CHAPTER 18: MY BOY

1131 Words
"Alam nyo bagay kayong dalawa" sabi nung MC na katambal ni Bryce. "Diba pakner?" dagdag nyang tanong sabay tingin kay Bryce. "Huh? Ano?" tanong ni Bryce "Si Pakner, kinilig ata masyado na speechless na" biro nung MC, hahaha kinilig daw, selos to the max yan kaya na speechless. "Ano ba sabi mo?" tanong ni Bryce "Di ba sabi ko bagay silang dalawa" sabi ulit nung MC sabay turo kay Kira at Kevin. "Ah, oo" matipid na sagot ni Bryce. "Pakner, kanina energetic na energetic ka, ngayon para nadrain lahat ng powers mo" pabirong sabi nung MC "Ah haha, palakpakan!!!" sabi na lang ni Bryce kaya napatawa ako, nagpalakpakan naman nga yung mga uto u***g viewers. Pagkatapos ng lahatang perform na sinalihan ni Kira, patuloy lang sa pagpeperform yung ibang club sa mga performance nila, kami naman kumain muna, sama sama kami nila Kuya Dean, Ate Ace, Kevin,Bryce at Kira, habang nakain ang ganda panoodin ni Kevin at Kira ang sweet kasi ni Kevin kay Kira. "Ah ngapala bago ko makalimutan, Kevin kuya ko ngapala" pakilala ni Kira kay Kevin sa kuya nya "Ay, hello po Kuya" nakangiting sabi naman ni Kevin "Kira, nililigawan ka nya ano?" tanong ni Kuya Dean "Pano mo nalaman kuya?" tanong ni Kira "Halata naman sa kilos nya, sus pinagdaanan ko din yan" pabirong sagot ng Kuya nya "Ikaw Bryce, pansin ko hindi mo ginagalaw yang pagkain mo? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni ate ace. "Hindi, wala lang ako gana" sagot ni Bryce "Ang bilis talaga mag bago ng mood mo" sabi naman ni Kevin kaya bahagya ako napangiti, kung di nya alam sya dahilan kung bakit nababadtrip si Bryce.  "Umuwi ka na kaya" sabi naman ni Kira  "Ayaw ko" sagot ni Bryce "Hayaan nyo na lang, pag talaga dinaanan ng pagkakaltok sagad hanggang buto" sabi n ate ace. Kinagabihan, sobrang daming tao dito sa stadium, lahat ng teachers, faculty members andito din, kanina pa nagsasayawan hanggang ngayon wala pa si Kira saka si Kevin wala din, samantalang kami ni Bryce kanina pa andito, si Bryce naman nagsosol dun sa kabilang table, madami dami na nga yata naiinom kumag na yun eh, ako naman kasi ay taka, aamin na nga lang hindi pa makaamin tapos iinom inom, nagpapakahirap sa sarili, mas inuuna pa kasi pride nya, aayaw papatalo kay Kira. "As of tonight may special performance na hinanda ang Dance Club" sabi nung host nitong party. "Whooooooo, Kira Kevin!!!!!!!!!!" sigawan ng studyante "Tama!!!!!!" tuwang sabi nung MC, ah kaya pala wala sila naghahanda pala sa isa na namang sayaw, sabi ko na eh, pagtatambalin na naman sila. "Wag na natin patagalin, pagkatapos nila sumayaw papayuhan tayo ng isang Engr. na graduate dito sa school na to about sa Love, oh diba, alam ko lahat kayo makakarelate sa speech nya mga mukhang love kayo eh" pabirong sabi nung MC "Wag na natin patagalin, please welcome Kira & Kevin" sabi nung MC, palakpakan naman lahat ng andito. Ano na naman kaya pasabog nilang performance, pagkalabas ni Kira at Kevin backstage, napanganga ako kasi yung suot ni Kira labas yung tyan nya, tapos ang gwapo ni Kevin din dun sa style nya, omoonaaa bagay na bagay talaga sila, maya maya pa. /MA BOY/ (For the step kindly search my boy by Sistar, tapos imagine nyo na lang na kasama si Kevin haha) Sigawan na naman pagkasimula nung