Chapter 1: Yesterday and Today

1331 Words
Maagang nagising ng araw na iyon si Jhun, narinig nya kahapon ng mabanggit ni Sam na maaga syang babalik ng eskuwelahan para tapusin ang pag eenrol. Hindi kalayuan ang Sta. Mesa sa San Juan, kung saan sya nagtatrabaho, balak nya sana itong sabayan. Panay ang tingin nya sa orasan, parang tanghali na man na ata, pero patay pa ang ilaw sa kuwarto ni Sam. Mukhang tulog pa ito, pero saglit lang ay narinig nya na may bumahing na sa kuwarto. at maya-maya nga ay nag bukas na ang ilaw. Lihim.namang napangiti ang binata, nakatandaan na rin pala ni Sam ang ganung mannerism- bumabahing pag ka gising sa umaga. Tumikhim naman ang binata, "Uhummmm...." na sinundan ng knock sign sa dingding, na tinugunan din naman ni Sam ng parehong katok. Ibigsabihin lang na gising na sya. "Sabay kana sa amin ni Kuya, diba pupunta ka ng school mo ngayon?" panimula nito. "Oo, tatapusin ko yung pag-eenrol ko." sagot naman ng ni Sam. "Seven dadaan si kuya dito, sabay kana malapit lang sa Sta Mesa ang construction site para mabilis nalang din byahe mo. Isa pa, matutuwa din si kuya pag nakita ka ulit." Ang kuya na tinutukoy ni Jhun ay ang kapatid nya - si Kuya Dex. Dating nangungupahan sa kuwarto sa compound nila Sam, close ang dalawa na sya ring pinagseselos ng una noon. Pero okey na iyon kesa naman sa ibang lalaki ito nakikipagclose, at advantage din naman dahil habang nasa bicol sya ay may balita sya sa dalaga dati. Naexcite naman si Sam ng marinig yun, kaya bumangon na ito, tumingin ng orasan at ininform si Jhun, " 6:45 lalabas na ako." at ng knock sign lng ulit ito para iparating sa nasa kabilang dingding na end off conversation na. Ganun lang siguro ang maganda pag nasa squatter area, kayang mag usap kahit may dingding pa na pagitan. Kahit kassmabna ulit ni Sam ang mga kapatid at parents nya, hindi ito nag rerelay sa Mama nya para asikasuhin ang kailangan nya, which in fact sya talaga ang hands on dito sa pag aasikaso ng kusina lalo sa pagkain. Nag prepare muna sya ng almusal balak din nya magdala ng snack in case na abutin nanaman sya ng maghapon sa pag papaenrol. Saka sya naligo ng mabilis at nag bihis. Less than an hour, okey na sya. "Ang dami mo atang dala." puna pa ng mama nya sa kanya. "Sasabay ako kanila Jhun Ma, nan dyan daw si kuya Dex kaya ginawan ko rin sya ng sandwich." Paalam nito bago tuluyang lumabas. Naka converse, loose jeans, white halter top at cropped denim jacket na lumabas si Sam, tapos naka buddy bag na canvas at bull cap. Nasa tindahan naman na ni Beth naka abang si Jhun at niloko pa ni Alfiel na kunyari pinunasan ang laway ay sinara ang bibig ng kaibigan dahil kita nito na naka titig sa papalapit na dalaga. Siniko naman ni Jhun ang huli at tumayo na, "Sam, ingat kayo." at kumaway na rin si Alfiel nakangiting dalaga. Pagdating sa labasan ay nakita agad ni Jhun ang sasakyan ng kapatid at tinuro nya ito sa dalaga. Namukhaan naman ni Sam ang nasa driver seat at ngumiti itong palapit, kasunod ng binata. SI Dex narin ang unang bumati. "Long time no see baby girl..." sabi ba nito na ginamit ang dati nyang endearment sa kaharap. " Same here, bad boy," at nagtawanan ang dalawa. Sa front seat pinaupo ni Dex si Sam samantalang sa back seat naman si Jhun na medyo na OOP sa dalawa. Marami rami ring napagkuwentuhan ang dalawa na madalang namang nasisingit sa usapan ang isa pa nilang kasama. Pero madalas ang tingin ng nakakatandang kapatid sa salamin at nakikita nito kung paano titigan ng kapatid ang dalaga sa harap. Kung hindi nga lang malaki ang agwat ng edad nila ni Sam ay baka gaya din sya ng kapatid - malakas ang tama sa babaeng ito. Maganda, mabait, matalino, pero napaka simpleng tao at pag ngumiti napaka genuine iyon ang mga katangiang best to use para idescribe ang dalaga.Wala nga sigurong lalaking hindi mahuhumaling dito. " Kuya Dex, sa pinaka malapit na sakayan mo nalang ako ibaba, para hindi na kayo maout of way." sabi ni Sam na tinitingnan ang daan dahil pamilyar na sta sa area. "Okey lang, sa main campus ka na namin ibababa, pwede naman kami dun dumaan hindi rin kalayuan sa work place." pagbibigay assurance ni Dex sa dalaga. "Naku, thank yoy po. May sandwich pala akong ginawa pang meryenda nyo, nakay Jhun na po. Pambayad sa abala." Tumawa si Dex, " anung abala, pabor pa nga sa amin na sumabay ka." tumingin ito sa kapatid, "diba bro?" Ngumiti lang si Jhun at walang sinabi kung ano, "alam mo naman na kahit noon pa pamilya na turing namin sayo diba? Kaya anytime basta may pagkakataon, magsabi ka lang." Nagpaalam na si Sam sa magkapatid pagtapos bumaba sa mismong gate na ng main campus. Mababait talaga sa kanya ang lahat ng kamag-anak ni Jhun sa kanya. Nang malaman nga pati ng Nanay ng magkapatid na naka balik na sya sa Maynila ay gusto nitong lumuwas, magdadala raw ito ng paboritong kakanin ni Sam, pati ipagluluto raw nya ito ng sinantulan, at laing. Naooverwhelmed naman ang dalaga sa mga kuwento ni Dex, pakiramdam nya ay napaka espesyal nya sa pamilyang ito kahit ang totoo ay hindi na nya maalala ang karamihan sa mga kuwento ng mga ito. Sa tagal ng panahon, madalang sa mga kuwento nila ang naaalala nya. Lalo na pag nababanggit ang kuwentong may kinalaman o bahagi si Jhun. Mabilis na dumaan ang mga araw at naging abala na sa eskuwela si Sam. Madaling araw palang ito kung umalis at inaabot ng gabi sa pag-uwi. Natapos na rin gawin ang pagpapataas ng bahay ng mga ito kaya sa taas na nagkukuwarto ang dalaga. Napaka dalang nalang magkita ng dalawa at kung magkita man sila ay ilang minuto lang ang tinatagal. Hanggang sa umabot na ng mga araw, linggo, at buwan bago sila magkita. "Babe," tawag ni Jhun kay Sam ng makita nya ito pagbaba sa jeep. May isang oras na itong naghihintay sa may kanto dahil alas nueve na ay wala pa ang dalaga. Ayaw naman nyang umalis ng hindi nanaman ito nakikita at nakakausap. Mag dadalawang buwan na ng huli silang magkita. Napangiti naman si Sam, kahit hindi nya pa nakikita agad si Jhun ay kilala na nya ang boses nito isa pa ang binata lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganung endearment. "Wala kang pasok? tanong ng dalaga ng makalapit na sa kanya si Jhun at hinayaan nyang bitbitin nito ang bag nya. "Umabset ako" sagot naman ng isa, "akala ko kasi same parin ang schedule mo sa klase kaya maaga ako dito kanina. Ayoko namang umuwi ulit na di ka nakita. Nakainum tuloy ako, kay nag-aya sila Alfiel tapos si Kuya Ruben." mahabang paliwanag nito. "Ang alam nga nila umuwi na ako, pero dito lang ako naghintay. dagdag pa nito. Naguilty bigla si Sam, maaga kasi sana sya makakauwi kung hindi sya sumama sa mga kaklase sa mall kanila. "Sorry na, hindi ko rin naman alam na gagabihin ako sa byahe." para makabawi sa ilang oras na paghihintay nito, inaya nalang ni Sam si Jhun kumain sa fast food. "Baka hanapin ka na nila papa mo, gabi na masyado." pag-aalala ni Jhun. "Nagpaalam ako kanjna pagpasok ko na gagabihin ako ng uwi kasi nga may tinatapos kaming project sa school. Isa pa gabi talaga last subject ko, tapos syempre babyahe pa. So alam nila....." paliwanag din ni Sam para mawala ang pag aalala ni ng binata, na sya rin pagputol nito sasabihin pa sana nya. "Babe? I love you." seryosong nakatingin sa mga mata ni Sam na sabi ni Jhun, sinamantala nya na nakatingin sa kanya ang dalaga para makita rin ang expression nito sa sinabi nya. "I love you, mula noon hanggang ngayon." ulit pa ng binata, para siguradong narinig ng kaharap ang sinasabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD