pinansin ni Kaye. Tahimik lang siya sa ginagawang ritwal. Hindi siya nawawalan ng pagasa. Ramdam niya, malapit na siya. Kaunting dasal na lang ay darating din ang hinihintay niya... Lumipas ang maraming minuto, doon nakaramdam ng kakaiba si Kaye. Nakaramdam ulit siya ng yabag hanggang sa tumigil iyon sa harapan. Pakiramdam niya, mayroong tao na talaga sa harapan. Ramdam niya ang init ng presensya nito. Gusto niyang mapangiwi dahil mayroong kakaibang amoy iyon. Amoy alak at sigarilyo. Ito na kaya ang demonyo? Mukhang mabisyo pa ang demon na natawag niya! Kumabog ng ubod lakas ang dibdib ni Kaye ng maramdaman ang kilos ng demon sa harapan. Hindi pa rin niya magawang imulat ang mga mata. Parang... natatakot siya. Papaano kung may sungay iyon? Papaano kung naglalakihan ang mga pangil? Papaano kung pula ang mga mata at patayin siya sa isang iglap lang? Ah, tapos ang mga pangarap niya... Pero kung papatayin siya nito, dapat ay kanina pang lumitaw ito. Nakasilip siya ng kaunting pagasa dahil sa naisip. Mukhang kahit demon, makatao ito. Handang makipagusap muna kahit papaano. Huminga ng malalim si Kaye at minabuting harapin ito. Pigil hiningang dahang-dahang nagmulat ng mga mata si Kaye. Halos hindi na niya naririnig ang sariling hininga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib. Pakiramdam niya, nasa tainga na niya ang puso. Napalunok siya para lakasan ang loob. Kumurap-kurap si Kaye dahil blurred ang vision niya gawa ng matagal na pagkakapikit. May naaninag siyang korte ng tao. Nakaitim iyon. Kumurap-kurap pa siya para luminaw ang paningin. At napakunot ang noo niya ng makitang maigi ang lalaki sa harapan. All black ang suot nito. Mahawak itong patalim. Kinakabahan siyang napatingala at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng makilalang ito ang butcher na pinagbilhan niya ng mga dugo! Ang mga tingin nito sa kanya ay nakakapanindig balahibo. Nakangisi ito at walang halong katinuan ang mga mata. Bago pa makasigaw, nadaluhong na siya nito at tinakpan ang bibig niya sabay tutok ng patalim sa leeg! Nangatog siya sa takot at nangilid ang luha. Nagkadailing-iling siya ng singhutin siya ng lalaki. Dahil sa pagkakalapit nila, doon niya napansing namumula ang mga mata nito. Bukod sa obvious na lasing ito sa alak, mukhang high din ito sa droga. Naiyak na lang si Kaye dahil sa ideyang nabubuo sa isip niya kung saan siya mauuwi. "Hmm... ang bango mo talaga, 'neng... a-alam mo bang ang tagal na kitang ino-obserbahan? Sa tuwing dumadaan ka sa slaughter... lagi kitang pinanonood...mukhang wirdo ka pero mukhang... masarap..." gigil na bulong nito sabay dila sa kanyang tainga! Nanlaki ang mga mata ni Kaye sa pandidiri at takot! Tumindi iyon ng magsimulang kumilos na ang manyak na lalaki. Idiniin nito ang patalim sa lalamunan niya gamit ang kanang kamay at kinapa ang katawan niya! "Huwag—!" luhaang bulalas niya ng hawakan nito ang mga maseselang parte ng katawan niya at nabitawan ang bibig. Ginamit niya ang pagkakataong iyon. Dahil sa takot, napatili siya at humingi ng tulong! "Saklolo—!" "Tumahimik ka!" sigaw nito sabay tarak ng kustilyo sa gilid ng tainga niya. Nanginig siya sa takot! Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Halos hindi na siya humihinga! Aba, kaunting kilos lang, siguradong tapyas ang tainga niya! "Sa susunod, sa mata mo na tatarak ang kutsilyong iyan," gigil na banta nito. Napabulalas na lang si Kaye ng iyak ng alisin na ng manyak na butcher ang pangitaas nitong damit. Nagmamadali ito. Mukhang gusto na talaga siyang gahasain! Pero naisip niya, kailangang lumaban siya. Eh, ano kung mamatay siya? Aba! Mas gusto pa niyang mamatay na lumalaban kaysa ang matikman nito bago mamatay! Sigurado naman na hindi na siya nito bubuhayin oras na makuha ang gusto! Sisinghot-singhot siyang nagisip ng paraan. Naghintay siya ng timing. Nang malingat ito, agad niyang inagaw ang kutsilyo dito pero napatili siya ng mabilis din nitong nabawi iyon at nasugatan siya! Napahiyaw na lang siya sa sakit ng bumulwak ang dugo sa sahig at sa mga gamit niya pang-ritwal! Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kanya. Napasigaw si Kaye sa sakit. Sa lakas noon, napadausdos siya sa semento at naiyak. Napasigaw na lang siya ng hinila ng lalaki ang pantalon niya pababa habang nakatalikod siya. Sinubukan niyang nanlaban pero naramdaman na lang niyang sinuntok nito ang batok niya. Hilong napasadsad siya sa semento. Hilo man, ramdam niya ang kababuyan nito sa kanyang katawan. Skinny jeans ang gamit niyang pantalon kaya hirap itong alisin iyon. Pero gayunman, sinamantala pa rin nito ang pagkakataon, hinipuan siya nito habang nahihilo siya. And it was desperate time, she called for desperate measures. Pakiramdam ni Kaye, walang tutulong sa kanya. Sa huling pagkakataon, sinubukan niyang dasalin ulit ang mga orasyon. Bahala na si batman. Dumating na ang puwedeng dumating sa tawag niya. She put her heart on to it. Dahil iyon na ang huli, ibinuhos niya ang lahat ng paniniwala at pagasa sa dasal na mayroong demon na darating para tulungan siya... "Damn. I want your soul," Kapwa natigilan sina Kaye at butcher ng marinig ang malamig at baritonong boses na iyon. Sa nalalabong paningin, napalingon si Kaye. Mayroon siyang naaninag na lalaking nakatayo sa gitna ng bilog kung saan siya nagdarasal para tumawag ng anghel o demon. At nawindang siya sa nakitang lalaki. Malaking lalaki ito. Guwapo at misteryoso. Nababalutan ito ng pulang usok. Naamoy din niya ito. Amoy sulfur—amoy na alam niyang taglay ng isang demon dahil iyon din ang amoy ng underworld. Ramdam ni Kaye na hindi ito tao. Dama niya ang itim na aura nito. Kakaiba ang presensya ng lalaki. Nakakasakal at nakakalula. Ito na ba ang demon na hinahanap niya? pini_ހ/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD