2

322 Words
"Ma ano ba naman kayo pwede naman akong mag commute lang, nag effort pa talaga kayong ihatid ako". Pag rereklamo ni Alana sa mga magulang niya. "Pabayaan mo na kami Al minsan ka na lang nga namin hinahatid nag rereklamo ka pa". Saad ng papa niya habang ang mata ay tutok sa daan. "Saka first day of school mo ngayon nak, pagnatapos mo na yung school year magco-college ka na" Nakangiting saad ng mama niya. Ngumuso lang si Alana upang pigilan ang pagngiti nya. Isa lang ang goal ni Alana.. ang never i disappoint ang parents niya. Consistent honor student siya mula elementary hanggang grade 11. Ngayon ang huling taon niya sa senior higschool sa kaparehong paaralang pinasukan niya nung grade 11 siya. "Don't worry ma, pa gragraduate akong cumlaude tandaan nyo yan" Nakangiting saad ni Al. "Naku ayos lang naman kahit hindi cumlaude basta walang bagsak" sabi pa ng mama niya. Nagkuwentuhan pa sila sa loob ng sasakyan hanggang sa di namalayan ni Al na nakarating na pala sila. Pareho niyang hinalikan sa pisngi ang mama't papa niya saka nagpaalam at bumaba. Kahit kinakabahan ay nagpatuloy pa rin si Al, "Magandang umaga manong guard!" magiliw na bati nito. Agad nawala ang ngiti niya at napalitan ng kaba ng makita niya sa di kalayuan ang ultimate crush niyang si Calvin. Mas gumuwapo siya ngayon. Agad niyang inayos ang sarili niya ng mapagtanto niyang wala siyang dalang salamin ay naghanap siya ng puwedeng mapagsalaminan. Nakuha ng atensyon niya ang isang magarang sasakyan sa di kalayuan "Ay ang kintab, ayos na rin siguro 'to" Agad siyang nanalamin sa nakasarang bintana ng sasakyan hindi inaalala kung may tao ba sa loob o wala. Nang makitang maayos na ang sarili ay nag flying-kiss pa ito at kinilig sa sariling ginawa. Nahinto siya ng biglang bumaba ang bintana ng sasakyan at sinabing "Excuse me?, what are you doing?"  Esushme, Lord bat pinapaulanan mo ako ng pogi today?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD