BLACK ZODIAC ORGANIZATION MAIN BUILDING, INSULA BELLATOR EST SCRIPTOR: This island is not open for public and other women.
1 YEAR LATER AFTER SHE PASSED THE PORGATURIO...
10:00 P.M
Nakatingin ang anim na nakaupo sa Table kasama ang founder ng organization na si Athena Zodiac ng Black Zodiac Organization sa dalagitang paparating. Naglalaro ang edad niya sa kinse hanggang dise-sais pero kung pagmamasdan nang mabuti ay aakalain mong hinog na ang dalagita dahil mas matangkad ito kumpara sa average Pinay height.
With grace and elegance, the girl walks with a katana on her right hand and bow and arrows on her back. Nakangingilo ang tunog ng katana sa sahig dahil pakaladkad niya itong hinihila at bawat pagkaskas nito sa sementadong sahig ay nagiging sanhi para mag-spark ang metal at semento.
Huminto siya sa harap ng limang may katungkulan sa organisasyon. Inilibot niya muna ang paningin sa lahat ng miyembro at halos mapaatras ang dalagita nang makakita ng pamilyar na mukha but she managed to compose her posture.
Napasinghap ang dalagang kakilala niya. "Marie!" Narinig ng dalagita ang mahinang usal ng pamilyar na mukha. The 20-something assassin that uttered her name was her friend and confidant when she was with her real family. Close sila nito kaysa sa pinsan niyang babae na walang ginawa kung hindi ang kamunghian siya.
Ginawa ng dalagita ang lahat upang hindi pansinin ang babae. Tumayo siya nang tuwid at nakipagtitigan sa pinakamatandang babae sa loob ng silid. Si Athena Zodiac.
"How old are you, young lady?" Athena asked the girl. Blanko lang kung tumingin ang dalagita. Walang mababasang emosyon sa mukha nito pero hindi man lang ito nakabawas sa kagandahan na taglay ng dalagita.
"15."
"You're too young!" Athena exclaimed. Bakit nga ba hindi? Nasa legal age na siya nang tumuntong sa mundong ginagalawan niya sa kasalukuyan. "What can you offer to this organization? You see these ladies besides me? They are all on their legal age. What if, you'll encounter a Pro from Prestige, what would you do? The Prestige's Pros were trained to be a killing machine."
"It doesn't matter. I can give them a fair fight. Don't underestimate me, Miss Zodiac. Sa nakalipas na dekada simula nang itatag ang Hermosa Empire, ako pa lang ang nakalabas ng buhay sa Purgatorio—at ako rin ang pinakabatang sumubok na harapin ang hamon sa Purgatorio." Walang pagmamalaki sa boses ng dalagita pero ramdam ang pagiging maawtoridad which is very fascinating to Athena dahil ang mga kaedad ng dalagita ay walang ibang inatubag kung hindi ang magpaganda.
Gayon pa man ay napakunot pa rin ang noo ni Athena dahil sa sinabi ng dalagita. "Purgatorio?" tanong niya. Of course, she knows what is the meaning of Purgatorio kung pagbabasehan ang dictionary. Pero ano nga ba ang kahulugan ng salitang Purgatorio sa kaharap niyang dalagita?
"Yes, Miss Zodiac."
"Maaari ko bang malaman kung ano ang sinasabi mong Purgatorio?" Tumingin si Athena sa mga kasamahan niyang mga dalaga na may pwesto na rin sa samahan.
"Pasensya na, Miss, pero hindi pwede." Matatag ang salita ng dalagita na para bang isang ordinaryong babae lang ang kausap niya.
"Bakit?"
"It's one of the family's secret. Malalaman lang ng kung sino kung ano ang Purgatorio kapag napasok na nila ang lugar."
Umayos ng upo si Athena Zodiac habang magkahawak ang dalawang mga kamay sa ibabaw ng kristal na long table. Matiim niyang tinitigan ang dalagita dahil may alaala sa nakaraan niya ang nagpapaalala sa dalagita—at ito ay ang anak niya.
She left her child with a couple without them knowing. Iniwan niya lang basta ang bata sa labas ng bahay at nang umiyak ito at kinuha ng babae sa barung-barong ang bata ay tumalilis na siya ng alis.
Ang dalagitang kaharap niya at ang anak niya ay halos magkaedad lang. Sa katunayan ay malapit si Athena sa bawat miyembro ng Zodiac at itinuturing niya itong mga anak—well, pwera na lang sa mga nagtangkang traydurin ang samahan.
"Alam mo naman siguro kung ano'ng organisasyon na ito, hindi ba, hija?" malumanay na tanong ni Athena para hindi ma-offend ang dalagita sa tanong niya.
"Si, Señorita... Kayo ang mga assassins na may karapatang pumatay sa mga miyembro ng Nee Dignitate Civitatis o mas kilala sa tawag na Prestige. Just like Prestige ay malawak din ang sakop niyong bansa at kahit saan kayo pumunta ay batas ang salita niyo."
"Handa ka bang pumatay?" Gustong makita ni Athena ang reaksyon ng dalagita kaya hindi niya inalis ang paningin niya sa mukha nito. Ang ibang kababaehan naman na kasama ni Athena sa lamesa ay nakatingin din sa dalagita na para bang sinusuri ito nang maayos.
Without any second thought, the girl replied, "Yes. Hindi ako mangingiming pumatay basta karapatdapat lang na patayin ang taong iyon. Marunong akong magpahalaga ng buhay at mrunong din akong magsayang nito."
May ideya na si Athena sa katangian ng kaharap niya dahil kaibigan niya si Maximo Hermosa na siyang tumatayong tiyuhin ng dalagitang kausap niya. Kahit paano ay nakaramdam siya ng lungkot para sa dalagita nang malaman niya kay Maximo ang origin nito. Betrayed by her own blood—that's the reason why she ended up here. Hindi rin naman pwedeng tanggapin ni Maximo ang dalagita sa orgnisasyon niya dahil ayaw ng lalaking mabuko na may ugnayan siya sa ampon ng kakambal niya at ng mas matinding dahilan ay para lang sa mga lalaki ang hawak na orgnisasyon ni Maximo Hermosa.
"Maximo Hermosa told me about your eagerness to get even to those who betrayed you. Ang mga dalagang ito ay sumali sa organisasyon na ito hindi dahil may sariling agenda, Little Missy." Athena gave her smile genuinely. "Revenge is not the answer, hija. If revenge is what you need, I'm sorry to tell you that you're in the wrong place."
"You're wrong about that, Miss. I'm here in front of you being the Domina est in Nigrum, not Red Ventura."
Athena glared the young lady with a shock face. "What did you say?" She was shocked, of course kaya parang umugong ang salita ng dalagita sa tainga niya. "You're the Domina est in Nigrum?" Hindi lang sa lider rumihestro ang pagkabigla dahil ganoon din ang nangyari sa iba pang kababaihan.
Sino nga ba ang hindi magugulat? Ang assassin na nagtatago sa dilim ay isa lang palang dalagita? Domina est in Nigrum is the 'walking justice'. Lahat ng masasama lang ang puntirya ng matinik na assassin. Kung nakapiring ang rebulto ng hustisya, ang Domina est in Nigrum ay mulat ang mga mata kaya nakikita nito ang mali sa mga masasamang tao.
"Alam ko ang layunin ng samahan niyo dahil sinabi na rin sa akin ni Maximo ang tungkol dito. Gusto ko mang hatulan ang mga taong may kasalanan sa akin ay hindi ko pa naman nasusubukang kitilin ang buhay nila."
For the first time in her life ay nawalan ng sasabihin si Athena Zodiac.
"I like her." Narinig ni Athena na komento ni Michelle Mondragon—ang nag-iisang lesbian na nakaupo sa Table ng Zodiac. She's 20 years old now.
"Well..." Huminga muna nang malalim ang ginang. "I have been hearing a lot about the Domina est in Nigrum pero hindi ko pa rin alam ang kakayahan mo."
"Try me. Send me in. Alam kong may raid kayong gagawin bukas ng gabi sa hide out ng isang malaking sindikato. Ipapakita ko sa iyo ang mga kakayahan ko," puno ng kompyansang sagot ng dalagita.
"What's your skills again?"
"I'm good in a hand to hand combat. Long range and short range combat. Aside from being a black belter, I'm also a sharpshooter. But my favorite weapon is swords and bow and arrows. At the age of 12, I learned to fly a helicopter by the help of Maximo."
Nag-usap ang mga kababaihan bago tumayo at lumapit sa dalagita.
"Take off your outer clothes," utos ni Athena sa dalagita nang makalapit sila rito. Habang ang tinawag na Mitchelle ay lumapit sa fireplace para kunin ang nakasalang sa apoy na bakal na simbolo ng samahan.
The Black Zodiac emblem.
Ibinigay ng dalagita ang hawak na mga armas sa isang miyembro bago sinunod ang utos ni Athena. Hinubad niya ang suot na t-shirt at naiwan ang kulay itim na tela na nakapulupot sa dibdib niya. Dahil sa wala na ang damit na pumoprotekta sa balat niya ay lumantad sa lahat ang mga battle scars sa katawan ng dalagita.
Bawat isa ay may kanya-kanyang reaksyon nang makita ang katawan ng dalagita. Every scars is a prove that the girl is living in hell.
May gusto man na magtanong ay pinili na lang na huwag na na ibulalas ang kung anong nasa isipan dahil hindi pa ganap na miyembro ang dalagita.
Si Athena Zodiac mismo ay panandaliang huminto sa paglapit sa dalagita nang makita ang lantad na mga peklat sa katawan ng magiging bagong miyembro ng organisasyon.
Nang matauhan ay iginiya mismo ni Athena na lumuhod ang dalagita habang nakadipa ang dalawang kamay. The girl is about to surrender her identity to the organization.
Lumapit na si Mitchelle sa grupo dala ang galing sa apoy na bakal na gagamitin para sa panunumpa ng dalagita. Halos kasinglaki lang ng singko ang bilog na simbolo na nasa dulo ng bakal na itatatak sa katawan ng bagong manunumpa.
"Before we start, you have to answer my question first. Are you the Alpha?" seryosong tanong ni Athena sa batang Ventura. Gusto niyang malaman ang bagay na iyon. Hermosa's clan is not only an ordinary clan. They has these rules—weird rules and rulers.
Bagaman at napapasadahan ng kwento ni Maximo tungkol sa kung ano'ng uri ng pamilya mayroon ang mga Hermosa ay parang wala ring silbi ang mga impormasyon na iyon kay Athena.
Paano nga ba i-describe ng mga manunulat sa libro ang tawag na iyon?
Ahh, yeah... It's just a tip of the Everest.
"No. Not yet. But I am the Beta..."
Beta... This child is next in line, sabi na lang ni Athena sa isipan niya.
Sininyasan na ni Athena ang mga kababaehan para masimulan ang pagbinyag sa bagong miyembro.
They formed a circle pero sapat ang lawak para malagyan ng simbolo ang dalagita. Nasa gitna nila ang dalaga habang walang takot na hinihintay ang nag-aapoy pang simbolo para ilapat sa katawan nito.
"Alright then." Nakangiti ang lider. She's their weapon—a good one. A walking and a very young weapon. She held the holder of the symbol and said, "I am Athena Zodiac, founder of the Black Zodiac Organization, is giving you the right to become one of us."
"I am the Domina est in Nigrum, I'm giving this Organization my protection. I am Red Ventura of Hermosa's Clan is giving you my words, my promise, and my life. I promise that in every life of a member is equivalent to their whole clan."
Sa bawat isa ay napakabigat ng sinumpaan ng dalagitang nagngangalang Red Ventura. Nakakakilabot sa magandang paraan sapagkat may hindi nakikitang mainit na kamay ang humahaplos sa puso ng bawat isa.
