[Navy's POV]
The sky had been gray since the last subject.
Parang kanina pa ako kinakabahan kahit wala namang dahilan. I kept staring outside the classroom window, watching how the clouds slowly swallowed the light.
Ang bigat ng ulap. Parang may gustong sabihin, pero hindi makapagsalita.
“Uy, Navy, uuwi ka na?” my classmate asked while packing her things.
“Yeah… later,” I answered absentmindedly.
Later, that word sounded safe.
But I didn’t know “later” would come with rain.
Pagkababa ko pa lang ng classroom namin, yung hangin ang lamig, medyo malakas, tapos amoy na amoy mo yung ulan na parang ilang minuto na lang babagsak na talaga.
At hindi nga ako nagkamali.
Paglabas ko ng school building, bumuhos agad ang ulan na parang kanina pa nagpipigil.
“Grabe…” bulong ko habang nakatingin sa madilim na langit, wala akong dalang payong.
Syempre!
Kailan ba ako naging ready sa mga ganitong bagay?
Hinila ko nang mas mahigpit yung bag ko sa balikat ko at tumingin sa paligid. Lahat ng estudyante nagmamadali, may mga tumatakbo papunta sa gate, may iba na sumilong na lang sa ilalim ng corridor.
Ako? Nakatayo lang.
Parang tanga, hindi ko alam kung tatakbo ba ako o maghihintay na lang humina ang ulan.
“Okay, Navy. Kaya mo ‘to,” sabi ko sa sarili ko kahit hindi ako naniniwala.
Isang hakbang pa lang sana ako palabas…
“Uy.”Napalingon ako, si Jace.
Nakatayo siya ilang metro lang mula sa akin, may hawak na itim na payong. Basang-basa ang uniform niya sa gilid kasi mukhang kakalabas lang din niya, pero siya mismo, hindi mukhang nagmamadali.
Nakatingin siya sa akin na parang… kanina pa niya ako hinahanap.
“Wala kang payong?” tanong niya, diretso pero hindi nang-aasar.
Umiling ako. “Nakalimutan ko."
Tumango lang siya, parang expected na niya yung sagot.
Tapos, bigla siyang lumapit.
Hindi ko alam bakit, pero parang bumagal yung oras.
“Halika,” sabi niya lang.
Sandali akong natigilan. “Ha?”
Inangat niya yung payong niya ng kaunti. “Sabay na tayo. Hanggang gate ka ba?”
Hindi ko alam bakit, pero biglang uminit yung tenga ko kahit malamig yung paligid. “Ah… oo.”
Hindi ako agad gumalaw.
Parang may part sa utak ko na nagsasabing, normal lang ‘to, Navy. Payong lang yan.
Pero yung ibang part… parang hindi makapaniwala na siya mismo yung nag-alok.
Yung tahimik, laging seryoso at hindi masyadong pala-ngiti na si Jace.
“Bilisan mo, basa ka na,” sabi niya ulit, mas mahinahon.
Doon pa lang ako kumilos. Lumapit ako sa kanya, at agad kong naramdaman yung maliit na espasyo sa ilalim ng payong.
Sobrang lapit namin sa isat isa. Pero hindi ito awkward… habang naglalakad kami, maririnig mo yung ulan na bumubuhos sa paligid, parang ang lakas ng mundo pero kami lang yung may sariling maliit na mundo sa ilalim ng payong niya.
At tahimik lang siya kaya tumahimik lang din ako. “Ang lakas ng ulan,” sabi ko na lang para may masabi.
“Mm,” sagot niya, yun lang?
Pero kahit ganun, hindi weird.
Nakatingin ako sa daan, pero sa gilid ng mata ko, nakikita ko siya.
Medyo basa pa rin yung buhok niya, may ilang hibla na nakadikit sa noo niya.
Yung uniform niya, medyo damp, pero parang hindi niya pinapansin.
Parang sanay siya sa ganito.
Habang naglalakad kami, napansin ko na ina-adjust niya yung payong ng konti.
Para siguradong hindi ako mababasa.
Hindi ko alam bakit, pero napatingin ako sa kanya.
“Okay ka lang?” bigla niyang tanong, hindi nakatingin sa akin, pero parang ramdam niya.
“Ha? Oo, okay lang ako.”Tumango siya ulit.
Tahimik na naman pero sa pagkakataong ‘to, hindi ko maiwasan mag-isip.
