malakas na tawag at yugyug ang nagpagising sa akin.. umaga na pala at pumapasok na ang sinag ng araw mula sa bintana,
"kanina pa nag riring yung cellphone mo, may tumatawag .." wika ni lhea sukbit ang tuwalya sa kanyang balikat at bitbit ang isang maliit na basket na may panligo.
"huh? anong oras na ba? "
"pasado alas syete na.. di ba maaga ang pasok mo ngayong sabado?"
"oo, maliligo knb?"
"yup.. mauna na ako ha.."
"Ok sige.."
lumabas na si lhea at nagtungo sa banyo, inot inot akong bumangon at kinuha ang cellphone ko sa gilid ng aking kama.. alas syete na pala.. natigilan ako sandali ng biglang kong naalala ang aking panaginip
"napanaginipan ko nanaman siya" isip isip ko.. mula ng insedente sa restaurant ay may oras na maaalala niyang bigla ang lalaki, kaya siguro madalas na pumapasok ito sa kanyang panaginip.
nag ring ang cellphone niya na nagpabalik sa kanyang ulirat.. napatingin siya sa call register at sinagot ito
"Hello abby,? Napatawag ka? "
"kagigsing mo lang? kanina pa ako tumatawag.. itatanong ko lang kung papasok ka ba ngayon?"
"Oo, napasarap kasi ang tulog ko e.. kaya ko naman nang pumasok at saka kailangan ko ulit rumaket.. "
"umuwi ka nanaman sa bahay ninyo ano?"
"Oo, kahapon.. nagbigay ako ng allowance.."
"at hindi ka nanaman nagtira para sa sarili mo?"
"kaya ko pa naman kitain yun.. at para sa pamilya ko talaga yun.."
"o siya sige na nga kita na lang tayo sa school"
"Sige magaasikaso na din ako.. bye.."
"bye.."
buong araw akong naging abala at hindi na namalayan ang oras, pagtapos ng klase ko ng alastres ay dumiretsyo ako sa divisoria at kinuha ko sa aking supplier ang mga order ko para maihatid na sa mga suki ko.. bukas ay wala akong pasok kaya may marami akong panahon para makapagdeliver napakalaking bagay din ang kinikita ko sa pagbenta ng mga damit at kung ano ano pa, dito ako nakakakuha ng pangbigay at pang suporta ko sa aking pamilya, hindi ko ikinahihiya ang pag aalok ng kung ano ano.. marangal naman ang ginagawa ko at wala akong inaapakan na tao. . hindi bale konting tiis na lamang.. sana nga ay graduating na ako ngayong taon. kung hindi nga lang ako nahinto dahil kailangan ng pera noon ni ate ayiee, hindi ako nagdalawang isip na ibigay iyon para makatulong, nagtrabaho muna ako bilang kahera sa isang fast food chain at inipon ang kinita ko ng mabalitaan ko na pwede mag apply ng iskolar sa isang maganda at pribadong unibersidad ay sinubukan ko, napaka swerte ko na isa ako sa nakapasa at doon ay dumating si abby na naging matalik kong kaibigan.
****JM
Tanaw ni JM ang malawak nilang lupain mula sa kinatatayuan niya nasa balkonahe siya ng kanilang 3 palapag na bahay noon at nilalanghap ang sariwang hangin.. noong gabi na ipatawag siya ng kanyang uncle mike matapos ang insidente na may bumagsak sa kanyang babae ay hindi niya akalain na nandoon pala ang kaniyang mga magulang at sinasama siya sa kanilang mansyon.. kaya nawalan siya ng oras para sana sundan at kilalanin ang babae na nasa ospital, hindi pumayag ang kaniyang mama na hindi siya sumabay pauwi sa san simon, nabalitaan ng mga ito na hahawak nanaman siya ng misyon at hindi nanaman mapigilan ng kanyang ina na hindi mag alala nakibalita na lamang siya kay luke tungkol sa dalagita, maayos na ang lagay ng babae at nakauwi na ito, hindi na din siya masyadong nagusisa pa sa pinsan dahil sa sinabi nito na may dalawang matanda na ang umaalalay sa dalawang dalaga, napailing na lamang ako kahit na may kaunting lungkot akong naramdaman..
"Mahal naman ginagawa mong bata itong Anak natin malaki na iyan kayang kaya na niyang ang kanyang sarili.."
"Jorge, hindi ko mapigilan ang hindi mag alala.. alam ko kung gaano ka delikado ang humawak ng isang misyon.. hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw mo na lamang mamalagi dito JM sa san simon.. tahimik ang buhay dito at wala ka ng poproblemahin pa.."
"Ma, wala akong balak na mag stay ng matagal dito.."
"Depende na lamang kung maisip ni JM na mag asawa na.." wika ng aking ama.
"dad.. wala pa sa isip ko iyan.. marami pa akong gustong gawin.." wika ko..
napangiti na lamang ako ng maalala ko ang paguusap namin ng mga magulang ko, ngayon arae ay nakatakda na akong lumuwas ulit ng maynila dahil bukas maguumpisa ang aking misyon,
ninamnam ko ang katahimikan ng lugar kung saan ako naroroon, ang malamig at sariwang simoy ng hangin .. ang huni ng ibon.. ang kapayapaan na nararamdaman na malayo sa ingay at peligro, sa katunayan gusto naman niya ang buhay sa probinsya nila sa san simon malamig dito sapagkat malapit ito sa benguet at baguio, malaki ang kanilang bahay at lupain dito iginagalang pa at kilala ang kanilang pamilya dahil sa tiyuhin niya ang mayor sa kanilang probinsya.
"Senyorito.. nailagay na po ang mga maleta ninyo sa inyong sasakyan.." wika ni aling mameng
"Salamat manang, nasan cla mama at papa?"
"Nasa Library ho senyorito, may ipaguutos pa po ba kayo?"
"Ahh wala na po maraming salamat manang.."
ng makaalis ang kasambahay ay mataman niyang pinagmasdan ang malawak na kapaligiran na natatanaw niya.. ang maliliit na damo.. ang malalaking puno, ang hardin ng kaniyang ina ay matatanaw din sa balkonahe.. bumaba na siya at lumabas sa kanilang mansyon at nagtungo sa kwadra nila kung saan pinuntahan niya ang kanyang kabayo.. regalo ito ng mga magulang niya noon dise otso anyos pa lamang siya..
"Hi jackie..! mamimiiss nanaman kita huh?!.. " wika nito sa alagang hayup na parang tao kung kanyang kausapin.. hinawakan at hinimas himas niya ito at sinuklay suklay ang balahibo nito .. para naman tao na nakakaintindi ang kabayo at inamoy amoy nito ang mukha ng amo..
"naku senyorito pihadong mamimiss nanaman kayo ni jackie, dahil mula noon umuwi kayo ay lagi kayong nangangabayo.. tiyak na hahanapin nanaman kayo ni jackie.."
"Oo nga steven e, alagaan mo siya para sa akin huh.. kausap kausapin mo.. pag natapos itong trabaho ko ay uuwi ulit ako dito.."
wika ni JM si steven ay anak ng kanilang trabahador sa hacienda na nangangalaga din ng mga kabayo.. dito niya inihahabilin ang kanyang alagang c jackie.
"Opo senyorito.."
di nagtagal ay bumalik na siya sa mansyon at nagpaalam na sa kaniyang mga magulang.. nakabuti ang paguwi niya dito sa san simon at nakapagpahinga siya ng husto sa ingay ng maynila..
bukas ay sasabak nanaman siya sa isang misyon at hindi maintindihan ni JM na parang may kakaiba dito sa kaso na ito..
Matapos ang mahabang paalamanan sa kanyang ina at pakikinig sa paulit ulit nitong bilin na mag iingat siya ay nakaalis na si JM lulan ang kanyang pulang kotse na latest model. . didirestyo na siya sa penthouse ng hotel at maagang magpapahinga para sa kinabukasan na misyon niya..
"Goodmorning Everyone, This is JM our new technician JM ito ang mga madalas mo na makakasama si rolando,( sabay turo sa bakla)., si hanna , lhyn, ate eva, claire, grace Ronnel at jeff sila ang mga nag poprocess ng mga papeles ng mga nagtetraining dito. c ate eva at grace ang accounting cashier" pormal na pagpapakilala ng sekretarya ni kapitan malisog sa akin.. "
"Ang gwapo naman ng bago natin technician sir ralph! "!! kinikilig na wika ng isang empleyado na bakla sa sekretarya ni kapitan
"So sa ngayon.. dalawa na kaming gwapo dito sa ahensya ha.." pabirong wika ni sir ralph.
"Sir isama nyo naman kami ni jeff " wika ni ronnel
"Magtigil nga kayong dalawa, at napagsawaan ko na ang kagwapuhan ninyo.." wika ni rolando..
"sus ang sabihin mo makukumpleto na ang F4 diba sir ralph" wika naman ni jeff
napailing na lang si sir ralph at napatingin sa akin
"Masanay ka na sa mga iyan.. wika nito.. 'at si rolando ang ituring natin na sanchai.." pabibiro ni sir ralph.. napatili naman ang bakla sabay sabing,
"Naku sir ralph..mahahalikan kita.." wika ulit nito
"Ayan naman ang hindi pwede.." at nagkatawanan kaming lahat
"Ok lang araw araw ng masira itong computer ko.." wika naman ng isang babae na nasa middle age na c ate eva
"Hi pogi ayusin mo naman tong gamit kong loptop.. pde ka din bang home service.." nagbibirong wika ng isang babae na umbok ang tiyan na si lhyn
"kung hilahin ko yang paa ng anak mo inday!! buntis kana kumekerengkeng ka pa!!" wika ulit ng bakla at nagkatawanan kaming lahat
"kayo talagang mga babae, nakakita lang ng gwapo kilig na kilig na tsk tsk.." naiiling na wika ni Ronnel.
"eh kung kasing gwapo ba naman niyan baket hindi kami kikiligin?" wika naman ni grace
nagkatuwaan kami sandali habang pinapakilala ako ni sir ralph
"Excuse me guy's ililibot ko na muna si JM sa ating opisina" wika ni sir ralph " ah JM may gusto ka bang sabihin? "
"ah.. Natutuwa akong makilala kayo.. i'm JM sana maging maayos ang ating pagsasamahan at pagtatrabaho.. " magalang kong pagpapakilala..
"Halika na't samahan mo ako dito sa lamesa ko.." kinililig ang isa pang babae na si hannah
nagtawanan nanaman kami
"Ok Guy's mamaya na kayo mag harutan.. mag aalas otso na.. trabaho muna bago landi.. wika ni ralph..
"sir ralph naman e, sarap ng kwentuhan natin" si rolando
"Hahaha marami pa naman tayong ibang araw.."
" pwede bang pa kiss muna sa inyong dalawa bago kami mag work pang inspirasyon lang.." wika ni rolando
"Ang harot talaga..." wika naman ni jeff
"mahuhuli pa tayo ni kapitan niyan ang harot mo talaga sige ka baka mabuntis ka.." wika ni ralph
"Ok lang sir kahit gahasain nyo akong dalawa.. magpapaubaya ako.." nagbibirong umarte pa ang bakla
"Rolando kilabutan ka! sige na go back to work.." wika ni ralph at nagtawanan ang lahat.
"Badtrip naman sir.. pwede regine na lang, wag naman rolando ang bantot..!!" at muling nagtawanan ang lahat..
"Oh sige na regine na kung regine. magtrabaho na tayo.." natatawang wika nito
nagpaalam ako sandali dahil iikutin nmin ni sir ralph ang kabuuan ng gusali na iyon.. pinakilala niya din ako sa mga maintenance at guards.. at sa mga tao sa canteen, hindi na niya ako naipakilala sa mga trainor dahil naguumpisa na ang mga ito na magturo.. pinabalik na lamang ako ni ralph sa lamesa na itinuro niya sa akin malapit kina ronnel at jeff duon dw ang magiging pwesto ko.. nangingiti ako ng makilala ko halos lahat sa personal.. bago pa man ako magpunta dito ay kilala ko na sila dahil pina background check naman sila ni uncle mike.. naging abala ako sa pagkalikot ng computer na nasa harapan ko at inumpisahan na itrouble shoot.. nalibang ako sa ginagawa kaya hindi ko na namalayan na alas dose na pala ng tanghali at breaktime na..
"papa JM.. sumabay ka na sa amin.. tara na at kumain.."yaya sa akin ni rolando regine pala
"Ahh sige.. " pagpayag ko, kailangan kong makuha ang loob ng mga ito at baka isa sa kanila ay may alam
hindi ako nahirapan na kapain ang mga ugali nila.. pinapakiramdaman ko pa lang sila, mabuti ng nagiingat at hindi pa ako sigurado baka isa sa kanila ay impostor na may alam sa mga nangyayari dito sa loob.
"Ahhh ilang taon ka na nga pala.." wika ni ate eva sa akin kasalukuyan na kaming nasa canteen ng gusali habang nagsasalo salo
"26 po"
"Saan ka nakatira?" si grace
"ahh sa kapatid ko sa san mateo rizal.."pagsisinungaling ko.
"ang layo mo pala?.." wika ni regine
"kaya nga kailangan kong makalipat kahit na maliit na kwarto lang may alam ba kayo?"
"mamya dun pre kay ate tina.. "wika naman ni jeff
"ahh sino yon?"
" ay si ate tina yung mabait na may ari ng tindahan jan paglabas mo nitong building, ung maraming bumibili kapag breaktime.."wika ni hannah
"Oh siya mamaya isasama ka namin don, kasi hindi pa naman kmi umaakyat pagkatapos kumain, tumatambay muna kami sa tindahan ni ate tina.." wika ni regine
"nasaan na nga pala si claire .. ?' tanong ni ronnel
"ay oo nga nasan ang babaita na yon? si regine
"baka nasa locker room.. hayaan ninyo na alam nyo naman na hanggang ngayon.. nagluluksa iyon.."
"Nagluluksa? "nagtatakang tanong ko..
"eh kasi.. napalingong lingon pa c ate eva at pabulong na nagsalita..
un ung na chi-chismiss na nobyo niya si Kapitan arnold malisog ung kapatid ng boss natin ngayon namatay noong nakaraan buwan lang.." agad kong naunawaan ang sinasabi ni ate eva pero nagpanggap lamang ako na walang alam..
"chismis lang naman iyon.. hindi natin alam ang totoo.." wika ni ronnel
"Eh paano kung totoo"? wika ni grace
"Huh? namatay po?"wika ko
"Oo jaan sa parking lot natin dito sa building mga alas nueve daw ng gabi pinatay, ang sabi pinasok daw ng magnanakaw.. pero ang hinala ng nakararami o chismis dito ay, pinatay daw si sir arnold.. "
"bakit naman po papatayin? at sino ang hinala ?"
nagtinginan muna ang mga kasama ko ..
"ang sabi isa daw sa kapitan din ang pumatay pero di matukoy kung sino.." wika ni jeff
"Pero ate eva.. ung guard natin si mang tonyo at ung sa maintenance natin.. c mercy, dito din un namatay.. " wika ni lhyn
"Hoy ano ba kayo tinatakot niyo si JM.. mamaya mag resign yan tulad ng iba na natakot na tumuloy sa atin.." wika naman ni grace
"No, ok lang ako..ituloy nyo lang atleast aware ako sa nangyayari "
"kaya nga hayaan mong malaman niya ,nkapagtataka kasi dito JM, wag kang matatakot pero, sunod sunod ang p*****n dito, una ung guard namin nakita din un sa parking lot.. sunod yung maintenance namin si ate mercy, nakita siya sa banyo.. tapos itong huli.. si sir arnold.. nakita sa loob ng sasakyan niya sa parking lot ulit.." wika ni ate eva
"kaya lagi kaming magkakasama na mag break at bumabalik sa Office itong si claire bigla na lamang nawawala .." wika namam ni hannah
"hay naku tama na nga iyan! hanapin na natin si claire baka nandoon na kay ate tina.." yaya namam ni ronnel
lumabas kami ng gate at sa di kalayuan ay andon ang tindahan na sinasabi nila ngunit wala pa din dito si claire
halata sa mukha ni ronnel na nagaalala siya para sa kasamahan.
pinakilala sakin ng mga kasama ko si ate tina nasa labas ito at nag sasalansan ng mga bote at mga kalat sa tapat ng tindahan nila, mula dito ay kitang kita ang kalapit gusali, ang gate ng parking lot ay kitang kita din mula sa tindahan.
"Ate tina, si JM bagong empleyado kasamahan namin" wika ni hannah
"Hello JM! abaaa... ang gwapo naman ng isang ito.." wika ng babae na sinasabi nilang ate tina.
"salamat po, ate.. baka po may alam kayo, na pwede kong upahan na kwarto.. nabanggit po kasi nila ate eva sa akin.."
"Ikaw lang ba ang titira?"
"Opo.."
"naku sakto, kasi kakatapos ko lang na ipaayos itong extension ng bahay namin, nagbabalak talaga ako na paupahan ito.. balak ko ipa trancient, para sa mga nag tetraining na seaman na naghahanap ng matutuluyan ng pang isang araw o dalawang araw.. dalawang kwarto iyan.. pero kung kukuhain mo ang isang kwarto ay ok lang din.." wika ni ate tina..
"magkano naman po ang isang buwan?"
"eh kung isang kwarto ang kukuhain mo ay, medyo mas mahal.. 4,500 ang isang buwan niyan. hindi pa kasama ang tubig at kuryente" wika ni ate tina..
"Ang mahal naman..kakilala namam namin yan ate tina "wika ni grace
"Kakayanin mo ba yan papa JM?" tanong sa akin ni regine.
"Ang laki ng sahod niyan bilang i.t" singit naman ni Ronnel
"Ang tanong ate tina pwede daw ba magsama jan ng girlfriend.." natatawang wika ni jeff
"huwag kang papayag ate tina.. ako lang dapat ang pwedeng isama ni JM.." wika ni Regine.. at nagkatawanan nanaman kami.
"wala naman ho akong girlfriend, masyado po kasing malayo ang sanmateo kung araw araw akong babyahe pagpasok at paguwi ng trabaho.. " wika ko
"Gusto mo bang silipin sandali?" wika ni ate tina..
"Pwede po ba?"
"Oo naman tekka.. Ayiieee... " tawag nito sa loob ng tindahan
lumapit ang babae na may kasamang dalawang bata..
"Ito ang kapatid ko at ito ang mga anak niya.. siya ang katuwang ko dito" pagpapakilala ni Ate tina
" Hi po ate.."
"Hello din.. "
"Ayiee papatingnan ko lamang yung kwarto sa kaniya baka magustuhan niya ay uupahan niya kilala naman siya nila eva kukuhain ko lang ang susi teka tingnan mo muna itong tindahan" at pumasok sa loob ng tindahan
lumapit sa akin ang isang bata at hinawakan ako sa kamay.. napangiti ako dito
"Hello.." wika ng bata
"hi.. ang cute mo naman.." wika ko sa bata
"Ako si CJ.. ito ang kapatid ko si A.J anong pangalan mo?"
"Ako po si kuya JM.. "
"bago ka lang po dito?"
"Opo .. pero araw araw na tayo magkikita jaan na kasi ako nagtatrabaho.." at tinuro ang gusali nakangiti kong pinagmasdan ang dalawang bata na sobrang cute..
"sa gabi maraming salbahe jaan mga lalaki sinisigawan nila kami" pakunot noo ako sa sinabi ng bata
"Anong maraming bad?"
"ay naku JM pasensya na sa kadaldalan ng anak ko, eh kasi noon isang gabi may mga ilang sasakyan ang dumating jan, tpos may mga lumabas na lalaki at bumili ng sigarilyo.. sakto na nakabukas ang gate kaya naghabulan itong dalawang bata jan sa malawak na bakuran ng building nyo nasigawan sila at pinalabas.." wika ni ayiee..
"Ahh... " kinutuban man ako ay hindi na lang ako nagpahalata
"tara na at tingnan mo itong kwarto.." wika ko ni ate tina
sinusian niya ang isang pintuan ilang dipa lamang ang layo sa tindahan..
nakita niya ang maayos na Kusina at pang animan na hapag kainan at isang banyo, umakyat kami sa ikalawang palapag at doon ay may dalawang pintuan na magkatapat, ang unang pintuan na pinasukan namin ay may veranda na makikita ang tindahan ni ate tina.. tanaw din dito ang gusali ng ahensya..
"maganda din dito.. kita ang papasok" wika ko sa sarili ng nasa veranda ako..
pinasok naman namin ang ikalawang kwarto.. dito ay sakto lang ang sukat na pwede sa dalawa o tatlong tao. maaliwalas din may malaking bintana at veranda tulad sa naunang kwarto ngunit.. mas kita dito ang gusali at ang parking area..
"Perfect.." isip isip ko mula dito ay makikita ko ang maglalabas masok sa loob ng ahensya.
"Ate tina.. kukuhain ko na lang po ito.. maaliwalas po kasi at masarap magpahinga dito sa veranda.." wika ko..
"Oo nga tol, pwede pa tayo maginuman dito at sisigaw ka lang sa baba kapag may bibilhin ka kay ate tina.. wika ni ronnel."
"Hoy!! anong inom inom.."
"Bakit bawal ba ate tina..?"
"P-pwede naman kaya lang.. hindi naman kayo ang uupa si JM,," mataray na wika ni ate tina at nagkatawanan kami..
nagusap kami sandali para sa mga kondisyon ni ate tina.. wala naman akong problema dito hindi naman ako maarte sa tutuluyan dahil sa sanay ako at natira ako sa bundok.. wala ding problema sa bayad.. kung pwede nga lang na magbigay na siya ng advance ay magbibigay na siya ngunit baka makahalata ang mga kasamahan niya sa trabaho kaya nag sabi na lang ako na hihiram ako sa aking kapatid at magbibigay kinabukasan para sa down payment.