Nang matapos manumpa ni Red ay inilapat na ni Athena sa gitna ng likod niya ang nagbabagang simbolo ng organisasyon.
At sa ikatlong pagkakataon ay nagulat ulit silang lahat dahil sa unang pagkakataon mula nang itatag ang Black Zodiac Organization ay tanging si Red lang ang hindi sumigaw at hindi nakitaan ng sakit na tila ba sanay na ang katawan nito sa kahit anong antas ng sakit na mararanasan ng isang tao.
"Welcome to the Organization, Red Ventura!" They exclaimed together with a welcoming warm smile on each faces.
Nang natapos ang panunumpa ng dalagita ay saka lang nagkaroon ng pagkakataon ai Mhridel na lapitan si Red.
Sinugod niya kaagad ito ng yakap.
"Marie!"
"Ate..."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa dalaga. "Y-you're alive..."
"Yes."
"Bakit hindi ka umuwi?" naguguluhang tanong ni Mhridel kay Red. Yumuko naman ang huli at ibinaling ang paningin sa ibang lugar.
"It's a long story, ate."
Nagbakawala na lang ng malalim na buntong-hininga si Mhridel dahil ayaw niya ring pilitin si Red dahil kung pagbabasehan ang narinig niya kanina ay may malalim itong dahilan kung bakit hindi na ito tuluyan na umuwi sa pamilya. iya.
"I missed you. Hindi mo lang alam kung paano kami nasaktan dahil sa pag-aakalang wala ka na. Ivanie missed you too. We all do." Si Ivanie ay ang kapatid ni Mhridel na babae. Kaedad rin ito ni Red at close rin sa batang Marie noon.
Ngumiti nang payak si Red. "Can you do me a favor, Ate Mhridel?"
"Anything, Sweetheart..."
"I don't want them to know my whereabouts. Please don't tell them that I'm still alive."
"Why?" Naguguluhan din ang dalaga sa kahilingan ni Marie.
"Dahil ito lang ang alam kong paraan para manatiling ligtas ng lahat habang inaayos ko pa ang mg bagay-bagay."
"Bakit kailangan ikaw ang umayos ng lahat?" naluluhang tanong ni Mhridel sa itinuturing niya na ring kapatid.
"Dahil ayokong may mapahamak pa kapag nalamab pa nila."
———————
MAGIGING NAPAKATAHIMIK ng buong paligid kung hindi lamang sa mga panggabing kulisap at hayop na magsisikain.
Malamig ang gabi kaya may lumalabas na usok sa bunganga ni Mitchell sa tuwing humihinga siya.
"I can't take this cold anymore." Kinuha niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Inalok niya ang katabi pero tumanggi ito. "Hindi ka naninigarilyo?"
Lumingon sa kanya ang may-ari ng magkaibang kulay ng mga mata. Naka-ninja outfit ito pero may balabal naman na malayang tinatangay ng hanging-gabi. May tabing din ang kalahating mukha ng kasama niya kaya ang mga mata lang nitong magkaiba ang kulay ang nakikita niya.
"No."
"Good for you. Buti at hindi ka naninigarilyo. Ako kasi, bago ako tumuntong sa age mo ngayon ay natutunan ko nang manigarilyo."
"Masyadong maikli ang buhay, paiiksiin ko pa ba kapag nahilig ako sa bisyo?"
"So ironic, ha?" Natawa si Mitchell kaya tiningnan siya ng dalagita.
"Why?"
Isa sa napuna ni Mitchell sa dalagita ay hindi pa nagbago ang tono ng boses nito simula pa noong nagdaang gabi. Her voice is plain and so her face. Parang tuod dahil walang emosyon.
"Mas napapaiksi ang buhay natin sa pagiging assassin kaysa sa bisyo ko."
"Hindi para sa akin dahil kaya kong ilagan ang bala..." Tumingin si Red sa sigarilyo na hawak niya. "Pero hindi ko maiiwasan ang sakit sa baga kapag nagpatangay ako sa bisyong hawak mo."
