Chapter 24: Pagsuko

2775 Words
Yeon-min's POV Gaya ng sa past week ay sabay pa rin kami ni Seol-hee na sumakay ng bus pagpasok sa school. Minsan pumupunta na rin siya sa bahay ko para gumawa ng project at ibang school works, minsan naman ay ako ang pumupunta sa bahay nila. Habang hinihintay ko si Seol-hee sa sofa nila ay nagdesisyon akong magscroll muna sa social media. Tinignan ko lang ang mga notification ko pati ang mga messages ko at konti lang din naman kaya natapos rin ako sa pagchecheck nang bumaba na si Seol-hee nang nakapaghanda na siya. Siya lagi kasi ang hinihintay eh. Dahil magskin care pa siya pati mag memake up. "Tara na," sabi niya at tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko sa sofa nila. "Ma punta na kami," paalam ni Seol-hee. "Tita punta na po kami," paalam ko naman. "Sige, pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo ha," sabi lang naman ni tita. "Opo," sagot ko naman bago kami tuluyang maglakad palabas ng bahay nila. Naglakad pa nga kami papunta sa bus stop. At ilang sandali pa nga ay meron na ang bus kaya sumakay na rin naman kami ni Seol-hee sa bus. Meron na ring laman ang beep card ko para sa pagsakay sa bus. Magkatabi lang kami na nakaupo sa bus, nakatingin lang ako sa bintana ng bus habang si Seol-hee naman ay nakafocus lang sa cellphone niya. Nang nagulat ako dahil sa sigaw niya. "Kyaahh!" sigaw niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Ako naman ay napatingin lang sa kanya nang sinimulan na niya akong yugyugin na para bang kinikilig. Nang napatingin siya sa paligid dahil nakakuha rin siya ng atensyon sa mga nakasabayan naming sumakay sa bus. Pati nga ang driver napalingon dahil sa sigaw niya. "Ah sorry po," sabi niya at humarap siya sa 'kin nang tanungin ko siya. "Ano bang meron?" nagtataka ko namang tanong. "Tignan mo," sabi niya at pinakita ang phone niya. Nakita ko naman na may nagpost ng picture ko at nakatag pa sa 'kin. "Siya yung heartthrob sa school 'di ba?" kinikilig pa rin na sabi ni Seol-hee. "Tapos?" naguguluhan kong tanong at binalik ang cellphone niya. "Girl may nagkakacrush sa 'yo na heartthrob hindi ka ba kinikilig dun?" tanong niya na halatang kinikilig pa rin. "Psh 'di niya ako crush," sabi ko pa. "Girl eh bakit pa ba siya magpopost ng picture mo na ganyan kapag hindi ka niya crush?" tanong pa niya dahilan para mapaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman pero bakit ako? For I know pinagkakaguluhan din siya ng maraming babae, heartthrob nga kasi. Pero bakit sa lahat ng babae na nagkakagusto sa kanya bakit sa akin pa siya nagkaroon ng crush. Tinignan ko nalang sa account ko ang post niya at pinusuan ko roon. "Kinikilig pa rin talaga ako sa inyo," sabi naman ni Seol-hee nang pababa na kami sa bus. "Para kang ewan Seol-hee," komento ko sa kanya habang naglalakad na kami papasok sa campus. "Aba bakit bagay naman kayo eh," sabi pa niya na halata pa rin ang kilig niya sa 'min. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko at natawa nalang konti kay Seol-hee. "Saka akala ko ba boto ka kay Kyung-so sa 'kin?" "Ah so si Kyung-so ang pinipili mo?" "Wala akong sinasabing ganyan ah," depensa ko naman sa sarili ko. "Kailangan mo ng mamili kung sino sa kanila ah," sabi ni Seol-hee na ikinatawa ko lang. "Pumili agad?" tanong ko naman na natatawa pa. "Si Kyung-so nga hindi na ako pinapansin eh tapos yung sinasabi mo naman hindi pa ako kinakausap," paliwanag ko. "Ah basta yung type mo lang," sabi pa ni Seol-hee na hindi ko nalang inintindi. Naglakad pa nga kami papunta sa first subject namin ngayong araw. Hanggang sa nakarating na kami ay naupo na rin kami sa upuan namin. Muli lang akong nagscroll sa social media. Iniisip ko pa rin yung lalaki na nagpost ng picture ko, talaga bang may gusto siya sa 'kin? Abala pa rin ako sa pag-iisip nun nang dumating na rin ang prof namin sa klase kaya tinago na rin namin ang mga cellphones namin at nag-ayos na ng upo. "Yung mga projects niyo," sabi lang ni prof kaya nilabas na rin namin ni Seol-hee ang mga projects na ginawa namin. May mga nagcocollect naman din para sa project kaya inabot na rin namin ito sa kanya nang makaabot na ito sa raw namin. At nang tapos na niyang macollect lahat ay nilagay na niya ito sa table ng prof. Saka nagpatuloy na rin sa pagdidiscuss at nang natapos na ang klase namin ay lumabas na rin kami sa room. Nang naglalakad pa kami ay may humarang sa daan ko dahilan ng sobrang pagkagulat ni Seol-hee na para bang nakakita siya ng multo. "Pwede ba kitang makausap?" Bago pa ako makasagot ay tinulak na ako ni Seol-hee sa kanya kaya napalapit tuloy katawan namin sa isa't-isa nang nahiya siyang umiwas ng tingin sa 'kin at kita ko pa siyang nagblush. "Usap na muna kayo riyan ha," sabi pa niya at naglakad na palayo. "San ka pupunta, Seol-hee?" tanong ko pa. "Dun lang," sagot nalang muli niya at kinindatan pa ako bago siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isang direksyon, palayo sa 'min. Napatingin naman ako sa kanya na hindi makatingin-tingin sa 'kin. "Ahh upo muna tayo," pag-alok ko naman kaya naghanap naman na kami ng pinakamalapit na mauupuan. Naupo naman kami ng magkatabi pero nahihiya pa rin siyang tumingin sa 'kin kaya ako na nagsalita. "So ano yun?" tanong ko naman. "Ahm nakikita kasi kita lagi sa open field," sabi niya na hindi pa rin makatingin-tingin sa 'kin. "Ahh oo, dun kasi ang tambayan namin ng best friend ko," sagot ko naman. "Ahm ano kasi..." nagkamot pa siya sa likod ng ulo niya dahil na rin siguro sa hindi niya mahanap ang salitang sasabihin sa 'kin. "Hmm?" tanong ko na waring hinihintay ang sasabihin niya. "P-pwede ko bang makuha number mo?" tanong niya. "Ah pwede naman," sagot ko at nilabas naman niya ang cellphone niya para ibigay sa 'kin para na rin malagay ko ang number ko roon. Binalik ko na nga ang phone niya nang tapos ko ng mailagay ang number ko sa phone niya. Kinuha naman din niya iyon agad at binalik sa bulsa ng pants niya. "So nakita mo siguro yung post ko," panimula niya ng topic. "Oo, nakatag sa 'kin eh," sagot ko lang din naman. "Major in photograph kasi ako," sabi niya na ikinatango ko. Yun naman pala eh kaya ako pinicturan- "At may crush kasi ako sa 'yo," kasabay nun ang pag-iwas muli niya ng tingin at pamumula ng tenga niya. "Nagblublush ka," sabi ko naman sa kanya dahil dun ay tinakpan niya ang tenga niya. "Hindi ah," sabi naman niya. "Maging comfortable ka na sa 'kin ano ka ba," sabi ko naman kaya napangiti nalang din siya ng komportable sa 'kin. "Ah sorry," sabi lang niya saka ngumiti sa 'kin. "So pano mo ako naging crush?" tanong ko naman sa kanya. "Lagi kasi kitang nakikitang nakaupo sa open field eh dun kami palaging nagprapractice ng soccer eh," sagot naman niya na ikinatango ko nalang din. Nagkwekwentuhan pa kami hanggang sa napatingin ako sa isang direksyon nang kita kobg may paparating sa kung nasan kami. Napatayo pa ako dahil sa pagkagulat. "K-Kyung-so?" Hindi niya ako pinansin at mas nagulat pa ako dahil hinawakan niya si Yoo-bin sa kwelyo. "Kyung-so, bitawan mo siya," sabi ko pero mukhang galit na galit siya. Pero ba't nga ba siya nagagalit? "Chill bro-" sabi niya pero sinuntok lang siya ni Kyung-so. "Chill mong mukha mo," sabi pa ni Kyung-so sa kanya. Tinulungan ko naman siyang tumayo saka humarap kay Kyung-so. "Ano bang problema mo!" galit kong tanong sa kanya. Eh bigla-bigla ba namang susugud. "Eh siya ano bang problema niya?" palusot niya pa. "Wala siyang ginagawang masama Kyung-so," sabi ko naman at inalalayan ng maglakad si Yoo-bin palayo sa kanya. Umupo nalang ulit kami sa isang bench, malayo kay Kyung-so. "Pagpasensyahan mo na si Kyung-so ha," sabi ko na ginagamot naman ang sugat niya. Syempre may dala akong first aid kit sa bag ko. "Okay lang," sagot niya. "Hindi ko nga alam kung ba't ganun nalang siya mag-react kanina," sabi ko habang ginagamot pa rin ang sugat niya. "Sa tingin ko may gusto siya sa 'yo," sabi niya na ikinatingin ko naman sa kanya. "Psh imposible," saad ko naman. Hindi nalang siya nagsalita hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko na gumagamot pa rin sa sugat niya. Nagulat naman ako dahil dun. "Ahm Yeon-min," pagtawag niya sa 'kin saka niya binitawan ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. "Ano yun?" nagtataka ko namang tanong. "P-pwede ba kitang mainvite sa Saturday?" tanong niya na halatang ninenerbiyos pa. "Sure," sagot ko at hindi naman maipaliwanag ang saya niya ngayon. "Talaga?" tanong niya buhat ng pagkagalak. "Oo naman, saka wala naman din akong gagawin sa Saturday," sagot ko lang. At dahil nga dun ay nayakap niya ako. "Thank you." Pansin na rin niya yata ang pagkabigla ko kaya kumalas na rin siya sa yakap sa 'kin. "Ah sorry," saka sabi niya. Nang sabay na kaming pumunta sa sunod naming klase, pinaliwanag ko na rin kay Seol-hee na kaklase namin si Yoo-bin sa lahat ng subject. Nakarating ako sa bahay nang uwian na namin at nagpreprepare na si mama ng panghapunan namin. Umakyat naman din ako agad sa kwarto ko. Binuksan ko na muna ang cellphone ko nang nagchat siya sa f*******: ko. 'Goodnight,' sabi niya at may kiss emoji pa rito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito, nagtataka pa rin talaga ako bakit sinugod nalang ni Kyung-so si Yoo-bin kanina. Hindi ko siya nireplyan at ilang sandali pa ay tinawag na ako para kumain kaya bumaba nalang din ako para kumain. Tahimik lang ako habang nakatulalang kumakain habang nag-uusap-usap sila sa lamesa nang bigla akong natauhan ng isigaw ni mama ang pangalan ko. "Amaya!" sigaw niya kaya nagulat naman ako. "Ba't ka ba sumisigaw ma?" nagtataka ko namang tanong. "Aba kanina ka pa kinakausap ng mama mo hindi ka sumasagot," sabi naman sa 'kin ni papa. "Ahh sorry po may iniisip lang," palusot ko naman. "Ano bang iniisip mo at pati sarili mong ina 'di mo pinapansin?" tanong pa ni mama sa 'kin. "Ahh..." tumingin-tingin ako sa paligid para makahanap ng salitang idadahilan ko nang singitan ako ni papa. "Baka pagod lang siya. Amaya akyat ka nalang sa kwarto mo kung pagod ka," sabi naman ni papa. "Ah sige po akyat na ako," paalam ko naman kahit na hindi pa ako tapos sa kinakain ko. Pag-akyat ko sa kwarto ay ginawa ko na rin ang ilan naming assignments at projects hanggang sa tignan ko ang oras sa phone ko ay 9 na pala, 'di ko man lang namamalayan. At hindi ko rin maintindihan kung bakit nagcrecrave ako ng something na hindi ko rin naman matukoy kung ano yun kaya lumabas nalang muna ako ng bahay para magpunta sa isang tindahan. Tulog na rin naman silang lahat sa bahay kaya lumabas nalang ako kahit hindi ko sinasabi. Nang makapunta na ako sa tindahan malapit sa 'min ay nagtingin-tingin pa ako sa mga tinitinda nila para madetermine ko kung saan nga ba ako nagcrecrave. At parang nagsparkle ang mata ko nang makakita ako ng ice cream. Bumili na ako ng madami para naman masatisfy ang cravings ko. Nakangiti na ako habang naglalakad pauwi pero 'di ko maintindihan yung feeling ko ngayon. Napawi ang ngiti ko at napatigil sa paglalakad saka napatingin sa gilid ko nang makitang bar ito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit napatigil ako rito, parang may something na pumipigil sa 'kin. Pumasok naman ako dun pero syempre pinakita ko muna ang ID ko para patunayan na 18 na ako. Pagkapasok ko ay malakas na tugtog agad ang bumungad sa 'kin. Nagmumuni-muni muna ako dun hanggang sa makita ko si Kyung-so na umiinom mag-isa. Pagkakita ko sa kanya ay aalis na sana ako pero may nakita pa akong babae na lumapit sa kanya kaya nanatili ako para panoorin sila. Pero nang napansin ko na nagbabangayan na sila ay mas lumapit pa ako. "So may girlfriend ka na," disappointed na sabi ng babae kay Kyung-so. "Wait huwag mo akong iwan Yeon-min," sabi pa niya na halatang lasing na. "Tsk, sino ba si Yeon-min ha?" "Ako," naglakad pa nga ako ng mas malapit sa kanila at tumingin ang babae sa 'kin saka tumayo na si Kyung-so sa upuan niya at kumaway sa akin. "Oh, Yeon-min," nginitian pa niya ako. "So ikaw pala ang girlfriend niya?" tanong ng babae at nakasmirk na sa 'kin. "Oo," sagot ko nang mapansin kong hindi talaga siya nagpapatinag ay kinuha ko na ang mukha ni Kyung-so para halikan ito sa labi. "Hays," padabog na sabi ng babae. "Ahm sorry kanina," sabi ko at nag-iwas ng tingin pero gulat nalang ako nang natumba na sa braso ko si Kyung-so. Ano na ngayon ang gagawin ko!? Nang nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko para pangsupport na rin at inalalayan ko na nga siya para makaupo muna saka ko inatake ang babae, hindi ko nga din alam ba't ko ginawa yun. Umatake naman din siya pabalik at madami na ngang tao ang nakiusyoso sa amin. Kaya ang ending napatalsik ako ng bar at syempre dinala ko na rin si Kyung-so dahil mukhang lasing na lasing eh. Nagpara naman din ako ng taxi para maisakay siya at sumama ako na rin ako. Sinabi ko na rin naman ang address at nang nasa byahe palang kami ay hindi ko maiwasang mapatitig sa natutulog na si Kyung-so. Hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha nito, medyo mahaba rin kasi ang buhok ni Kyung-so. "Nandito na tayo," napatingin ako sa paligid at dun ko lang namalayan na nandito na pala kami sa bahay nila. Binayaran ko na ang taxi saka lumabas syempre inalalayan ko pa rin si Kyung-so. At nang pagkarating namin sa mismong pinto ng bahay nila ay nagdoor bell na ako at ilang sandali pa nga ay kita kong gulat si Dan-oh nang makitang lasing si Kyung-so at baka rin hindi niya inaasahan na makita ako. "A-anong nangyari?" nagtatakang tanong niya. "Napadaan lang sa bar kung saan siya naglasing," sagot ko naman. "Napadaan? Sa bar?" nagdududa naman niyang tanong. "Hmm, oo. Bakit?" tanong ko naman pabalik. "Ah wala sige akin na siya," sabi naman niya at kinuha na rin si Kyung-so sa 'kin. "Sige uwi na ako," paalam ko rin naman sa kanya. Umuwi na ako pagkatapos nun. Hindi naman din yata napansin ng pamilya ko na umalis ako ng gabi kaya dahan-dahan nalang ulit akong bumalik sa kwarto ko at nagdesisyon ng matulog. "Amaya!" natauhan ako nang isigaw ni Seol-hee ang pangalan ko. "Ang lalim nanaman ng iniisip mo," sabi niya nang nakasakay na kami sa bus kinaumagahan. "Ah," sabi ko lang, iniisip ko pa rin talaga yung nangyari kagabi. Naalala ba niya? Sana naman hindi. "Tinatanong kita kung bagay ba 'to sa nails ko," sabi niya at dun lang ako tumingin sa screen ng phone niya at pinapanood pala niya mga nail tutorials. "Ah oo," sagot ko nalang. "Oh, may nagsend sa 'kin ng video," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka kung anong video iyon. Pero napatingin siya sa 'kin na gulat. "Ano 'yan," inagaw ko ang phone sa kanya at napatakip nalang ako sa bibig ko gamit ang kamay ko dahil sa pagkagulat na rin. "Amaya, nagpunta ka sa bar?" 'di makapaniwalang tanong ni Seol-hee. "Hindi," sagot ko naman at bumaba na rin agad ng bus nang tumigil na ito at tumakbo na palayo kay Seol-hee pero naisip ko rin na magkaklase nga naman kami sa lahat ng subject kaya wala din akong takas. Pero nagdesisyon nalang ako na hindi na papasok sa lahat ng subjects ko ngayon dahil na rin sa kahihiyang pinaggagawa ko. Alam ko namang kumalat na rin ang video sa buong campus. Pero dahil sa paglalakad ko ay nakasalubong ko lang naman si Kyung-so. Napatigil kami pareho sa paglalakad at ilang sandali pa ay kinuha niya ang kamay ko para tangayin papuntang rooftop. Magpumiglas man ako pero useless lang din yun dahil sa lakas niya. "Nakita ko ang video," panimula niya. Nag-iwas lang din naman ako ng tingin. "Yeon-min-" "Napadaan lang ako," sabi ko na hindi siya tinignan sa mata. "Huwag mong imisinterpret yung ginawa ko," sagot ko pa. "Yeon-min..." sinubukan niyang kawakan ang kamay ko pero nilalayo ko lang mula sa kanya. "Mas mabuti nga ito, ako na lalayo," huling sabi ko pa at tumingin na sa mga mata niya bago ko nilisan ang rooftop, naiwan siyang tulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD