Kabanata 8 - Against the Will

2157 Words
“Come on, Patrcia, be smarter than a child,” sambit ni Dad na hindi hinahayaang pumanig sa akin si Mom. “Alam mong disappearing without telling anyone, especially her parents, is a serious matter.” “Mawalang galang na po, subalit tama po si Don Faustino,” sabat ni Officer Delgado. “Magulang din ako kaya tama lang na i-report sa kapulisan kapag nawala ang anak. Ilang saglit nga lang mawala nang walang paalam ang mga anak ko ay kinokontak ko na agad sila.” Hindi ko maiwasang mapaikot ang mata sa sinabi ng police officer. Kinakampihan niya lang si Dad kahit alam niya naman na kailangan ng 24 hours bago i-declare na missing person ang tao. Hindi pa naman lumilipas ang 24 hours para ganito na sila kalala para maghanap. Ang dami nilang sinama na police na para bang nasa akin ang secret formula. Hindi ako kailanman napapamangha sa koneksyon ni Dad. Sakit sa ulo ko ‘yon dahil ginagamit niya ‘yon para kontrolin ang buhay ko ngayon. Kung wala siyang pera at kapangyarihan ay hindi naman niya lahat ito magagawa. Hindi niya ako mauutusan saka lalo na ang masisindak. “Kukuha po muna kami ng case statement bago umalis para maisara namin ang kaso, Don Faustino.” Natutuliro akong napailing sa narinig ko. Kaya pala hindi pa rin sila umaalis dahil may kailangan pa sila sa akin. Pero hindi ako pwedeng magbigay ng statement sapagkat malalaman nila ang nangyari sa akin kagabi. At hindi pwedeng malaman nila ang tungkol sa kagagahan ko kagabi kundi ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. “Gawin n’yo na ang kailangan n’yong gawin, Officer Delgado,” saad ni Dad na ikinataranta ko. Hindi ako mapakali habang nakatayo saka nag-iisip ng pwedeng palusot. Kung pwede lang lumubog sa kinatatayuan ko para lang makatakas ay gagawin ko. “Mom,” mahina kong tawag. “I think kailangan ko na po magpahinga.” “Mabilis lamang po ito, Miss Misha. Sagutin n’yo lang po ang ilang tanong ko saka isulat ang statement n’yo rito sa bond paper po.” “Misha, sundin mo ang sinasabi sa’yo,” giit ni Dad. “Hindi po ba pwedeng ipagbukas na lang ito, Officer?” tanong ko na hindi kinuha ang panulat at sulatan na iniaabot na sa akin. “I’m not really in the right mood today. Wala pa po talaga kasi akong tulog.” “State in the statement why you don’t have enough sleep,” utos ni Dad na ikinatigil ko. Pakiramdam ko pati paghinga ko ay bantay-sarado. At anong ilalagay ko sa papel na dahilan kaya halos wala akong tulog? Ilalagay ko na nakipagyugyugan ako magdamagan sa lalaking hindi ko kilala saka tinakbuhan ko pa, gano’n ba? “Dahil lang sa insomnia ko ‘yon,” ilap kong rason. “Mom, please, gusto ko na po umakyat sa kuwarto ko.” “Faustino, hayaan mo muna siyang magpahinga,” suhestiyon ni Mom habang hhawak-hawak ako sa bisig ko. “Ayan ka na naman, Patricia, sa hayaan. Mamaya ay wala tayong kamalayan sa totoong nangyari sa kaniya sa bar. Paano kung napaano siya ro’n? You have no idea what a rebellion person can do.” Umiwas ako ng tingin sa sinabi ni Dad. Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ko na makukuha pa ang tiwala niya o kung makuha ko man ay paghihirapan ko pa ng matagal na panahon. Wala akong nagawa kundi maupo sa sala. Nasa tabi ko si Mom habang nasa harapan ko naman sina Dad at Officer Delgado. Sa totoo lang ay lagkit na lagkit na ako sa katawan ko pero ginawa ko ang lahat upang maging presentable sa harapan nilang tatlo. Sumunod ako sa utos nila Dad na isulat sa papel ang statement ko sa nangyari sa akin kagabi. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mom na puro pangungumbinsi lang naman. Pinagdidiinan niya na para sa ikakabuti ko ang ginagawang ito. At alam kong sinasabi niya ‘yon dahil wala siyang nagawa nang hindi ako pinayagan na umakyat sa kuwarto ko saka pinilit na gumawa ng statement sa nangyari. Pinapanood ako nila Dad habang nagsusulat. Hindi na nawala ang ganitong pakiramdam na para bang laging may nakatutok na camera sa akin. Para bang bawat anggulo ko ay may nakatingin at inaabangan lang akong magkamali. “Hija, do you remember what you said to me yesterday?” Napatigil ako sa pagsusulat sa papel nang magsalita si Dad. Napunta sa kaniya ang tingin kong nagtataka dahil marami akong sinabi sa kaniya kahapon at hindi ko tanda masyado kung ano ang gusto niyang alalahanin ko. “Tinulungan kita sa kalokohan mo kahapon. Binayaran ko ang nagastos mo saka pinasundo pa kita kay Pablo. Limot mo na ba ang kapalit no’n?” Napakurap ako. Mahigpit akong napahawak sa panulat habang nagpapanggap na hindi nasisindak sa pagkausap niya sa akin. “Faustino, please lang. May ibang taong nakakarinig sa’yo. Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na dapat sa atin lang.” “Huwag po kayo mag-alala, Donya Patricia, kasama sa sinumpaan namin sa trabaho na panatilihing pribado ang anumang bagay tungkol sa pamilya. At matagal ko ng kaibigan si Don Faustino, makakaasa kayo palagi sa tulong ko.” Ilang taon lang akong nawala sa isla pero mukhang bawat salik ng lipunan ay may kakilala o kaibigan sila Dad. Kung may problema ay isang tawag lang ay nabibigyan niya na agad ng agarang solusyon. Muli akong napatingin kay Dad nang magsalita siya ulit. Siya na ang nagpaalala sa bagay na nalimot ko kahit kahapon lang nang manumpa ako. “Sinabi mong susunod ka na sa lahat ng iuutos namin sa’yo,” giit niya. “You even swore to God that you would follow the rules. Hindi mo na kami hahamakin pa.” Napaiwas ako ng tingin. Pinagsisihan ko ang sinabi kong ‘yon pero ayon lang ang naman tangi kong magagawa, ang magsisi lang. Sapagkat gustuhin ko man o hindi, wala sa akin ang karapatang magdesisyon. “Nasaan na ang batang Misha? Nasaan na ang Misha na hindi rebelde sa kaniyang mga magulang?” prangkang tanong ni Dad. “Umaasa ako na ngayong umaga ay ang dating ikaw na ang sasalubong sa amin, pero binigo mo ako. You disappointed me, as always. Ilang kabiguan pa ba bago ka magbabago, hija?” Hindi ko napigilan ang luha kong kumawala. Mga salita na aakalaing simple lang pero halos tumagos ‘yon sa dibdib ko sa sobrang sakit. Kahit kailan ay hindi ako magiging enough sa paningin niya. Kung nais niyang hindi sumuway ang tao sa kaniya, bakit hindi niya subukang hayaan itong maging malaya? “Bakit hindi ka makasagot? Ganiyan ka na ba kabastos?” dagdag niyang tanong. Marahan akong umiling saka matipid na ngumiti kay Mom na awang-awa sa akin. Hindi nangahas na mangialam ang kaibigan niyang police officer na bahagya ring tumatango at parang sumasang-ayon sa pagpapayo sa akin. “Gusto mong umabot sa puntong ikulong ka sa kuwarto mo bago ka tumigil sa pagrerebelde mo? That’s what you really want, right? Alam mo, authoritarian parenting na lang ang gagana sa’yo.” “Faustino,” suway ni Mom. “Please, watch your words. She’s still too young.” “You’re not too young, Misha,” ani ni Dad. “Alam mo na ang tama sa hindi. Pero patuloy ka pa ring lumalakad patungo sa kamalian. Huwag mong hintayin na ipa-confine pa kita sa mental para lang magtino ka.” Napayuko na lang ako habang nakikinig na naman sa pagbabanta niya. At hindi ako tanga para isipin na nananakot lang siya dahil alam kong kaya niyang gawin ‘yon. He can turn the impossible to possible. “Ano ba ‘yang sinasabi mo, Faustino? Nakakahiya kapag nalaman ng ibang tao lalo na ng mga kamag-anak natin ang plano mo!” tumaas ang boses na sambit ni Mom. “Ano na lang sasabihin sa pamilya natin? Ipapadala mo sa mental ang anak natin habang tayo ay parehong nasa medical field. Nag-iisip ka pa ba talaga?” “Nag-iisip pa naman ako, Patricia, but I don’t think so that you’re daughter is! Mas matigas na sa bato ang ulo niyan. At isang tawag ko lang kay Doctor Sandoval, mangyayari na agad ang dapat mangyari.” Napatayo sa kinauupuan si Mom sa takot na ipa-admit na lang ako ni Dad sa mental kaysa paaralin ako sa darating na pasukan. Pero mas akma nga ‘yon na maging pasyente na lang ako kaysa aralin ang buong konsepto sa psychology. “Misha, anak, bakit hindi natin gawing panibagong araw ito para magsimula ulit?” pangungumbinsi ni Mom sa akin. Ramdam ko ang takot ni Mom lalo pa sumang-ayon si Officer Delgado na makakabuti sa akin na ipaalaga ako sa mental. Kilala naman daw niya rin Doctor Sandoval na magaling na psychologist. “Please, don’t break my heart, honey. Ayokong ma-admit ka sa mental dahil una ay matino ka naman, siguro nga matigas lang ulo mo sa nakalipas na araw, pero wala kang problema sa pag-iisip,” natatakot na sambit ni Mom habang naiiyak na lang din sa nangyayari. “Kung nagrerebelde ka man, hindi ito makakabuti sa’yo. Isipin mo nang maigi ang lahat. Lahat ay para sa ikakabuti mo dahil mahal ka namin ng Dad mo.” Palipat-lipat ang tingin ko sa mata ni Mom habang hinahaplos niya ang pisngi ko. Pinapakiusapan niya akong humingi na ngayon agad ng tawad kay Dad saka mangakong magbabago na. Daig ko pa ang kriminal na lumabag sa international law sa gusto niyang gawin ko. “Misha, maawa ka naman sa akin!” humagulgol na saad ni Mom. Hindi ko napigilan ang sarili kong tahimik na umiyak lalo pa ito ang unang beses na maging sobrang emosyonal siya. Minsan iniisip ko kung hindi lang ako ang inampon nila noon. Siguro nga maganda ang buhay nila dahil perpekto na ang lahat sa kanilang mag-asawa at ako lang ang tanging malas. “Gusto mo ba akong gumising tuwing umaga na iniisip ko kung anong nangyari sa’yo sa pagamutan? Noong nasa America ka pa nga lang ay nag-aalala na ako agad nang sobra!” pagsusumamo niya. “Hindi ko na kakayanin kung mawawalan ulit ako ng anak. Nawalan na ako noon, hindi ko alam kung kaya ko pang mawalan ngayon.” Dire-diretsong tumulo ang luha ko. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Sobrang sakit sa dibdib na iyong taong gusto nating bumalik ay malabo ng mangyaring babalik. “Hindi mo kami kalaban, anak. Magulang mo kami. Kami ang kakampi sa’yo at higit sa lahat ay poprotekta sa’yo.” Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko matapos akong kausapin ni Mom. Sa nagdaang araw ay kadalasan akong galit sa kanila lalo na kay Dad, pero minsan naman tulad ngayon ay awang-awa ako sa kanila lalo na kay Mom. Sa akin lang nila napatunayan na naging mabuti silang magulang. Pero bakit hindi ko magawang gawin ngayon na maging mabuting anak sa kanila? Nasaan na nga ba ang batang ako na hindi rebelde? Iyong batang nag-aabang sa pinto para salunbungin silang galing sa trabaho at dalang pasalubong. Bakit hindi ko magawang maging grateful? Kailangan pa bang mawala ang isang bagay para mapagtanto ko kung gaano ako kasuwerte sa kanila? “I, Misha Samara Contessa, 20 years old, resident of La Isla de Amore. I left our house in the afternoon without informing my parents. I went to the Harbor of Love Hotel and Bar to drink, and eventually I slept in their hotel because it was too dangerous to drive under the influence. I was really drunk last night and fell into a deep sleep until I woke up late in the morning.” Binasa ko ang sinulat ko sa papel para magsilbing statement na kailangan daw ng opisina nila Officer Delgado. Nilagay ko ang lahat ng importante sa statement ko dahil tuluyan na akong sumuko. I don’t think there is still a reason to go against my dad. I will never win against him. “I was not abducted nor harmed. I am now safe and at home.” Matapos kong basahin ang sulat ko at ibigay ‘yon kay Officer Delgado ay tumayo na ako agad. Hindi ako makahinga nang maayos. Marahil ganito ang pakiramdam kapag may bagay na ayaw nating gawin pero as if naman may choice. “I-I’m so sorry,” sambit ko kay Mom bago ako tumingin kay Dad. “I hope you’re happy.” Tinalikuran ko na sila na nakaupo rito sa sopa sa sala. Umakyat na ako sa kuwarto ko habang walang tigil ang luha ko sa pagtulo. Hindi ko mapigilan ang sariling umiyak hanggang sa napahikbi na lang din ako nang makapasok na ulit sa kuwarto ko matapos ang dalawang taon. Binagsak ko ang katawan sa canopy bed habang nakatingin sa kisame. Para akong nalulunod sa walang tigil ko sa pag-iyak. Pero hindi ako nag-abalang bumangon at umaasa na malunod na lang ako sa sarili kong luha para hindi ko na maabutan ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD