ISANG malakas na rumaragasang tubig ang humampas sa'kin at kasama akong tinangay ng agos. Kinakabahang tinanaw ko ang camp site na unti-unting lumiliit sa aking paningin. “Heeeey! Help me! Help!” Pinilit kong ipadyak ang mga binti ko. Hindi ko na maramdaman sa dulo ng paa ko ang sahig sa ilalim ng tubig. Ang ibig sabihin ay nasa malalim na parte na ako. Humampas ulit sa’kin ang rumaragasang tubig. This time, lumubog na ang buong katawan ko. Mas malakas ang agos rito sa ilalim. Kaya nagpaikot-ikot ako. Then I felt that my head hit into something hard. Nahilo ako at nanlabo ang aking paningin. Nauubos na ang hininga sa baga ko. My were eyes slowly shutting down. Is this the end of me? Am I going to die like this? Hanggang dito na lang ba ako? How about my dreams? Gusto kong maging p

