Chapter 8

1941 Words
[Navy's POV] Isang taon na ang nakalipas, I sent him a lot of messages pero kalit isang reply wala akong natanggap galing sa kanya. Wala man lang akong balita tungkol sa kanya kung kamusta na siya or okay lang ba siya. I just enjoy mylife as a college student with my new friends at hindi ko na rin iniisip or iniisturbo si Auri. I want him to focus on his study especially to manage their company. Jace and I become so close, he always care about him. Maynapapansin din ako kay Jace but I just don't mind it baka imagination kulang iyon. May lakad kami ngayon magkakaibigan, Papunta na ako sa place na pinag uusapan namin, mag ca-camping kami Pagkadating ko doon bumungad kaagad sa'kin ang ang poging muka ni Jace. Yeah I'll admit, Jace is handsome and ang cute nya especially when he cares about me and I'm comfortable with him too. Hi Celeste, kamusta ang biyahe!?" Jace asked me Okay naman, medyo nakakapagod lang dahil ang layo dito hehe" I replied Pahinga ka muna Celeste, ako na bahala sa mga gamit mo" he said with a deep voice Inayos na nila ang mga gamit namin especially yung mga tent dahil 4PM na at malapit nang gumabi. Haystttt! Ano ba ito ang hirap naman I symbol ng tent, Maynarining akong tumawa Ako na nga diyan Celeste, sabi ko naman sayo diba magpahinga ka ako na bahala sa mga gamit mo" Jace said It's okay Jace, ako na kaya ko naman ehh Hinawakan nya ako at pina upo sa upoan, Ako na Celeste" he smiled Kinuha niya yung poles sa kamay ko at maingat niyang inayos, na para bang ayaw niyang magkamali kahit simpleng bagay lamang. ______________________________________ Ang lamig ng hangin sa Luntian Ridge Campsite habang unti-unting sumasapit ang gabi. Ang ganda didto walang ingay na kalsada, walang pressure sa school, puro puno makikita mo, magandang tanawin, preskong hangin, at apoy ng bonfire. Nakaupo ako sa gilid ng apoy habang pinapanuod kong sumayaw ang apoy na parang may sariling buhay. Nag pictures din kami at pagkatapos nagkukulitan ang mga kaibigan ko, may kumakanta pa ng mahina gamit ang gitara. Tahimik lang ako. Hanggang sa maramdaman kong may umupo sa tabi ko, si Jace. Hindi ko siya tiningnan agad. Hindi ko alam kung bakit, pero parang masyadong normal na nandiyan siya sa tabi ko. Kanina ko pa siya panansin noong nag-aayos ng tent. Siguro dahil hindi siya nakakabay sa humor ng ibang kaibigan namin kaya palagi siyang lumalapit sa akin. “First time mo rin?” tanong ko noon, medyo sabog pa ako sa dami ng gamit. Umiling siya. “Hindi. Pero first time ko na kasama ka.” Tinignan kulang siya Kidding, napaka seryoso mo" and he laughed “Marshmallow?” sabi niya at inabot sa’kin yung stick. Thank you, Nag usap kami ni Jace tungkol sa buhay namin ang nagtatawanan. Tumahimik ulit kami, pero hindi naman awkward yung katahimikan. Parang siya lang yung sanay makinig, kahit wala akong sinasabi. “Ang tahimik mo,” sabi ko bigla, hindi ko alam kung bakit. Ngumiti siya ng konti. “Mas okay na yung ganto.” “hmmm?” Tumingin siya sa apoy bago sumagot. “Kasi mas naririnig ko yung paligid.” “Yeah, ang sarap sa pakiramdan na ganito. Maririnig mo ang paligid, ang hangin at ang tunog ng mga hayop sa paligid,” sabi ko at ngumiti Tumingin lang siya sa’kin Bakit may dumi ba sa muka ko!?? Wala, ganda mo" he whispered Habang abala ang lahat sa paligid, napansin ko na siya lang yung hindi tumitingin sa apoy. Sa’kin lang siya nakatingin. Pero kapag napapansin ko, agad siyang umiiwas. “Jace,” tawag ko. “Hmm?” “Bakit parang lagi kang gising kahit pagod ka na, I mean bakit hindi ka nagpapahinga?” Sandali siyang natahimik. “Sanay lang.” Hindi ako satisfied sa sagot niya, pero hindi ko na pinilit pa. Kasi sa totoo lang… si Jace yung tipo ng tao na hindi mo alam kung kailan nagsasabi ng totoo o kung kailan siya nagtatago. Habang tumatagal ang gabi, unti-unting lumalamig. Inabot niya nang bahagya yung jacket niya at inilagay sa likod ko, kahit hindi ko hinihingi. Tinignan kulang siya “Hindi ka giniginaw?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi naman.” pagsisinungalin ko pero hindi niya kinuha ulit yung jacket. Thanks Jace, Nakatingin lang ako sa apoy. At sa gilid ng paningin ko, nakikita ko siyang tahimik na nakatingin sa’kin. Na para bang ang daming gustong sabihin sa akin… pero mas pinipili niyang manahimik na lamang. Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi niya sinasabi, ramdam ko at nakikita sa mga mata niya na may mas malalim siyang problema, hindi ko lang alam kung ano. Maybe family problem. ______________________________________ Kinaumagahan nagising nalang ako sa sikat ng araw, paglabas ko sa tent ang lamig ng hangin, subrang fresh at bumungad agad sa'kin Yung napaka gandang sunrise, parang biglang nawala lahat ng pagod ko. Dahan-dahan kung tinignan ang tanawin, napaka tahimik ng mundo parang ayaw kung mag-ingay, mga tunog lang ng ibon at hangin ang maririnig mo at subrang ganda ng moment na ito para makapag relax. . “Grabe…” bulong ko sa sarili ko. “Ang ganda.” Umupo ako sa damuhan, yakap ang tuhod ko habang tinitignan yung langit. Yung kulay niya, halo ng orange, pink, at gold parang painting na hindi ko alam kung totoong nakikita ko o panaginip lang. Ramdam ko yung ibang mga kasama namin na unti-unti nang nagigising at lumalabas sa tent nila. May mga nag-i-stretch, may mga inaantok pa rin na lumalabas, tapos biglang nagiging maingay yung paligid. “WOAHHH ANG GANDA!” sigaw ng isa naming kasama. Napangiti ako. Oo nga, sobrang ganda talaga. Hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa likod ko. Si Jace. Lumabas siya ng tent, magulo pa yung buhok niya, parang bagong gising talaga. Sandali siyang tumigil, tapos tumingin sa sunrise… o nga ang ganda. Bakit parang pakiramdam ko hindi lang yung sunrise yung tinitignan niya. Haystttt, Navy Celeste! “Ang ganda ng view dito,” sabi niya, medyo mababa yung boses, parang antok pa. “True,” sagot ko, hindi ko siya tinignan. “Sobrang worth it gumising ng maaga.” Umupo siya sa may tabi ko, pero medyo may distansya pa rin. Kunwari busy siya sa pag-ayos ng kung ano-ano sa paligid, pero napapansin ko minsan yung tingin niya… parang sandaling napapatingin sa’kin bago siya umiwas ulit. Hindi ko pinansin kasi honestly, ayokong mag assume. Huminga ako ng malalim habang pinapanood ko yung araw na mas lumilitaw pa. Unti-unting umiinit yung paligid, tapos yung ingay ng mga kaibigan namin nagiging mas lively na may nag-uusap na tungkol sa pagkain, may nag-aayos ng lulutuin at yung iba nag kakape na. Tumayo si Jace pero hindi ko ito pinansin at mayamaya ay bumalik siya na may dalang cup Pinagtimpla kita nga gatas," aniya niya at inabot sa akin Salamat, Nagpipicture kami sa sunrise at nag relax lang muna. Napangiti ulit ako, hindi ko alam kung dahil sa sunrise o dahil sa buong moment na ito. Pero isang bagay lang yung sigurado ko... Ang ganda ng umagang ’to. And for some reason, parang ayokong matapos agad. ______________________________________ After the sunrise, everything felt lighter… like kahit yung oras ay mabagal sa lugar na ’to. Nag-umpisa kaming magluto ng breakfast sa camping area. May simpleng pagkain lang hotdogs, itlog, tinapay, at instant coffee pero weird, parang ang sarap ng lahat kapag ganito yung paligid. Yung usok ng lutuan, yung tawanan ng friends namin, yung tunog ng kaldero at kutsara, everything felt so alive. “Ang sarap ng kape kahit instant lang!” sigaw ni Marco habang nakaupo sa log. Napatawa ako. “Gutom lang yan, kaya masarap lahat.” “Hindi ah, legit mas masarap dito!” sagot niya. Si Jace naman, tahimik lang sa gilid habang nag-aayos ng mga gamit sa picnic table. Pero napapansin ko, every now and then, binibigay niya yung pagkain sa iba, or inaabot yung tubig kapag may kulang. Parang normal lang, pero may something sa kanya na always attentive, kahit hindi niya pinapakita. “Guys, breakfast na tayo after nito!” sigaw ng isa. “Finally!” may tumawa. Umupo ako sa damuhan habang kumakain, nakatingin sa malayo. Yung view ng Luntian Ridge, sobrang peaceful pa rin kahit tanghali na. Hindi pa rin nakakasawa. “Grabe,” sabi ko sa sarili ko, “parang ayokong umuwi.” “Same,” may sumagot agad sa likod ko, si Jace. Umupo siya sa tabi ko ulit, this time mas malapit na ng konti kaysa kanina. Hindi ko alam kung sinadya niya o nagkataon lang. Tahimik lang kami habang kumakain. Pero yung silence na ’to, hindi awkward. Parang comfortable lang. After breakfast, nagligpit kami ng camp. May kanya-kanyang task, may nagtatanggal ng tent, may nag-iipon ng basura, may nagro-roll ng sleeping mats. Yung iba, nagrereklamo pa na pagod na raw sila, pero sabay tawa rin. “Ang sakit ng likod ko!” sabi ng isa. “Edi mag-yoga ka dito sa bundok,” sagot ng isa pa, sabay tawanan silang lahat. Ako naman, tinutulungan ko mag-fold ng tent. Yung kamay ko medyo marumi na sa lupa, pero okay lang. Part ng experience ‘yon eh. Si Jace, nasa kabilang side, hawak yung tent poles, maingat na inaayos lahat. Pag tumingin siya sa’kin, mabilis din siyang iiwas, parang wala lang. Pero alam ko, may moments talaga na napapatingin siya nang matagal bago umiwas. Hindi ko lang pinapansin, baka ako lang nag-iisip. After a while, natapos na kami magligpit. Naka-ayos na lahat ng gamit sa van. Yung paligid, dati maingay at buhay… ngayon medyo tahimik na. And that’s when it hit me. Tapos na pala. “Guys,” sigaw ng driver namin, “ready na tayo umuwi!” May mga nag-cheer, may mga humawak ng bags, may mga naglakad papunta sa sasakyan. Pero habang papunta kami, may mga tumigil pa rin saglit para tignan yung view. Kasi honestly, kahit pagod na, ayaw pa rin naming iwanan. Huminto ako sa gilid ng ridge. Tumingin ako ulit sa paligid. Yung green na bundok, yung malawak na sky, yung hangin na parang ayaw kang bitawan. “Ang hirap umalis dito,” bulong ko. “Hindi ka nag-iisa,” narinig kong sabi ni Jace sa likod ko. Huminga ako nang malalim. “Parang ang bilis ng oras.” Tumabi siya sa’kin, his hands in his pockets, looking at the view too. “Kaya nga minsan gusto ko nalang i-freeze yung moments.” Napatingin ako sa kanya saglit. “Pwede pala yun?” Tahimik ulit kami. Sa malayo, naririnig ko yung tawanan ng friends namin, yung pag-aaya nila na sumakay na sa van. Pero kami, parang stuck pa rin sa moment na ’to. “Ready ka na?” tanong niya, hindi ako tinitignan. Tumingin ako ulit sa view bago sumagot. “Hindi pa.” Saglit siyang natahimik, tapos tumango lang. “Same.” Pero alam naming pareho… kailangan na talaga. Unti-unti kaming naglakad pabalik sa van. Habang papasok ako, huling beses kong nilingon yung ridge. Parang gusto kong i-save sa memory ko lahat yung sunrise, yung tawanan, yung tahimik na moments, yung hangin. Pag-upo ko sa van, sumandal ako sa bintana. Tahimik na ulit. Pero sa isip ko, paulit-ulit pa rin yung view. At kahit paalis na kami, alam ko na hindi yun yung huling beses na babalik ako sa lugar na ’to. Kasi may mga lugar na hindi mo lang pinupuntahan. May mga lugar na gusto mong balikan… kahit tapos na yung trip. At yung camping na ’to? Isa yun sa mga hindi ko gustong matapos agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD