5 weeks later...
" You're performance task is worth a hundred points. Since it is your big task for this sem, It will be done by pair." Pagpapatuloy pa ng guro. Agad naman kinalabit ni Alana ang mga kaibigan.
"Oy pair tayo ha"
"Sira may pair bang tatlo?" Pambabara naman ni Renn.
"Alam mo Renn kaibigan kita mahal na mahal kita be pero kami na lang muna ni Alana ngayon ha tsaka matalino ka na rin naman." Pangongonsensya pa ni Lane.
"Lane mahal na mahal rin kita day pero dapat kami muna ni Al ngayon, big task na kasi 'to pag ako bumagsak mapapatay ako ni Teresita" Saad naman ni Renn .
Papalit palit ng tingin si Alana sa dalawang kaibigan na parehong nag-aagawan
"Para kayong sira baka pu-"
"Okay Mr Renn Algapito be paired with Ms. Amistad" saad ng teacher nila.
"Ay ayon magic sing" pagsuko ni Renn.
Pinagpatuloy pa ng guro nila ang pagpapares na ikinasimangot ng klase. "Alana Lorenzo be paired with Mr. Lopez" Literal na nanlaki ang mata ni Al sa narinig "Is that okay with you?"
"Y-yes maam" utal na sagot nito
"How about you Mr. Lopez?"
" It's fine with me" saad ni Wyl sa malalim na boses.
"You can discuss your project with your pair use the remaining time to do it and remember.. ayaw ko ng deadline extension" Dagdag pa ng guro atsaka umalis.
Nagulat silang lahat ng biglang tumayo si Natasha at maarteng lumakad papunta sa puwesto nina Alana. "Alana can we change pairs? Besides you're matalino naman you can handle Marvin well" Nakangiting saad nito sa kaniya. Ngiting halata naman plastic.
Gulat na napatingin si Al sa kaniya bago pa siya makapag salita ay biglang tumayo si Wyl at huminto sa tapat ni Alana " See you at the cafeteria Ms. Lorenzo" Saad nito sa kaniya at umalis.