Yeon-min's POV Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Seol-hee. Nang ilang sandali pa na hindi niya ako pinagbuksan ay ako na ang bumukas ng pinto at kita ko siyang nakaupo lang habang nakadungaw sa bintana ng kwarto niya. "Seol-hee," sabi ko dahilan para mapalingon siya sa 'kin. "Amaya, bakit niya kinalimutan ang monthsary namin," malungkot niyang banggit at naglakad naman ako papalapit sa kanya. "Seol-hee, suotin mo 'to," sabi ko at inabot sa kanya ang paper bag. "Ano 'to?" nagtataka naman niyang tanong. "Huwag mo masyado 'yon isipin. Baka naman din may surpresa siya mamaya sa 'yo kaya hindi ka niya binati kanina," sabi ko naman para hindi na rin siya mag-over think. Actually kasabwat talaga ako sa malaking surpresa para mamaya kaya hindi nagpaparamdam si Kai buong araw kasi abala siya

