"Hmm... pag-uusapan muna namin ang tungkol diyan," seryosong sabi ni daddy kay Leo. Ngumiti naman si Mommy. "Anyway, thank you for informing us at sa offer na samahan si Rain." Tumango po si Leo. "Wala pong anuman, Ma'am—" "I told you! Tita na lang at Tito ang itawag mo sa'min! Kapag tinawag mo pa akong ma'am, hindi ka na makakapunta rito sa'min!" Pagbibiro ni mommy. Napakamot si Leo sa kaniyang batok. "Okay po... Tita..." sinulyapan niya si daddy. "...Tito." Huminto sa pag-kain si daddy at tinaasan siya ng kilay. Mabilis na bumalik ang tingin ni Leo sa desert niya. Nagkatinginan kami ni mommy. Natawa siya at napangiti naman ako. After kumain ng dinner, tinulungan ko si mommy na hugasan ang mga ginamit sa pagluluto. Si daddy, Rumble at Leo naman ang nag-linis sa backyard. Ayaw t

