"Rain! Nandito na si Leo!" Tawag ni mommy sa akin mula sa kusina. "Nandiyan na po, My!" "Bilisan mo at lumabas ka na diyan!" Tinapos ko ang paglalagay ng liptint bago dinampot ang shoulder bag sa ibabaw ng study table. Umikot ako sandali sa harapan ng salamin saka lumabas. Naabutan ko si Mommy sa kitchen na naghahanda ng babaunin niyang pagkain sa trabaho. She's already wearing her hotel uniform. "Morning, My." Bati ko at humalik sa kaniyang pisngi. "Nandiyan na ang sundo mo. Hindi ka na makakakain nito. Bakit ba kasi late ka gumising?" Humihikab na nirefill-an ko ang tumbler namin ni Leo sa water dispenser. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Hindi ko alam bakit ang babaw ng tulog ko. Siguro dahil sa paparating na elimination round. Sa susunod na araw na iyon mangyayari. At p