Bakit ganito siya? Luhh, bakit siya yung nag-offer ng payong? Hindi naman kami close ahh… well, classmates naman kami, oo kaya okay nalang. Pero hindi naman kami yung tipong nag-uusap araw-araw.
Siya yung tipo na tahimik lang sa likod at lagi lang nagmamasid.
Ako naman… ako yung nanggulo sa kanila. Pero ngayon, magkasabay kami under one umbrella.
Parang ang simple lang, pero bakit parang big deal sa akin? Luhh, si oa.
“Dito ka sa loob,” sabi niya bigla.
Napatingin ako sa kanya.
“Ha?”
“Lumalabas ka sa ulan. Lumalayo ka sa payong.”
Tumingin ako sa sarili ko, ay oo nga hehe.
Half of my shoulder basang basa na pala. Dahan-dahan akong lumapit pa sa kanya, hanggang halos magkadikit na yung balikat namin.
Biglang naging mas conscious ako sa sarili ko. Sa paghinga ko, sa pag lakad ko at sa presence niya.
“Sorry,” bulong ko.
“Walang problema,” sagot niya agad.
Then silence again.
Pagdaan namin sa hallway na medyo covered, may ibang students na nakatingin sa amin.
May mga nagbubulungan pa.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas humigpit yung hawak ko sa strap ng bag ko.
“Ang sweet nila oh,” narinig kong bulong ng isang babae sa gilid, nanigas ako.
Sweet?
Ha?
Kami?
Napatingin ako kay Jace, pero hindi siya nagreact.
Parang wala siyang narinig.
O… sanay lang siya.
Pero ako!?? No, hindi.
Tumawid kami sa mas malawak na pathway papunta sa gate. Mas malakas yung ulan dito, kaya mas lumapit siya ng kaunti sa akin para masakop ako ng payong.
Yung proximity… sobrang lapit na.
Ramdam ko na yung init ng presence niya kahit malamig yung paligid.
“Jace,” bigla kong sabi, hindi ko rin alam bakit.
“Mm?”
“Bakit ka… nag-share ng payong?”
Napatingin siya sa akin saglit.
Tapos bumalik ulit yung tingin niya sa daan.
“May tao ka pa bang hihintayin na sumabay sa’yo?” tanong niya imbes na sumagot agad.
Umiling ako. “Wala.”
“Then okay lang.”
Simple lang yung sagot niya.
Pero hindi pa rin ako satisfied.
“Pero pwede mo naman akong iwan dito, I mean”
“Hindi ka naman makakauwi ng basa,” putol niya.
Tapos tumingin siya sa akin ulit, mas diretso this time.
“Normal lang ‘to.”
Normal?? Bakit parang hindi normal sa akin?” Huminga ako ng malalim.
“Okay,” sabi ko na lang.
Pero habang sinasabi ko yun, napansin ko na hindi siya lumalayo.
Hindi awkward. Hindi rin deliberate na sobrang lapit.
Every step, I'm aware and every movement, I'm aware too.
Hanggang sa makarating kami sa gate.
Doon, humina na yung ulan ng konti, pero basa pa rin ang paligid.
Huminto siya. “Dito ka na ba?” tanong niya.
Tumingin ako sa labas ng gate. Pwede na akong umalis dito pero parang may small part sa akin na gustong pahabain ‘to kahit ilang segundo lang.
“Oo,” sagot ko, pero hindi ako agad gumalaw.
Inangat niya yung payong ng kaunti para makita ako ng maayos.
“Ingat ka pa-uwi,” he simple said.
“Salamat,” sagot ko.
Tumango siya tapos akmang aalis na siya, pero bago pa siya tumalikod, napansin ko yung maliit na pause niya. Parang may gusto pa siyang sabihin.
“Jace,” tawag ko ulit.
Huminto siya.“Mm?”
Nag-atubili ako akong sumagot.“Uhm… salamat talaga sa payong ahh.”
Sandali siyang tumingin sa akin tapos...bahagyang tumango.
“Walang anuman, Celeste. ”Then he turned away.
Naglakad na siya pabalik sa loob ng school.
Ako naman, nakatayo pa rin sa gate, hawak yung bag ko, basa ang paligid, at yung payong niya… wala na.
Pero yung feeling? Hindi nawala.
Habang naglalakad ako pauwi, paulit-ulit kong iniisip yung isang bagay.
Bakit parang yung simpleng pag-share ng payong…
Parang mas mabigat pa sa ulan na bumagsak kanina?