"Naka-transfer na si Ms. Nessa sa kanyang room. Pwede niyo po siyang puntahan." sabi sa kanila ng nurse. Di naman nagsayang ng oras si Helios at agad na tinungo ang room ni Xenova. Pagpasok ni Helios sa kwartong kinaroroonan ni Xenova ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kitang-kita ang mga pasa nito sa buong katawan, kahit sa mga binti't braso. Hindi din nakalampas sa kanyang paningin ang malaking bandage sa mukha ni Xenova. There are deep wounds at may benda din sa ulo ang kanyang pinakamamahal na babae. Nanginginig ang mga paang linapitan niya si Xenova, he can't stop his tears from falling from his eyes. He really wants to hug her pero takot siyang baka mas masaktan lang ito. Damn, she suffered... everything... from emotional to physical pain ang pagdurusang naranasan ni

