Chapter 9

1508 Words
Scared Chapter 9 ***** "Kiana," "Oh it's you!" She exclaimed with a hint of tease in her voice. Tinignan ko lamang siya. She stared back at me. Mas matangkad siya ng kaunti sa akin kaya kailangan ko pang tumingala ng kaunti para makita ang mukha niya. Of course, sino nga ba ang hindi tatangkad kapag nagsuot ng three-inched heels. I am hundred percent sure na designer ang mga iyon. It must be from Jimmy Choo Shoes ar Prada. Knowing Kiana, branded ang lahat ng gamit. Sometimes I think that she is allergic to local products. Ang kaniyang silk dress na hanggang tuhod ay yumayakap sa kaniyang well-built body. Walang-wala ako kung ikukumpara ako sa kaniya. I am just a nobody. Walang perpektong katawan, hindi rin kagandahan, at bukod sa lahat ay walang kumpiyansa sa sarili. I don't have that kind of aura na talagang lilingunin ng sinuman oras na dumaan. But she, Kiana Frances Martinez, is the total opposite of what I am. She is an independent woman and she can hypnotize any man and make him do whatever she likes. Napapitlag ako nang nagsalita ulit siya. "So how's Damien? I 've heard you're not in good terms with your husband who is my ex." She said emphasizing the last word she have said. I scoffed at her, "Actually okay kami ng asawa ko." I tried to hide my irritation especially nang bitawan ko ang salitang asawa. Nakita ko ang panandaliang pagkainis sa mukha niya pero agad rin iyong napalitan ng isang ngisi. Lumapit siya sa akin, "Listen you b***h, akala mo iyong-iyo na si Damien. Think twice honey, ako ang mahal niya hindi ikaw. Kahit anong gawin mo hindi ka niya mamahalin." She whispered right into my ear. Masyadong malakas ang t***k ng puso ko at nanlalamig na ang pakiramdam ko. I felt like exploding any minute. Parang may kung anong pwersa ang sumapi sa akin at kaagad ko siyang sinampal. It was loud and clear. She was shocked and her mouth formed a big letter 'o'. Napaatras siya ng kaunti sapo-sapo ang pisngi na nasampal ko. My breathes were uneven. Mabilis na paghinga sinabayan ng malakas na pintig ng puso. That was what I felt when I slapped her. Pangalawang beses ko iyong maramdaman. Noong una ay nang nasampal ko rin si Damien because of what he said to me before. Pero sakit ang namuo sa damdamin ko, ibang-iba sa galit na bumubuo ngayon sa buong pagkatao ko. Marahan kong binaba ang kamay ko na nanginginig dahil sa galit. I looked straight into her eyes, nakikita ko ang galit niya pero nang mga sandaling iyon ay wala akong pakealam. "Ikaw ang makinig b***h," I said as I took a step forward "Kahit anong gawin mo hinding hindi ako papayag na sirain mo ang pamilya namin." "Pamilya? Tss yeah right, you'll always be a slut who likes to ruin other's relationship." "And you're nothing but a w***e who always meddle with someone else's family and loves to spread your legs infront of someone else's man." She was stunned at hindi alam ang isasagot. Tumingin lamang siya sa akin na nagtataka. I know that she was somewhat amazed of what I just said. I fought back. Sa unang pagkakataon. Ako ang uri ng tao na mananahimik na lamang kahit na nasasaktan na. Call it whatever you want, a martyr or a masochist. Hindi naman kasi ako ang tao na pala-away. I am an underdog, weak at clumsy. Pero ngayon ay nagawa ko na siyang harapin. I am starting to feel strong. And I must admit that I love the feeling of being strong, of being confident. Palabas na ako nang may makasalubong ako na isang lalaki na mukhang foreigner. He has this handsome face na hindi madaling malimutan. He's tall but he reminds me of someone. He smiled na kinabigla ko. "Hi! I 'm Kian, and you are?" "Yar--Yasmine." I was hesitant to take his hand na nasa harapan ko pero sa huli ay tinanggap ko pa rin. I was shocked dahil malambot ang mga kamay niya, mas malambot pa sa akin. He flashed his deadly smile again. "Are you a friend of Kiana? Nakita kasi kita na kausap siya." Suddenly I felt an urge to punch the handsome fella infront of me. Nang banggitin niya pa lamang ang pangalan ni Kiana ay sobra na agad ang galit ko sa kaniya. Parang may nage-urge sa 'kin na suntukin siya at saktan sa isang 'di mawaring dahilan. Kaya't inirapan ko na lamang siya na kaniya namang kinabigla. "Why would I tell you?" "Woah! So friends nga kayo, you have similarities." "Tsk, we are not the same. And FYI, we're not friend." Sa sobrang pagkainis ko ay tinalikuran ko na siya pero tinatawag pa rin niya ako kaya naagaw ang pansin ng ibang kumakain sa restaurant. "Wait! Yasmine, I need to tell you something!" Nilingon ko siya at tinaas ang kamao ko. "Talk to my fist!" I retorted at tuluyan nang naglakad pabalik sa kinaroroonan nila Anton. Nag-rent si Shiela ng isang kuwarto na mayroon nang videoke. Since she loves singing pati na rin ang iba pa naming kasamahan. I don't sing bad but I'm not daying that I 'm a good singer. Sakto lang. 'Yung pwede nang pag-videoke sa kanto. "Ikaw na Yarz!" Binigay sa 'kin ni Anton ang mic pero binalik ko iyon sa kaniya. "Hindi ako marunong e," I lied. Napasimangot naman ito at walang ibang nagawa kundi ang kantahin ang nagpe-play. Alam kasi ni Anton na maayos ang boses ko kaya pilit niya na binibigay sa 'kin ang mic pero tinatanggihan ko naman. Nandoon lang ako sa table kakwentuhan ang iba pa naming co-teacher habang nagi-ihaw. May built-in na lutuan na kasi at ihawan sa gitna kaya sineserve nila ng raw ang mga pagkain at kami na ang bahalang magluto. "Yara bakit bumalik ka ulit sa pagtuturo?" Biglang tanong ni Shiela na nakaupo na rin at napagod na sa pagkanta. I shrugged. "First love ko kasi ang teaching. Atsaka masaya ako na may natuturuan." "Ganun? E sobrang yaman ng asawa mo, kung tutuusin ay puwede ka nang mag-buhay reyna doon sa hacienda niyo!" She exclaimed. Nginitian ko na lamang siya at 'di na nagbigay pa ng komento tungkol sa sinabi niya. Nagulat kami nang biglang pumasok sa kuwarto ang isa pa naming kasama na sigaw nang sigaw at parang maiihi sa sobrang kilig. Naglapitan sa kaniya ang lahat at nakikiusyoso sa cellphone na hawak niya. "Grabe ang ganda niya talaga!" Aniya na winawagayway ang litrato na nasa cellphone niya. "Ang bait pa!" Dagdag ni Joyce. Si Shiela naman ay lumapit sa kaniya at pilit na inaagaw ang cellphone. "Ay ang damot! Gusto ko lang naman makita 'yung picture niya e!" Shiela whined. Joyce stucked her tongue out at Shiela kaya sumimangot pa siya lalo. "Magpa-picture ka kaya! Nandoon pa si Kiana sa labas!" "Kiana?" Napatingin silang lahat sa 'kin na para bang may sinabi ako na masama. They looked at me with confusion. Tumabi sa 'kin si Joyce at pinakita ang picture nilang dalawa ni Kiana Frances. At totoo, siya nga. Ang kaagaw ko sa puso ng asawa ko. Nakalimutan ko na sikat nga pala siya. Isa nga pala siyang sikat na TV personality. She's one of the top paid models international kaya't lahat sila ay talaga namang hinahangaan siya. "Ay! Fan ka rin niya? Nako 'di na ako magtataka. Ang galing kaya ni Kiana!" Joyce praised her with gleaming eyes. True, magaling siya, pero bulok naman ang ugali. "No 'di niya ako fan. I just happened to know the name." I answered. They just shrugged it off at muling binalik ang atensyon sa kaninang celebrity na pinag-uusapan. Anton butted in, "Ay boyfriend niya ba 'yung kasama niya?" They were all talking about Kean. Umiling si Joyce na halatang die-hard fan ni Kiana. "Hindi siya 'yun. Gosh nakalimutan ko ang pangalan! Teka, sa 'D' nagsisimula e!" Joyce uttered in frustration. Bigla akong kinabahan sa mga nangyayari. Joyce shut her eyes trying to recall his name. "Drake? Darwin? Dustin? Darlon...." "Damien..." I whispered. She snapped her fingers at galak na galak na tinuro ako. "Oo! Damien nga ang pangalan! Ay bongga, kapangalan ng asawa mo." She exclaimed. Kaagad na nahulog ang puso ko. Kahit na imposible ay parang patuloy na nahahati sa gitna. I know na hindi dapat ako nagagalit sa kanila dahil wala naman silang alam. The media never met Damien as Kiana's boyfriend. Laging pinipigilan ni Lolo Ruben ang paglabas sa media ng tungkol doon kaya they kept their relationship a secret for a long time. Hanggang sa nagpakasal kami ni Damien at doon siya nakilala ng mga tao. Ang tagapagmana ng Tejares Corp., at ang asawa ko. I 'm scared...I don't know why pero natatakot ako. I 'm scared of the possibilities. Possibility of Damien and Kiana getting back together. Possibility of losing my husband. And a possibility of not giving him a family. And that very moment, I was terrified. "Yara? Okay ka lang? Yara! Yara! Call an ambulance! O my god!" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD