Prologue II The missing past

1556 Words
SAM'S POV: Maaga ako nakarating ng Quezon City gaya ng kalkolasyon ko sa oras ng byahe ko kanina, at dahil hindi rin naman ako lumabas agad ng bahay pagdating, maraming nagulat ng nakita nila ako ng mga pananghali. isa sa doon si Ate Beth. "Sam..." patili nitong tawag sa akin ng mapadaan ako sa tindahan nila. Huminto naman ako at kumaway at ngumiti sa kanya. " bruha ka kelan ka pa dumating? Sino kasama mo?" magkasunod na tanong nito. "Madaling araw po ako dumating, wala po akong kasama baka next week pa sila mama, may inaayos pa po sa mga papel ng mga bata eh." tugon ko namam. "Dito na ba kayo ulit titira?" sunod na tanong pa nito. Tumango namam ako bilang tugon at napapalakpak ito sa tuwa. "Naku! tiyak na matutuwa mga kaibigan mo nyan. Kaya pala sabi ni Ally eh parang nakita ka nya kanina, nagmessage pa, pero sabi ko wala, naku matutuwa yun mamaya pag uwi." nasa tuno rin nito ang excitement. Isa si Ate Beth sa close ko dito kahit noong bata pa ako. Hindi ako nagtagal sa pakikipagkuwentuhan, naninibago pa ako ulit sa lugar, kaya tumungo ako kanila Kuya Ruben - parang second father ko ito, kaya tuwing madadaan ako dito sa looban hindi pwdeng hindi ako dumaan sa inuupahang kuwarto nito na kabilang bahay lang din naman namin. Napansin kung bukas ang bintana kaya marahan akong nag tao po, mga dalawang beses, ang pangatlo ay sumilip na ako dahil walang tumutugon. Medyo nagulat ako ng hindi si Kuya Ruben ang naabutan ko, ibang tao ang nasa loob at hindi ko maalala ang mukha kung sino. Ngumiti ako bilang paggalang narin, "Hi po, dito parin po ba nakatira si Kuya Ruben?" alanganing tanong ko sa lalaking nakatitig sa akin. Oo, titig talaga, at nakita ko pang hinawakan nya ang dibdib nya, na syang bigla kong pinag- alala dahil nakita ko na parang nahihirapan itong huminga. Ibinaling ko ang tingin ko sa isa pang lalaki, "kuya, okey lng ba sya?" tanong ko pa dito sabay turo sa lalaking naka upo sa kama. Pero mas lalo akong nataranta ng makita kong namumutla na ito, at ang labi ay namumuti na rin at hindi inaalis ang pagkakahawak sa dibdib. Dahil siguro sa reflex, ang bilis kong pinasok ang kuwarto nilakasan ko ang electric fan pero pina swivel ko lang ito, para may enough ventilation, sinimulan kong imassage ang braso niya at patuloy ang pagtawag ng kuya dito pero hindi ito nagrereact, mejo kinakabahan na rin ako kaya kinagat ko palad nya na at ng makita kong bumalik ang kulay ng labi nya saka ako mejo kumalma. Hindi ko namalayan na nawala na pala ang kasama nito at nagulat nalang ako ng makita ko ang natatarantang si Ate Beth na papasok. "Anong nangyari Sam?" tanong nito na nagmamadaling nilapitan ang lalaking ito na inaalalayan kung umupo pa sandal sa dingding..."Okey kana ba Jhun?" nasa pag aalalang tono ng boses nito. Mejo dumistansya na ako, pero nakatingin parin ako sa lalaking inaasikaso ngayon ni ate Beth, hawak parin nya ang dibdib at parang naghahabol ng hangin sa paghinga. Para itong inaatake. Nakakatakot dahil sa init ng panahon ngayon, uso ang heatstroke at maraming inaatake. Pakiramdam ko ay nagkakagulo na kaya unti-unti akong tumalikod palabas, wala rin naman akong magagawa. Ang totoo gusto ko lang malaman if dito parin nakatira si Kuya Ruben, pero ibang tao namannnaabutan ko, so baka nga wala na dito ang hanap ko. Palabas na ako ng saktong masalubong ko si Kuya Ruben, na nagmamadali naka uniporme ito, so alam.ko na galing itong byahe. Tatawagin ko sana pero parang hindi nya ako pinansin, o baka hindi nya ako napansin, mejo naggive way ako at ilang hakbang lang ay nasa tabi n sya ng lalaking iyon. Nag-uusap silang tatlo ni ate beth, pero hindi ko maintindihan, palibhasa iisa anh province nila kaya dialect niLa gamit. Mas feeling isolated ako kaya tumuloy na ako ng paglabas. Sakto namang nasa tapat na ako ng bintana ng habulin ako ng tawag ni Kuya Ruben. "Sam," tawag nito at dahilan ng paghinto ko. " mamaya ka na umuwi, dito kna magtanghalian." aya nito at lumapit pa sa akin at inabot kamay ko sa bintana para awatin akong umalis. Ngumiti ako pero hesitant sa sumang ayon dito, nakakahiya kasi na may ibang tao at hindi konkilala. " Tapos na ako kumain kuya, sumilip lang ako kala ko hindi kana dito nakatira eh. Iba kasi nakita ko." Tumingin ito sa lalaki, "Sus, anung iba, di mo ba tanda si Jhun?" pasimple akong umiling at nag peace sign. " Bunso nila ate Maya mo. Pinsan nila Paul..." Marami pang binanggit na pangalan si Kuya Ruben na kamag-anak ng asawa nya na sigurado nyang kilala ko. At oo, yung mga taong sinasabi nya ay mga naaalala ko, kaya hindi ko maintindihan bakit ang pangalang JHUN ay di ko makapa sa alaala ko. "Kaya naman pala nasakit ang dibdib at di na maka hinga eh, " patuksong sabi pa ni Kuya Ruben, " nakalimot ka na pala, samantalang sya ay di ka makalimutan." Kita ko naman sa mukha ng sinasabi nyamg JHUN na parang nalungkot, ewan... pero.... basta... nakaramdam naman ako ng guilty ng makita ko ang expression ng mukha nya, pero kahit alalahanin ko hindi ko talaga sya maalala. "Sa bahay nalang kayo mamaya mag hapunan," si Ate Beth ang nag suggest, "tamang - tama ay nasa bahay narin si Ally, Alfiel," baling nito sa isa pang lalaki na kanina ay nasa loob din at biglang nawala. " ikaw na muna bahala kay Jhun, baka atakihin ulit." "Aatakihin sa puso dahil nakalimutan sya?? o aatakihin sa puso dahil nagkita ulit sila??" panunukso nito na sinundan naman ni kuya Ruben. " pero hindi rin maalala" "Hala.... sorry na agad..." sangga ko "memory gap bakit ba.... hmp" ismid ko. Nagtawana nlng lahat. Pero saglit lng at lumabas na magkasabay si Kuya Ruben at Ate Beth, May byahe pa si Kuya at babalik ng tindahan si Ate. Umuwi nrin ako at hindi ako komportable mag stay doon. Bumalik ako ng bahay na iniisip paulit ulit ang pangalan ni Jhun, parang lahat ng kinukuwento ni kuya Ruben at ni Ate Beth kanina ay naaalala ko, yung lugar na sinasabi nila, kahit wala na ngayon after 10 years ay naaalala ko parin. Kaya hindi ko maintindihan bakit hindi ko maalala ang taong iyon. Nasa ganung pag-iisip ako ng di ko namalayang nakatulog pala ako at boses ni Ally na tumatawag ang nakagising sa akin. Kanila Ate Beth na ako naghapunan ng gabing iyon, matagal kaming hindi nagkita-kita nila Ally kya marami kaming napagkuwentuhan, hanggang sa maalala ko si kuya Alfiel. "Atleast ako naalala na diba!" pang-aasar nito sa tinatawag nilang Jhun, "pre unting push pa, baka maalala na rin ni Sam na may nakaraan kayo." dagdag pa nito na ikinatawa ng lahat. Tahimik lang si Jhun, pero napapansin ko na pag sumasandok ako ng laing ay napapangiti ito, kaya para may topic at mawala ang awkward moment namin nagtanong na ako. " ikaw ba nag luto nito?" "oo, diba paborito mo yang laing? dinamihan ko nga ng taba yan at labahita." pagbibida nito. Ngumiti naman ako, dahil totoo naman na paborito ko ang laing saktong sakto ang sahog na sinabi nya. "May lakatan din pala na saging, panghimagas," dagdag pa ni Jhun. Nag simula nnmn akong makaramdam ng hiya, kasi para talagang kabisado nya ang gusto ko. Perfect pair kasi para sa akin ang laing, mainit na kanin at saging na lakatan. na conscious tuloy ako bigla, kasi napadami ako ng kain. "Oi, Sam kain lang, niluto talaga ni Jhun yan para sa iyo, yang humba pinaluto naman yan ni kuya Ruben mo, kaya kain lang." Si Ate Beth iyon at nilapit pa sa akin ang laing. "Naku, baka mawili ako nito." humarap ako kay Jhun, "Thank you." sabi ko na ikinakilig ng magkapatid. Inakbayan pa ni Kuya Alfiel si Jhun, "Pre, ito na yun...." at nagtawanan ang lahat. Pagtapos ng masagana, makulit at maingay na hapunan kanila ate Beth, sabay na kaming umuwi ni Jhun. Ilang hakbang lang din naman ang layo ng bahay sa amin, pero parang napatagalbpa ang uwi ko. Narinig ko kasing nagsalita sa gawing likod ko si Jhun, "dati pag ganitong maliwanag ang buwan ng lalaro pa tayo ng patintero o kaya taguan dito, Pero laging lugi ang taya kasi inuuwian mo," Tumigil ako ng lakad at humarap sa kanya, naaalala ko yun, kaya nga madalas sa taguan sinasabi agad ng mga kalaro ko na bawal uwian. Nagkuwento pa ito. "si Eric nga dati, nag-away pa kayo kasi sinabihan ka nyang madaya at ayaw mo magpatalo." "Oo, naalala ko yun, tapos hinagis ni Eric step-in ko...." "kaya muntik ng magsuntukan si Eric at si Paolo dahil sa paghagis ni Eric san tsinelas mo tapos natamaan sa ulo si Paolo." dugtong pa nito. Nakaramdam talaga ako ng inis sa sarili ko, lahat sila sinasabing dapat ay naaalala ko si Jhun...lahat ng bagay from the past na involve sya ay naaalala ko, pati mga pinsan nila na isang beses ko lng nakita at naaalala ko, pero kahit anong pilit ko hindi ko talaga sya maalala. Pag dating nalng siguro nila Mama itatanong ko, baka kasi hindi Jhun ang pagkakakilala ko sa kanya, baka ibang pangalan kaya. Ay... ewan... sumasakit talaga ulo ko kakaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD