UNTI-UNTI kong minulat ang mga mata ko na'ng may naririnig akong ingay. Doon ko dahan dahang naaninag ang presens'ya ng pamilyar na babaeng nag vvacuum. "Gising ka pa pala, akala ko patay ka na," walang kabuhay buhay na saad ni Lailah kaya humikab ako sabay napa titig sa kama ni Mister Huston. Pero wala na s'ya 'ron kaya alam kong kanina pa s'ya nagising at pumasok sa trabaho. "Buhay pa nga ako pero parang hinihiling mong hindi na sana ako magising," namamaos na sambit ko sabay dahan dahang bumangon sa kina hihigaan. "Anong oras na ba, sis?" nahihikab kong tanong. Napa titig tuloy ako sa terrace at napa kunot ang noo kong parang ang taas na yata ang araw. Napa tayo ako bigla dahil napa sarap yata ang tulog ko! "Bakit hindi mo agad ako ginising?!" malakas na hiyaw ko sabay dinampot ang pa