CHAPTER 14: KISSING BOOTH

1162 Words
*KIRA POV* Habang nagpapahinga, napatingin naman ako kay Cyrus na problemado. "Bakit parang ang laki ng problema mo?" tanong ko sa kanya. "Iniisip ko lang kung ano ang feeling kapag madami na nanonood satin bukas, first time ko umacting, puro kasi kami kanta kaya hindi ko alam kung kakayanin ko bukas pag madaming nanonood" sabi nya "Ano ka ba? Kaya mo yan, ako nga din eh, first time ko umacting at sumayaw in public, dati sa harap lang ako ng salamin naacting at nasayaw kaya medyo kinakabahan din ako, ay hangapala ano yung pinaguusapan nyo ni Bryce kanina?" tanong ko "Wala, usapang lalaki" sabi nya sabay ayos ng upo. "Share, share naman" pabiro kong sabi sa kanya "Pagkatapos ng play bukas, papagupit na ako agad ng buhok" iba nya ng usapan "Yahh, wala na change topic na" sabi ko sa kanya "Wag mo na kasi alamin, hayaan mo mangyayari din yun bukas bukas" sabi nya kaya mas lalo ako maconfuse "Mangyayari?" tanong ko "Wala!!" sagot nya sabay tayo "Oyy! San ka pupunta?" asar kong tanong. "Uuwi na malamang, ano pa ba gagawin natin dito? Baka mamaya inaantay ka na ng babe mo, may lakad kayo diba?" sabi nya, ay oo nga no? Muntik ko na makalimutan lakad namin ni Bryce, napatingin naman ako sa relo ko pass 5pm na, kaya agad ako tumayo at nilikom gamit ko. "Kitakits bukas" sabi ko na lang kay Cyrus, sabay takbo pauwi, pagdating ko sa bahay, wala si Bryce, san kaya taong yun. "Bryce!!!!" sigaw ko, kaso wala nasagot. Agad naman ako umakyat sa kwarto namin at nagpalit, saka ako pumunta sa likod ng bahay, pagkabukas ko ng pinto- "Hoyyyy! Kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka nasagot, andyan ka lang pala" sabi ko, hindi ko naman maalis mata ko sa kanya, bakit kasi ngayon ko lang napagtanto na ang gwapo pala ng hinapugak na to, siguro masyado lang talaga ako busy sa kakalaro dati kaya hindi ko sya napapansin. "Tignan mo kasi yun oh" sabi nya, kaya lumapit ako sa kanya. "Alin?" tanong ko habang tinatanaw ko yung tinitignan nya. "Ayun oh!" sabi nya "Asan nga hindi ko makita" asar kong sagot. Pinihit nga naman bahagya yung ulo ko, natawa na lang ako nung nakita ko yung mga butiki na nagmamating, tinanggal ko naman yung kamay nya sa ulo ko at binatukan ko sya ng isa. "Ikaw wala ka talaga magawa ano? Pati butiki pinapatos mo na panoodin" sabi ko, tawang tawa naman sya. "Ang tagal mo kasi, kanina pa ako naghihintay sayo eh" sabi nya. "Nagfinalize pa kasi kami ng practice, tinanggal kasi nila yung kissing scene, pinalitan ng ibang scene" paliwanag ko, biglang liwanag naman mukha ni Bryce "Talaga?? Ibig sabihin hindi na kayo magkikiss?" agad nyang tanong, umiling iling naman ako, tapos sya napangiti "Bat parang tuwang tuwa ka pa?" tanong ko "Wala lAng, tara na" sabi nya, tapos pahop hop pa syang pumunta dun sa may gate. Habang naorder sya ng pagkain, napaub -ob naman ako dito sa may lamesa, kinakabahan ako para bukas, una sa Drama Club sunod sa Dance club tapos seniors night pa sa gabi, may sayaw pa kaming isa ni Kevin, sakit na din ng ulo ko pati ba naman katawan. "Mukhang ayaw mo naman yata ako kasama eh, mas gusto mo yata si Kevin kasama, simangot na simangot ka dyan" sabi ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi, mas masaya ka nga kasama eh" sabi ko kaya napangiti si kumag, "Sino mas gusto mo kasama sya o ako?" tanong nya ulit. "Ikaw, hindi kasi ako naiilang sayo, pag kay Kevin medyo nakakahiya" sagot ko "Ganun?" tanong nya "Oo, walanghiya ka kasi" sagot ko, sumimangot naman sya sakin "Joke lang" dagdag ko sabay tawa. "Mam, Sir here's your order" sabi nung waitress, tapos pinatong na  nya yung pagkain dito sa lamesa namin. "May may promo po kami, baka gusto nyo po mag avail" dagdag nung waitress. "Ano pong promo?" tanong ni Bryce "Couple po ba kayo?" tanong nung babae "Ah hi---" "Opo, ano po bang promo yan?" putol ni Bryce sa sinasabi ko, kaya napatingin ako sa kanya, nakangiting nakikipag usap pa sya dun sa babae. "Yun po mam, sir saktong sakto po, mag tatake lang po kayo ng pic dun sa kissing booth namin tapos ipipin nyo po yung pic nyo dun sa board, may libre na po kayong isang XL      Pizza Overload" sabi nung babae. "Okay sige" sabi ni Bryce sabay tayo, kaya napatingin ako sa kanya. "Sige po sir, iseserve na po namin yung pizza while nagpapapic po kayo ni mam" sabi ulit nung babae, nginitian naman sya ni Bryce. "Tara" nakangiting sabi din  nya sakin, kaya tumayo na lang din ako, para sa ngalan ng pizza, pagdating namin sa booth, sinuot nya sakin yung headband na may heart, kaya sinuot ko naman sa kanya yung headband na may sungay. "Bakit sungay?" asar nyang tanong sakin "Fit sa personality mo eh" biro ko sa kanya "Mam, sir dito po tingin" sabi nung photographer, tapos nagtabi kami ni Bryce at nag peace pose. "Ay? Couple po ba talaga kayo? Bakit peace sign? Yung ibang nagpopose dito ang sw------" di pa man nakakatapos magsalita yung photographer hinawakan na agad ni Bryce mukha ko sabay halik sa labi ko kaya nanlaki mata ko. "Ay ang wild ni sir, yan ang gusto namin dito" tuwang sabi nung photographer, kaya habang nakahalik sakin si Bryce kinuhaan kami ng picture nung photographer. Pagkatapos kaming picturan, unti unti ng kumalas sa lips ko si Bryce sabay ngiti sakin, hindi naman ako makangiti pabalik sa kanya dahil sobrang nagtititibok ng malakas yung puso ko. "Rereklamo pang hindi sweet eh" kinig kong bulong ni Bryce. "Mam, sir ito na pic nyo, ipaskil nyo na lang po dun sa board" sabi nung photographer habang inaabot kay Brycw yung pic. "Be strong mam sir" dagdag nung photographer kaya ngumiti si Bryce. "Mauna ka na umupo, ako na magpapaskil neto" sabi ni Bryce sakin kaya tinanguan ko sya, bago pa man ako lumiko dito sa may sulok, tinignan ko ulit si Bryce, nakangiti sya habang nakatingin dun sa picture namin, kaya napangiti din ako, pagkaupo ko dito sa table namin, legit yung xl pizza overload. "Wow!!" hanggang tengang ngiti ni Bryce "Tignan mo, naka xl pizza pa tayo" dagdag nya kaya ngumiti ako. "Kain na tayo" sabi nya ulit, habang nakain kami pinapanood ko naman sya, yung hindi maalis ngiti nya kahit nakain. Feeling ko talaga couple kami eh, yung ang saya sa pakiramdam. Kahapon hindi man lang ako makaramdam ng ganto kay Kevin, pero hindi ko naman alam kung parehas kami ng nararamdaman ni Bryce, baka mamaya ako lang pala, kaya mas magandang manahimik na lang. "Mam, sir additional free large drink" sabi nung waitress "Sobra sobra na to, bakit may paganto pa?" tanong ni Bryce "Kayo po ang couple of the year namin, kayo lang po ang nagkiss sa lahat ng couple na nagpapic samin" sabi nung babae kaya napangiti si Bryce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD