ALEXA
Habang hila-hila ako ni Airen, at nagmamadaling naglakad sunod sa kanya palabas nang quarter sa pag aakalang may emergency o nangyayari. Hindi ko pa nga halaos maayos ang mga gamit ko sa bag ay sumunod nalang ako. Nang makalabas ay napatda ako nang makitang may lalaking nakatayo sa labas nang quarter na naka maong pants rubber shoes at polo shirt, ang disenti nyang tingnan at ang sarap sa mata.Nang mapunta ang paningin ko sa kanya mukha ay bigla na lamang namilog ang aking mata at halos di ako makagalaw at makalakad.
Nakangisi itong nkatingin sa akin tapos sa baba naman kung minsan. Siya yung nagtxt kanina at ni invite akong mag dinner sa labas, di ko nga ni replayan dahil kadalasan na marami na ring mga nagyaya sa amin nang mga ganyan, especially sa akin mismo. Kasi once na nagreplay ka ibig sabihin interesado ka, pero iba pala trip nito, di na nga ni replayan ito na pala sa harapan."Naiiling nalang akong napatawa sa sarili ko"
"hi"? bating bungad nang boretonong boses sa akin,
"He-hello sir? nauutal kung sagot.
"Can i invite you for a dinner? Well late dinner mg 10pm na ehh, ngisi nyang sabi.
" Ahmm,, ahamm. ano kasi...di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Airen sa likuran.
"Sir pa out na po yan, sumama kana Alex, kawawa naman si sir nag effort pang sunduin ka ohh.. hehehe.. kilig nitong sabi.
"Sandali lang naman Alex, after ihahatid na kita sa inyo.." sabi ni Xander
Kalaunan ay pumayag na rin ako.
"Sige. Saad ko"
"Yes!! biglang saad niya na tuwang tuwa pa...
"Tara nah?, thank you Airen.. sabay thumbs up nito."
Nahihiwagaan akong napatingin sa dalawa pero kalaunan ay nauna na akong naglakad kasunod xa,pagkatapos kung mgpaalam. Narinig ko pa ang kantyawan nang aking mga kasamahan at ang pagsigaw ni Airen "sir, alagaan mo yang kaibigan ko ha? ibalik mo nang buo kundi malilintilan ka sa akin...natatawa akong napalingon sa kanya. Sinagot naman siya ni Xander "Makakaasa ka.
nang makarating kami sa bandang parking area ay inunahan niya akong maglakad at binuksan ang harapan nang kanyang sasakyan at giniya nya ako pasakay.
"Thank you" saad ko.
Nang makapasol siya sa driver area ay may inabot siya sa bandang likuran ko at binigay sa akin, isang kumpol nang mga red roses at box nang chocolate..
"For you" sabay abot ni xander sa bulaklak at chocolate.
Biglang namula ang mukha ko sa hiya, kasi first time ko pang makatanggap nang mga ganito kaya di ko alam kung ano ang naging reaction ko sa mga oras na yun.
"Salamat sir, nag abala ka pa.
"Okah lang, para sayo yan. at ngumisa .
Gumanti na rin ako nang ngiti sa kanya ,at pinaandar na niya ang makina.Habang sa byahe ai wala kaming imikan, naka focus akong tumingin sa daan, nahihiya kasi akong kausapin siya tsaka di ko alam kung ano ang aking sasabihin. Minsan ay nahuhuli ko siyang pa simpleng natingin sa akin pero di ko nalang pinansin.
Dumating kami sa isang magarang kainan na halos di sasakyan ang mga naroon, bigla akong kinabahan at parang ayaw ko nang sumama sa kanyang maghapunan.Para namang napansin ni Xander ang pagkabalisa ko kaya nagsalita ito.
"Alex?? okay ka lang ba"? Xander
" Ehhh sir, nakakahiya kasi, daming tao?
" Please? kunot noong sabi, Wag mo na akong e sir pwed bah?? Xander nalang..
tsaka wag kang mahiya, ako kasama mo.. saad nito.
"Ehhh yung suot ko uniporme pa nang trabaho ko, akala ko kasi sa simpleng kainan lang.. Nakalimutan ko mayaman ka pala. hehehe
"ehh ano nmn ngayon kung mayaman ako? kunot noo at mukhan niyang sagot...
Tayo nah, wag kang mag alala, nagpareserve ako nang VIP. Tayo lang andun.. ngisi niyang saad..
"sige, kapagkuwan ay sagot ko, tsaka bumaba siya at binuksan niya ang door sa side ko.
Habang naglalakad papasok sa restaurant ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay,pinagsalikop niya ito habang hila2x ako, biglang may sumalubong sa amin na staff at ni greet kaming dalawa, pagkapasok na naman ay may isang matangkad at poging sumalubong, yun pala ay ang may ari nang restaurant na kaibigan matalik ni Xander.
"Pare, sabay yakap dito kay Xander, ito na ba?? "Hi, sabay abot nito sa kamay niya, ako nga pala si Daniel, kaibigang matalik ni Xander.
Aabutin ko na sana ang kamay niya nang biglang hilahin ni Xander at hinawakan, biglang tumawa nang malakas si Daniel.
So posessive pare, saad nito
"Tama nang magkakilanlang nang walang hawakan. ngisi nitong tingin sa akin.
Si Alexa pare, ang magiging soon to be ko, saad nitong sabi na nakangiti, ako naman ay nahiwagaan sa mga pag uusap nang dalawa pero patay malisya nalang.
"Tara hatid ko na kayo sa pinareserved mo, ako pa mismo nag ayos nun para sau ha... sabi ni Daniel.
Thank you pare.. sabay tapik ni Xander sa balikat nang kaibigan
Nang makapasok kami sa VIP room ay biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita, napaka romantic nang pagkaka decorate na akala mo ai nag se-celebrate na kami nang anibersaryo, na ang totoo ay ito pa lang ang kauna unahang dinner naming dalawa, dinner date na pala dahil sa ambience nang paligid, mga bulaklak, balloons na hugis puso.. yung kandila sa table at kung ano ano pa na nkadagdag sa magiging romantic nang area.
Napatingi ako kay Xander na puno nang katanungan, at sa kaibigan nito na bigla na lang ngumiti at nagpaalam.
"Paano? iwan ko na muna kayo at nang makapag usap at makakain kayo, gutom na tong kaibigan ko Alexa, di pa yan kumakain.. hehehe
mauna na ako pare.. goodluck!! tapos tinapik sa balikat si Xander..
Ahmmp, Alex, saad niya na nagkakamot pa sa ulo at batok niya.. Pasensya nah kasi ito yung first dinner at first time na magkasama tayo kaya ginawa ko to para maging especial ang alaalang ito, mahaba niyang litanya.
"Ang ganda, sambit ko nang pumasok at inikot ang paningin sa paligid. Di ko inasahan to, akala ko lang kasi simpleng kakain lang, hahahhaha, tsaka di ko akalain na may side ka pala nang pagka romantic.,,? tanong ko sa kanya.
"Nagustuhan mo bah?? parang biglang sumaya ang ambience nang mukha niya
"Yesss, super, ang ganda..
"Weewww!! biglang sambit niya, akala ko di mo gusto, pinagpawisan tuloy ako,tsaka kunwari pinunasan ang noo..
"Okay lang naman sana kahit saan kumain, pwed nga sa street food nalang, pero alam ko naman na di ka kumakain nang ganun. sabi ko.
hinila niya ang isang upoan at giniya niya ako paupo dun, pagkatapos ay may waiter na dumating at nag serve muna nang wine, uminom ako nang kaunti dahil parang natutuyo na ang aking lalamunan, kasunod nun ay ni served na naman ang mga pagkain.Namangha ako sa daming pagkaing ni order niya na dalawa lang naman kaming kakaindun.