Natahimik si Mitchell sa sinabi ni Red. "Kaya mong ilagan ang bala?"
"Yes."
"How come?!" Halos lumakas ang boses niya dahil hindi makapaniwala sa narinig sa dalagita.
"Because I was trained to be extraordinary, Mondragon. I am not the Domina est in Nigrum for nothing, Mondragon." Luminga ito sa paligid. "Shh, they are approaching. Get ready..."
Luminga si Mitchell sa paligid pero— "Wala naman akong makita..." sabi niya sa kasamang dalagita.
"Use your ears and not your eyes, Mondragon."
Mondragon? Napapailing na lang habang pumapalatak si Mitchell dahil sa pagiging pormal ng dalagita sa pakikipag-usap sa kanya.
Nasa top floor sila ng 5 storeys abandoned building. Walang kailaw-ilaw dahil patay na rin ang nasabing buong barrio kaya talamak dito ang illegal transactions.
Luminga siya sa kinarorooan ni Red pero ang kasama niya palang dalagita ay tumatakbo na palayo sa kanya at hindi pa man siya nakakahuma sa pagkamangha dahil wala man lang ingay ang dalagita habang tumatakbo nang mabilis ay bigla namang itong bumwelo at tumalon galing sa kinaroonan nila papunta sa iba ng building!
"What the f**k?! Tang inang 'yan, dinaig pa si Darna. Bilib na talaga ako sa iyo, Red Ventura..."
Kumilos na rin siya at ginamit ang fire exit na inakyatan din nila kanina. The fire exit is always handy, ha? Well, but not to Red Ventura, she said to herself while smiling.
Inabutan niya si Red na nakakubli sa isang puno. Red gestured her not to make a sound. May itinuro ito sa bandang gitna ng oval.
Imbes na tingnan ang tinuro ng kasama ay nagtanong si Mitchell dito. "Ano'ng mayroon?"
"Look at it." Itinuro uli ni Red ang kung ano'ng mayroon sa oval kaya inalis niya ang paningin sa dalagita. "That's the confirmation we wanted."
"Who's there?!" Nagkatinginan sila nang may sumigaw mula sa grupo ng nasa oval.
"They already knew. What we should do?" Mitchell asked Red.
"Fight..."
Fight?
Tsk! Bago pa man sumabak sa kahit na anong trabaho ay alam na ni Mitchell na 90 % pagkakataon na lalaban siya...
But damn it! Not this early!
May limang kababaehan ang papalapit sa pinagtataguan nila na may dala pang de-kalibre na mga baril. Ilang dipa na lang ang layo kaya inihanda na rin ni Mitchell ang baril niya.
Nang tingnan niya si Red ay nasa posisyon na ito.
Nakatayo habang nakaumang ang pana at palaso!!!
She's using five arrows in one shot!
Halos tumalon ang puso ni Mitchell dahil sa pagkamangha sa nakikita niya. Mitchell herself is an assassin at alam niya rin namang magaling siya—well, hindi niya pa alam ang totoong kahulugan ng salitang magaling not until this moment.
Red is the definition of a total bad-ass!
Wow! Just wow!
Parang nag-slow motion pa sa paningin niya ang pagbitiw ng mga palaso ni Red!
Shit! Paano nangyari iyon?! Nakamamangha!
Kulang na lang ay pumalakpak si Mitchell dahil sa ipinakitang galing ni Red sa paggamit ng pana at palaso.
Nakakabilib dahil kung paano sabay-sabay na binitiwan ni Red ang palaso ay sabay-sabay rin na nagbagsakan ang mga kababaehan na papalapit sa kanila!
"Move! We're going to attack now!" sabi sa kanya ng dalagita kasabay ng pagtalon papasugod sa mga umuulang bala!
Now this is insane!
Wala na rin siyang choice kung hindi ang makipagpalitan ng putok at back-up-an si Red.