tugtog, kahit pang babae yung sayaw bagay na bagay kay Kevin, panglalaki pa din galaw nya,samantalang si Kira napapailing na lang ako, ang ganda nya talaga, kung di lang sya pinag aagawan ni Bryce at Kevin nakisawsaw na din ako eh, sino ba naman hindi maiinlove sa kanya, pagdating ng chorus pumunta agad si Kevin sa may likuran ni Kira tapos humawak sya dun sa baywang tapos sabay silang dalawa nag body wave, kaya napatili mga manonood,napatakip naman ako sa bibig ko sabay tingin kay Bryce. Lumapit naman ako sa pwesto ni Bryce at nakiinom ng wine na iniinom nya. "Ang galing nila gumiling ah" pabiro kong sabi kay Bryce na badtrip na badtrip. "Panis yang giling nila pag ako gumiling kay Kira" seryoso nyang sabi, gusto ko sana sabihin sa kanya na wag nya lang kalimutan mag pahid ng linement pag gumiling sya para hindi mangalas buto nya kaso baka maihampas sakin yung goblet na hawak nya, pagdating ulit dun sa chorus, humawak ulit si Kevin sa baywang ni Kira sabay body wave ulit, kaya yung mga ibang studyante hindi magkaintindihan sa pagtili. "Bryce, kung ako sayo aamin na ako" "Aamin naman talaga ako, nakuha lang ako ng tyempo" seryoso nyang sabi. "Damang dama ni Kevin pagtouch nya sa baywang ni Kira ah, bakit kasi labas tyan nya?" pabiro ko na lang tanong "Malaman ko lang kung sino nagpakana magpasuot ng ganyan kay Kira pugot sakin yun" seryoso nya ulit sabi kaya napapalunok na lang ako ng laway, sobrang seryoso nya, badtrip na badtrip talaga. "Bryce, baka naman malasing ka na naman ha, kanina ka pa nainom" sabi ko na lang sa kanya, hindi na nya ako sinagot at patuloy nanood kay Kira at Kevin habang inom ng inom, yung pag inom na lang ni Bryce ang pinapanood ko salip na kela Kira. "Sa tingin mo sila na kaya?" biglang tanong ni Bryce "Hindi ko alam, may nasasabi ba si Kira sayo?" tanong ko "Wala naman, pakiramdam ko kasi sila na eh" sagot nya, kaya napatingin ako kay Kevin at Kira, ang ganda pa ng ngitian nila habang nasayaw, ano ba yan, oo bagay si Kira at Kevin pero sige na nga mas bagay si Kira at Bryce, ako ang sya nahihirapan sa sitwasyon ni Bryce eh, kakastress, im sure pati si author stress na din haha. Pagkatapos sumayaw ni Kira at Kevin. "Alam nyo para talaga kayong couple, kayo ba?" tanong nung MC "Hindi pa po" sagot naman ni Kevin nung tinapat sa kanya yung mike "Hindi pa? So means nililigawan mo?" tanong ulit. "Opo" sagot ulit ni Kevin "Ay Kira bakit hindi mo pa sinasagot?" tanong nung MC, bahagya naman napatingin si Kira dito sa pwesto namin ni Bryce kaso hindi kita ni Bryce na tumingin dito si Kira kasi nagsasalin ng alak dun sa goblet nya. "Bakit Ms.Kira?" tanong ulit ni MC "Hindi ko po alam" pabirong sabi ni Kira. "Kissssssssssssssssss" sigawan dito sa buong stadium, bahagyang nagkatinginan naman si Kevin at Kira, inubos naman agad ni Bryce yung alak sa goblet nya tapos tumayo at lumabas. "Dali naaaaaaaaaa" sigawan ulit, tapos biglang kiniss ni Kevin si Kira sa cheeks kaya sigawan mga andito sa stadium. "Yan, cheeks muna saka na sa lips pag sila na" sabi nung MC, tapos nag bow muna si Kira at Kevin saka bumalik na backstage. "Now, yung pinakahihintay natin please welcome Big Brother ni princess Kira, Mr. Dean Alonzo" pakilala nung MC.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD