(Rox's POV)
After doing anything that I can do on our house ay dumiretso na agad ako sa basement ng mansion namin. The basement of our house is also divided into two, the one is a car park and the other one is a special place for me and for my family. Our family was a family of computer genius, simula kay Dad, kay Mom, kay Ate, at kay Kuya. Kaya nga tuwang-tuwa rin ako kay Xion kasi ganoon din siya even her Mom and she somewhat reminds me of my Mom or my Ate. Youngest naman ako sa aming tatlong magkakapatid, at dahil nga computer is our life ganoon din ang nature ng family business namin.
Sa totoo lang ay nami-miss ko ng magtambay dito kasama sila, hindi naman kasi lahat ay may kapareho mo ng hilig at sila lang din naman ang gusto kong makasama. Noon ngang namatay sila ay nahirapan akong mag-adjust, ilang buwan din akong hindi humawak ng kahit anong related sa computer. Mahirap din kasi kapag bigla na lang nangyari ang mga bagay na hindi mo inaasahan, sabagay kaya nga hindi mo inaasahan kasi biglaan. Nilibot ko lang din ang paborito naming tambayan before I decided going to our company.
I'm also working hard para maibalik sa ayos ang mga business and properties namin dahil importante rin para sa akin lahat ng ito. Napagpasyahan din kasi naming goddesses na mag-merge ng companies na lang din. At ngayong nakuha na namin ang mga ari-arian namin, siguro nga pwedeng-pwede na kaming mag-merge companies.
"Ms. Seijuro? Kamusta?" agad na salubong sa akin ng isang lalaki.
Agad din akong napalingon at napatingin sa bumati sa akin na agad din namang ngumiti.
"I bet you have already forgotten me. Anyway, I am Brylan," he said again.
"Okay? And then what?" I just ask.
He’s Brylan. my ex. Nakakatawa na lang talaga dahil hindi ko akalain na makikita ko siya rito.
"Nandito ako para sa business, at buti na lang din na nandito ka. Would you mind if we talk about this?" Brylan answered.
Agad din namang napataas ang kilay ko dahil sa kanya, manhid ba siya? I’m not bitter dahil may nararamdaman pa ako sa kanya, I am bitter dahil hindi ko na gustong magkaroon pa ng koneksyon sa kanya. Hindi ko na nga rin gustong makausap siya. I can cancel him to my life whenever I want to.
"I won't mind if you just leave and don't ever come back here," I just said.
Tiningnan ko lang din naman agad siya ng masama saka ko sinenyasan ang guard na palabasin siya, agad naman siyang sinamahan palabas ng mga guard at wala na rin siyang nagawa dahil doon. Ang kapal talaga ng muka niyang magpakita dito, for all I know pera pa rin ang habol niya sa akin. Akala ba niya ay maloloko niya pa ako? No way, ngayon pa ba? Ngayon pa na natauhan na ako. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang din ako sa office ko.
"Nakita mo si Brylan ano?" Agatha ask pagpasok na pagpasok ko pa lang sa office ko.
She’s my secretary since then, mas matanda rin siya sa akin but were not okay with formalities kaya parang magka-edad lang kami kung magturingan.
"Oo, ang kapal nga ng muka na makipagusap sa akin na parang hindi niya ako ginago noon. Akala niya ba ay bobo pa rin ako? No way," I just said.
Natawa naman siya kaagad dahil sa sinabi ko kaya natawa na lang din ako.
"Relax, sayang ang ganda. Hayaan mo na ang damuho na ‘yon," Agatha said again.
Umalis na rin siya kaagad kaya napabuntunghininga na lang din ako. Makapag-trabaho na nga lang, kaysa naman ma-badtrip lalo ako sa bwisit na lalaking ‘yon.
(Oxy's pov)
Nagluto lang ako ng maraming pagkain sa bahay para sa mga maids and butlers namin na palagi kong ginagawa sa kanila mula pa noon, bago ako pumunta sa main branch ng restaurant namin. Its also our family business dahil nasa bloodline na namin ang pagluluto.
Since young ay ito na ang hilig ko, nagiisa lang din naman akong anak kaya napagtuunan din ng pansin nina Mom and Dad na ituro sa akin ang lahat ng alam nila sa pagluluto na nagmula pa sa mga ninuno namin. Nasabi ko na rin bang bukod sa pagluluto dito sa restaurant ay may cooking show rin ako sa TV station nila Sam? Naka-pirma rin ako ng contract sa talent agency nila. Regular din ang shows ko noon sa kanila pero dahil nga nasa pilipinas kami kaya tumigil ako sa cooking shows na ginagawa namin.
Cooking is my life, this is our family’s life and eating is for Gail and Rox. Noon ngang namatay ang parents ko ay nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pagluluto. But I still manage to go back cooking dahil ito ang bagay na hinding-hindi ko kayang talikuran.
Nangarap din kasi ako noon na maging chef sa sarili kong restaurant at sila Mom and Dad sana ang unang titikim ng mga niluto ko, pero wala na sila, kinuha sila ng maaga sa akin. Kaya naisip ko rin na siguro saka ko na tutuparin ‘yong sarili kong restaurant magfo-focus na lang ako dito dahil sa akin pa rin naman ito.
"Idol? Kamusta?" agad na salubong ni Amy sa akin pagpasok ko ng office ko dito sa resto.
Siya kasi ang namamahala dito habang wala ako. She's a chef like me at nagkakasundo rin kami dahil sa pagluluto.
"Okay naman ako, ikaw kamusta? Kamusta kayo dito?" I ask.
Naupo rin agad ako sa may swivel chair sa office habang nakaupo siya sa sarili niyang table.
"Naks, buti naman okay ka. Okay lang din naman kami dito, at infairness ang tagal nating hindi nagkita," Amy answered kaya natawa na lang din ako.
"Na-miss ko nga rito e," I said again.
"Nandyan ang mga dati mong costumer, cook for them if you want. Sigurado akong matutuwa rin sila kapag nakita ka," Amy said again.
"Really? I think that's a great idea," I answered.
Ngumiti lang din naman siya sa akin kaya tumayo na ako at nagbihis saka pumasok sa kusina para magsimula na sa pagtatrabaho.
(Unix's POV)
Wala akong ginawa kung hindi ang tumugtog maghapon, na hindi ko rin naman kinasasawaan. Ang musika ang isang bagay na hindi na mawawala sa akin mula noon hanggang ngayon. Isa pa ay pamilya na talaga kami ng mga musician, my father was a composer and my Mom was a singer, may banda rin sila dati at kilala silang mga batikang musikero at musikera.
Simula pagkabata ay musika na rin ang nakamulatan ko, sabi nga nila I was born in my very own melody that started with my family. Dahil doon ay nasa ganoong linya rin ang businesses namin, pero hindi lang din ‘yon ang business namin syempre, we have another type of business also. After kong magingay sa bahay, I also decided to go sa studio nila Sam na-miss ko rin kasi dito.
"Unix? Kamusta? Ang tagal mong hindi dumalaw dito," agad na bati ni sir Augustus sa akin pagpasok ko sa studio niya.
"Sir? Kamusta? Nabanggit ko naman po na nasa pilipinas kami hindi ba?" I answered saka ako yumukod sa kanya.
Kagaya ng alam ng lahat ay singer ako, at isa ako sa mga talent nila Sam. Music is my only medicine noong mga panahong I badly needed something to rely on and its the only way of saying those words that I cant say or express. Iyon ang dahilan kaya talagang kinarir ko ang singing. Noon nga ay si Dad ang composer ng mga kanta ko, ngunit ngayon si sir Augustus na, he’s also a filipino composer.
"Halika, mag-record tayo marami akong naisulat na dito. Hinihintay talaga kita dahil para sayo talaga ang mga ito," sir Augustus said to me.
Pumasok na lang din agad kami sa recording studio saka niya ipinakita sa akin ang mga composition niya.
(Sam's POV)
After visiting our house ay dumiretso na lang din ako sa studio namin. Dito kung si Dane ay model at si Unix ay singer, ako ay isang dancer and actress. Nasa linya na rin ng pamilya namin ang pag-arte, that's why ito rin ang nature ng business namin. My father and mother was an actor and actress too, si Dad ay director din si Mom naman ang humahawak ng mga talent namin kaya siguro nahubog na rin ako sa ganitong mga bagay.
"Miss Sarah? Idol!" agad na hiyaw ni Steff ng makita niya ako.
"How are you? Dumalaw na ba rito sina Dane at Unix?" I immediately ask saka ko siya niyakap.
"I'm fine, syempre. Ms. Dane is here also with her cousin, si Ms. Unix naman ay naroon sa studio kasama ni sir Augustus," Steff answered.
"I see, come? let's visit everyone here," I just said also saka kami lumakad.
Steff is one of our talents too, actress rin siya like me at madalas ko rin siyang makasama sa mga palabas ko noon. Sinamahan niya naman kaagad ako kaya inikot na lang namin kaagad ang buong building para makita ang lahat. Dumaan din kami doon sa recording studio ni Mr. Augustus at narinig ko na naman doon ang napaka-gandang boses ni Unix, si Dane naman ay tinuturuan si ate Selene kung paano maglakad ang modelo ng mapadaan din kami sa kanila. Hindi ko na lang din sila inistorbo, nageenjoy kasi sila, makikita ko pa rin naman sila bukas.
"Iyong cooking show ni Ms. Oxy naka-ere na, gusto mong mag-guest? Kararating niya lang din daw dito sa studio at guest din siya doon," Steff said to me.
Hinila ko naman agad siya papunta sa studio kung saan ginaganap ang cooking show. Pagdating niya ay sinenyasan niya rin agad ang director ng show na nandito rin ako, kaya in-announce na agad nila na may isa pang surprise guest bukod kay Oxy saka ako pumasok sa eksena. Tuwang-tuwa naman si Oxy na makita ako kaya niyakap ko na lang din siya ng salubungin niya ako. I miss this one, ganito lang din naman ang buhay namin noon pa man kaya nakakamiss talaga ang ganito.
Pinagluto lang din naman nila si Oxy kagaya ng palagi nilang ginagawa, I was also just beside her talking with the host and helping at the same time. Mayamaya naman ay mas nagulat ang mga audience when Dane came with Unix. Pina-akyat lang din sila dito sa stage with us, sila naman ang kinausap ng host habang busy pa rin kami ni Oxy sa ginagawa niyang pagluluto but we still talk to them also. Nakakamiss at the same time ay nakakatuwa ang ganito, ang saya.
(Xion's POV)
Napakamot na lang ako sa ulo ko ng maabutan ko si Shonen na nanonood ng cooking show ni Oxy, talagang kumuha pa siya ng popcorn at naupo doon sa sala para lang panoorin ‘yon samantalang marami kaming gagawin.
"Shonen? Tara na marami tayong gagawin," pangaabala ko sa kanya.
"Neo-chan minsan lang to, can't you see that? They are happy, I was expecting na magkukulong na naman sila kagaya noon at iiyak pero look at them now," Shonen just answered.
"Alam ko Shonen, kaya nga gawin na natin to habang busy sila at least I wont be worried about them now. We need to move," I answered.
Napalingon naman agad siya sa akin dahil doon sabay tayo, wala na rin siyang nagawa kaya kumilos na siya. He just wear his coat at pinag-drive niya na ako pupunta sa residence kung saan ang hideout namin.
"Empress," bati ng lahat ng mga tauhan namin sabay yukod sa akin.
Dito sa Japan ordinaryong tao lang kami pero we have the main branch of our organization here. Ito rin ang pinakamalaki sa lahat ng branches namin at si Shonen ang namamahala ng lahat dito. He’s one of us pati na ang mga namamahala ng mga ari-arian namin dito.
Kung tutuusin wala naman akong masyadong mga ari-arian dito, nagkaroon lang dahil nag-provide ako para na rin sa aming lahat at ito lang ang matatawag kong sa akin talaga. Kapag wala ako sa pilipinas ay dito mo lang ako makikita kasama ng mga goddesses, pabalik-balik lang din kasi kami dito sa Japan at sa pilipinas.
Sa ngayon, Kagami clan is still existing taliwas sa iniisip ng iba na buwag na ito but now its part of my organization. I manage to maintain the clan and I raise this organization with my goddesses and my Kings and Queens, at isa nga si Shonen doon Kings and Queens kasi ang tawag ko sa namamahala ng mga branches ng organization namin.
Since the day that I thougth that I was abandoned, I grew up being just an assassin. Sa mga Kagami rin ako nagsanay kasama ang mga goddesses ng akalain ko naman na patay na ang mga Perez. Sa ngayon nanatiling matatag at malakas ang organization, dito rin kami naka-depende noong mga panahong kaylangan namin ng kakapitan.
At ang goddesses ko ang mga top assassins namin, kagaya ng pagiging top organization ng assassin organization namin. Sa lahat din ng branch namin ay iba-iba ang tawag sa mga babae at lalaking assassins, serpents ang tawag sa mga lalaki at phoenix ang tawag sa mga babae at lahat din sila ay may mga codename. At may iba-iba ring tawag sa ibat-iba naming branch.
Nagpatuloy na kami ni Shonen sa lakad namin marami pa kaming gagawin, simula kasi ng maitatag ang organization ay mas dumami na rin ang trabaho kaya madalas habang nagsasaya ang goddesses ay nagtatrabaho ako. Expected ko na rin namang hindi agad uuwi ang mga goddesses ko, kaya alam kong kami pa rin ni Shonen ang magkasama hanggang sa mapagpasyahan na nilang bumalik. Kapag narinig na naman ni Shonen na tinawag ko silang goddesses ko malamang ay mag-selos na naman siya. I just used to call them goddesses ko dahil sa akin lang naman talaga sila, no one can get them away from me because we are one.