Ang Pagkikita

1015 Words
Kitang kita ko at hindi ako namamalikmata sya si Alexa na asawa ko, di ko alam kung ano ang mararamdaman ko na sa tinagal tagal na paghahanap ko sa kanya ay andito lang pala sya sa Davao at sa mismong Mall pa nang tito ko ito nagtatrabaho, sobrang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na to, ang di ko lang alam ay kung paano ko xa lalapitan, mahawakan, mayakap at hagkan.. makahingi nang sorry sa lahat nang nagawa ko sa babaeng mahal na mahal ko Kaya minabuti ko munang tapusin namin ang lahat bago ako gagawa ang plano kung paano ko sya lalapitan at kausapin. Pagdating namin nang opisina ni interview ko muna c Andrew nang tungkol sa mga heads namin sa grocery department, hiningi ko sa kanya ang mga detalye nang bawat isa nang masiguro na ang Alexa Cortez na sinasabi nya ay ang Alexa ko na asawa ko Nang matapos kami ni Andrew, kinausap ko muna sya sa opisina para hingin ang mga detalye nang ibang heads nang mall, kahit na ang kailangan ko lang naman na mapatunayan na c Alexa nga yung nakita ko kanina Nang binanggit ni Andrew ang Alexa Cortez agad kung hiningi sa HR Department ang personal information nito na agad naman nilang binigay, at dun ko nalaman na mag li-limang taon na pala syang empleyado dito sa Mall, ibig sabihin nung umalis xa sa mansion dumiretso xa nang Davao, Sino kaya ang tinirhan at pinuntahan nya dito" tanong ko sa sarili ko" At bigla kong naisip kung ano ang planong gagawin para mabawi ang asawa ko, single pa naman sya sa biodata nya, d xa pwed magpakasal dahil kasal pa kaming dalawa. oo nga pala, isinauli nya na pala ang engagement ring at wedding ring nya, dahil sinabi ko sa kanya na ipawalang bisa ko ang kasal naming dalawa.. hayssttt.. para akong baliw na nagsasalita mag isa, palakad2x sa lood at nakakamot sa ulo.. tsk tsk tsk At tinawagan ko ang secretarya ni Tita at pinatawag ko si Alexa, habang nag iisip nang sasabihin sa paghaharap namin nanlalamig ang katawan ko.. ALEXA: Habang busy ako sa area ko ay bigla na lamang akong nilapitan nang isang staff at sinabing pinapatawag daw ako nang Bossing sa taas, kaya dali2x akong nag ayos at nagpasalamat ky Alvin. Hi Cory, pinapatawag daw ako ni boss? tanong ko sa secretarya nya. Ahh oo Alexa, inaantay ka na nya sa loob nang opisina, sagot naman nito.. Pakilock nalang nang pintuan mukhang may importante kayong pag uusapan, pahabol nito.. tok tok tok... pinihit ko ang seradura at pumasok. Sir? pinapatawag nyo raw po ako? tanong ko ky boss na nakatalikod sa akin at nakaharap sa labas nang bintana. Pasok! Please pakisara nang pintuan sabi nang boritonong boses. Na di ko alam kong ano ang aking mararamdaman nang marinig yun. Yung boses na parang kaytagal ko nang gustong marinig, pero bigla nalang akong pinanlamigan nang katawan. Nang bigla nalang humarap at lumapit sa akin. Di ko matantya kung ano ang gagawin ko sa mga oras na to, kaya nung muli syang magsalita ay yumuko nalang ako para di ko sya matingnan sa mata. Hi!, kumusta ka na asawa ko? tanong ni Xander ahh-ahhmmp okay lang po boss,"sagot ko" Di ko akalain na dito pla kita makikita at matatagpuan sa Davao at nagtatrabaho sa Mall ni Tito. "sabi ni Xander" Pa-pasensya na po sir, bulol kong sabi.. Di ko po alam na sa inyo po tong Mall, ngayon ko lang po nalaman. Pe-pero kung gusto nyo po na umalis ako gagawin ko po, ngayon din po sir magsa-submit na ako nang resignation ko. "Dagdag ko" Pero biglang may galit sa kanyang mga mata habang nkatingin sa akin, at nakakuyom pa ang kamao nya. Bakit? Sinabi ko bang mag resign kah?? galit na tanong ni Xander Baka kako, sa ikatatahimik natin pareho Sir?? At sa tingin mo bah ngayong nakita kita papayagan pa kitang lumayo? Halos limang taon akong naghanap sayo Asawa Ko, kaya di kana makakapagtago. Buong sabi ni Xander sa akin Di ko naman sinabi sayo na hanapin ako diba? "tanong ko sa kanya" Bago ako umalis sinabihan na kita na di na ako magpapakita at lalapit sayo., Mahinahon kong sabi sa kanya. Simula bukas, dito ka na sa loob nang opisina, ikaw ang magiging Personal Assistant ko, saad nya. Hah? ano? ayaw ko.. sabi ko sa kanya sa ayaw at sa gusto mo Alexa dito kana dederetso bukas, huwag mo akong subukan! pinal nyang saad. Pwedeng magtanong? Ano bang balak at plano mo sa gagawin mong ito? Xander?? Wala akong plano at lalong wala akong balak gawin, ang gusto ko lang ay ma euwi kita sa mansion sa Manila! Huh!!! Hanep!!! Pagkatapos mo akong palayasin ibabalik mo ako??? No way!! Okay na ako dito, tahimik na ang buhay ko.. Sa iyo okay ka,pero ako di okay sa akin na nandito kah! Wow naman! sabi ko kay Xander Parang kailan lang na ipapawalang bisa mo ang kasal natin diba?? Simula nung araw na umalis ako sa poder mo,kinalimutan ko nang mga taong naging bahagi nang nakaraan ko, nung tym na binalik ko sayo ang mga bagay na pagmamay ari mo yun na yung time nanagdesisyon ako sa sarili ko na kalimutan ka at mag simula muli.. tsaka sabay labas nang opisina nya. Di ko na hinintay ang sagot nya, dali2x akong lumabas at pumunta nang bathroom at doon umiyak. Habang si Xander naman ay parang tuod na kahoy na nakatayo sa harapan nang pintuan kung saan lumabas ang babae. Gusto nyang sundan si Alexa pero di nya maihakbang ang kanyang mga paa. Napasabunot nalang ako sa aking ulo, paano ko kaya maibsan ang hinanakit at sama nang loob sa akin nang asawa ko. Gagawa ako nang paraan, kung kailangan na suyuin ko ulit xa at ligawan gagawin ko bumalik lang ang Asawa ko. Nang bigla nalang tumulo ang luha sa mata ko... Bukas, uumpisahan ko nang suyuin sya, ipakikilala na kita na asawa ko at nang wala nang umaaligid na mga lalaki sayo, babawi ako asawa ko.! Tiim bagang bigkas ni Xander sa sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD