Chapter 28 Lily’s Pov “Takot kasi ako pag umakyat ang eroplano sa eri Elias.” Sambit ko habang nakapikit ang dalawa kong mata at nakahawak sa bawat gilid ng upuan. Hinawakan niya ang isang kamay ko na malapit sa kanya. Mahigpit niya itong hinawakan habang ako’y nakapikit sa kanyang tabi hanggang sa pag akyat ng eroplano sa eri. Nang n okay na ang pakiramdam ko ay binuklat ko na ang aking mga mata. Nakita ko nakatitig pala siya sa akin habang nakapikit ako. “Ano bang nangyari sayo nanlalamig ka ata?" Tanong niya sa akin habang hawak niya pa rin isang kamay ko. Bumitaw ako agad sa kanyang kamay. “Sorry." Sabi niya sa akin. “Okay lang yun. Takot talaga ako. Salamat Elias lagi kang nandyan." Wika ko sa kanya. Napalitan ng ngiti ang pangambang mukha ni Elias ng sinabi ko sa kanya. “Si

