At parang minamalas talaga ako ngayon, nahulog na nga pera ko kanina na hindi ko alam kung saan nahulog, natamaan ulit ako ng bola! Ano ba yan!
Pinaglalaruan ba ako ng mga tao?! "Oh, it's you again!" Laking gulat ko nang makita ko sa harap ang lalaking pinagpapantasyahan ko. Chena lang!
"Look, sorry for what I've done----"
"Okay lang! Nahulog nga pera ko tapos natamaan ako ng bola okay lang, wag mag-alala!" Sarkastiko kong sabi.
"Hey sorry okay? Gusto kong bumawi, I will treat you na lang tutal, wala ka namang pera" sabay ngiti at kitang-kita ang dimples niya. Ang gwapo niya! Sheet of paper!
"Okay ganito na lang, bigyan mo na lang akong pamasahe pauwi tutal naman ay may 50 pa ako rito." Ang sabi ko sa kanya.
"Okay fine. Pwede ba kitang samahan at ilibot mo ako sa school niyo?" May ngiti sa kanyang labi nang sabihin niya iyon.
"Bakla ako. Baka ano pang isipin nila. Wag na lang" sabi ko.
"I don't care" sabi naman niya.
"Sige na nga" sino ba naman hindi tatanggi sa kanya?! Aura muna ako tutal, wala si Tine. Busy rin sigurong lumande sa tabi tabi.
So ayun nga, nilibot ko siya sa school namin without knowing his name.
"Temoy" na lang ang tawag ko sa kanya mukha kasi siyang cute na kengkoy.
Wala na akong paki sa mga game kasi may nagli litrato na at instant tourist guide ako rito. Ang kulit lang niya parang bata pero hindi ako mahuhulg sa kanya straight yan eh.
MAHIRAP NA HO.
Nanalo sa BB ang Don Aurelio Academy, sa VB naman ang Holy Cross Institute at Sepak ay ang Good Shepherd College Foundation. Congrats na lang sa kanila. Ineenjoy ko lang yung moment na kasama itong temoy na ito.
Ang natapos na lahat lahat, pauwi na rin kami at nagpresinta siyang magbabayad sa pamasahe sa jeep. Same lang yung jeep namin pero mas malayo yung bahay nila ewan ko lang kung saan.
Pababa na ako ng jeep nang hablutin niya ang kamay ko.
"What's your name?" Tanong niya.
"Sam na lang. Thank you" sabay baba ko sa jeep. Kalerkey siya! Gwapo na, mabait pa. STRAIGHT nga lang. Huhuhuhu