Kai's POV
Hindi maalis sa isip ko ang masaya niyang mukha nung nalaman niyang pumayag na si Kyung-so na maging girlfriend siya. Grr, binalaan ko na siya tungkol dun pero ayaw niyang makinig. Napabangon muli ako ng higaan ko dahil hindi ako makatulog, dahil na rin siguro sa kakaisip ko nun. Sinubukan ko nalang muling matulog pero wala talaga kaya bumangon na ako mula sa higaan ko at nagtungo sa kusina pero may naaninag akong tao doon. Nung mas lumapit pa ako rito ay nalaman kong si Kyung-so pala.
Hindi ko siya inimik at kumuha lang ako ng gatas mula sa ref. Kita ko naman na umiinom si Kyung-so ng wine. Kumuha na rin ako ng baso at binuhos ko doon ang gatas.
"Ayaw mo akong saluhan uminom?" tanong niya na hindi lumilingon sa 'kin.
"Tsk," sabi ko lang at ininom na nga ang gatas na kinuha ko para na rin makatulog ako kahit papano. At nang paalis na sana ako sa kusina ay nagsalita pa siya na ikinatigil ko sa paglalakad.
"Kung may gusto ka sa kanya dapat sabihin mo," tinignan ko lang siya without saying anything at nagtungo na muli ako sa kwarto ko.
"Bro gising na," pagyugyog sa 'kin ni Dan-oh.
Nag-inat-inat ako dahil inaantok pa rin ako.
"Ano bang pinaggagawa niyo ni Kyung-so kagabi ba't hindi kayo magising-gising," tanong niya at bumangon na nga ako mula sa higaan ko.
Kita kong natutulog pa rin si Kyung-so sa kwarto niya. Wine ba naman ang iniinom. At kahit na inaantok pa nga ako ay nagluto nalang din ako ng almusal namin. Nang natapos na akong magluto ay inihanda ko na agad ang naluto ko sa lamesa.
"Gisingin mo na siya," sabi ko kay Dan-oh at sinunod niya naman.
At makalipas pa ang ilang minuto bago sila lumabas mula sa kwarto ni Kyung-so. Hindi pa nga lang nakakainom si Kyung-so ng wine o alak eh ang hirap na niyang gisingin pano pa kaya pag nakainom na siya. Once in a blue moon lang siya magising ng maaga. Himala na rin kapag ganun.
Umupo na rin naman sila sa dinning table at kumuha ng pagkain para makakain na. Tahimik kaming lahat na kumakain. Usually si Dan-oh talaga ang nag-iingay pero dahil ramdam na rin yata niya ang tensyon sa pagitan namin ni Kyung-so kaya nanahimik nalang siya.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami papuntang school. Sumakay na kami isa-isa sa kotse at nagdrive na rin si Kyung-so. Pati sa byahe papuntang school ay tahimik din kami.
"So hindi nalang ba tayo magpapansinan dito-"
"Tahimik!" / "Manahimik ka Dan-oh!" sabay naming sigaw. Nagkatingin pa kami ng ilang segundo saka rin nag-iwas ng tingin.
"Sabi ko nga mananahimik na," sabi naman niya kaya tahimik nalang din kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa school.
Bumaba na rin kami ng kotse at ako ay nagtungo na agad sa klase ko, ayoko na rin muna maki-interact kay Kyung-so.
Dahil na rin siguro sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na may tumabi sa aking babae. Yung kahapon nanaman.
"Ano gagawin natin tungkol sa project?" tanong niya.
At hindi ako nakapagpigil dahilan para mapatayo ako ng kinauupuan ko at nasigawan ko siya. "I said leave me alone!" sigaw ko at napatingin na rin sa amin ang buong klase.
"What is it all about Mr. Lee?" tanong ng prof.
"Tsk," sabi ko at nagtungo na muli sa labas, gusto ko muna ng fresh air para makapag-isip-isip.
Nang naisipan kong pumunta sa garden ng school. Dito ay may parang pag-uupuan sa gitna para na rin tambayan kung may gusto mang tumambay rito. Pero pagkarating ko ay may naaninag akong babae na kasalukuyan ng nakaupo kaya aalis na rin sana ako para 'di ko siya maabala nang narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko.
"Kai tama?" tanong nito at napag-alaman kong yung friend ni Seol-hee ito na kineclaim ni Kyung-so na siya si Yeon-min.
Hindi ko rin naman siya masisisi dahil totoo nga namang kamukhang-kamukha niya si Yeon-min.
"Ah oo," sagot ko.
"Pwede ka namang tumabi sa 'kin," sabi niya.
"I want to be alone," cold kong sabi pero naconfused akong napatingin sa kanya nang tumawa siya.
"Medyo stubborn ka rin gaya ni Kyung-so, sabihin mo nga, chickboy ka rin ba?"
"Don't ever compare me to him," sagot ko dahil dun ay natahimik siya. At ilang sandali pa ay tumingin siya sa 'kin at hinila ako paupo sa tabi niya.
"Alam mo bang matagal na kaming mag best friend ni Seol-hee pero sinira lang ni Kyung-so."
"I didn't even know kung bakit siya naging ganun, maybe dahil sa namatay niyang mahal sa buhay," sabi ko na ikinatawa niya muli.
Tumingin ulit ako sa kanya na nalilito bakit nanaman siya natatawa sa sinabi ko.
"Ang conyo mo pala 'no," sabi niya. "Ahm sino nga pala yung namatay na mahal niya sa buhay?" Naging seryoso siya.
"Girlfriend niya," matipid kong sagot.
"Pft," pagpipigil niya muli ng tawa.
"Bakit nanaman?" tanong ko.
"Eh andami na kaya niyang naging girlfriend, alin dun?" tanong niya naman na tumigil na sa pagtawa.
"Yung greatest love niya," sagot ko.
"Alam pala niyang magmahal," komento rin naman niya.
"Siya lang ang tanging babaeng minahal niya ng totoo pero ganun pa ang nangyari tsk tsk," sabi ko saka tumayo na mula sa aking inuupuan sa tabi niya.
"Wait, ano bang nangyari?" nagtataka naman niyang tanong.
"Tsk, nagpunta ako sa eskwelahan para matuto hindi para magstory telling."
"Eh bakit ka wala sa klase mo ngayon," napaisip naman ako sa sinabi niya, oo nga naman. "Dali na sabihin mo na, ano ngang nangyari," tanong pa niya.
"May naghahabol kay Kyung-so at gusto siyang ipapatay at nung nagkaharap na sila ay imbes na kay Kyung-so tatama yung arrow ay kay Yeon-min tumama," sagot ko naman at pansin ko pa ang paglaki ng mata niya.
"Y-Yeon-min? Pangalan ko yun ahh," sabi niya na pansin ko rin ang pagkalito sa mukha niya.
"Wait, Yeon-min ang pangalan mo?" gulat ko rin namang tanong. At napatango lang siya sa tanong ko. "Akala ko ba Amaya? Yun kasi tinatawag ni Seol-hee sa 'yo," tanong ko pa.
"Ahh yun kasi yung pangalan ni lola, nung namatay siya, yun na tinawag nila sa 'kin," sagot niya.
"Ahh," sabi ko lang at ilang minuto lang kaming naging tahimik hanggang sa nagsalita siya ulit.
"At yung arrow? Ano yun makalumang panahon?" tanong niya na hindi makapaniwala.
"Ganun na nga," sagot ko.
"Ha?" Gulat at nalilito na rin siya sa pinagkwekwento ko. Hindi niya rin naman maiintindihan at papaniwalaan.
"Wala, sabi ko balik na ako sa klase ko," sabi ko at hindi na siya sumagot pa sa 'kin. "Ikaw ba't wala ka sa klase mo?" tanong ko pa.
"Madaming vacant time ang kinuha kong course," sagot niya na nakatingin sa malayo.
Nang napatingin kaming dalawa sa isang direksyon nang may sumigaw.
"Amaya," sabi nito at tumakbo sa direksyon namin. "Sorry na kasi," paghingi niya ng tawad pero naglakad lang palayo si Yeon-min.
Nang susundan sana ni Seol-hee si Yeon-min ay hinila ko ang kamay niya.
"Ano ba," sagot niya naman at pilit kumakawala sa pagkakahawak ko.
"We need to talk," sabi ko kaya hindi na rin siya nagpupumiglas at tahimik nalang din siya, hinihintay ang sunod kong sasabihin. "'Di ba binalaan na kita-"
"Pwede ba, hayaan niyo nalang ako kung anong gusto ko, kung saan ako masaya," sabi niya.
"Pero masasaktan ka lang-"
"Hindi ba sinabi na niya na seryoso siya sa 'kin, bakit ba kayo nag-aalala masyado."
"He's just using you to get to Yeon-min," dun siya natigilan.
"A-ano," 'di makapaniwalang sabi niya.
"Maniwala ka man o hindi, si Yeon-min talaga ang target niya," sabi ko pa muli.
"M-may klase pa kami," sabi nalang niya at tumayo na sa pagkakaupo niya sa tabi ko at hindi na rin siya makatingin-tingin ng diretsyo sa mata ko.
Patakbo na niyang nilisan ang garden. Why didn't she just listen to me. And when she listens then what? Argh, why am I like this? Why am I like this to her. Ngayon mag-isa nalang muli ako. Nagspend pa ako ng ilang minuto doon hanggang sa napagdesisyonan ko na ring lisanin ang lugar na iyon. Tapos na rin naman ang chemistry subject namin kaya hindi ko nanaman makikita yung babaeng gustong makipagpartner sa 'kin sa project namin. Oo nga pala hindi pa ako nakakasimula sa project namin sa chemistry dahil na rin sa dami ng iniisip ko.
Kaya lumabas ako at nagcommute para makabili na rin ng gagamitin ko para sa project na gagawin ko. Madami rin akong napuntahang tindahan hanggang sa nabili ko na lahat ng iyon at bumalik na rin agad ako sa campus. Nagpunta na ako ng hide out para dito gawin ang project ko. Wala pa rin naman ang dalawa dahil siguro may klase pa sila.
Trinabaho ko lang ito at hindi na pumasok sa iba kong mga subjects. At hanggang sa sabay sina Dan-oh at Kyung-so na pumasok sa hide out.
"Ohh ano 'yan," tanong ni Dan-oh at lumapit sa project na ginagawa ko palang.
"Lumayo ka nga, masira mo pa eh," sabi ko naman at tinaboy si Dan-oh palayo sa project ko.
"Patingin lang ihh," sabi pa niya at kita ko pa siyang ngumuso bago naglakad papunta sa sofa. Parang bata lang tsk.
Nang wala na ring gumugulo sa 'kin ay pinagpatuloy ko na rin muli ito.
"Ako na mag-order para sa lunch natin," sabi ni Kyung-so.
"Nakapag-order na ako," sabi ko naman at tinuro sa isang sulok.
"Bakit ang aga mong nag-order, lalamig ang pagkain," reklamo ni Kyung-so.
"Mas okay naman sigurong lalamig ang pagkain kaysa naman magutom tayo 'di ba."
"Oo na, huwag ng mag-away. Pati kasi pagkain pinag-aawayan niyo," pahayag naman ni Dan-oh at binuksan na nga niya ang inorder kong pagkain saka kumain na rin siya. "Kain ka na rin muna Kai, mamaya mo na ipagpatuloy 'yang project mo," sabi ni Dan-oh kaya tumigil na rin muna ako sa paggawa ng project ko at kumain na rin muna kasabay nila.
Pagkatapos naming kumain ay una ng umalis si Kyung-so na wala man lang pasabi. Dahil dun ay lumapit si Dan-oh sa 'kin.
"Sabihin mo nga Kai, bakit ba kayo nag-aaway?" tanong niya.
"Ewan ko sa kanya," sagot ko naman at pinagpatuloy nalang ang project ko.
"Hays, alam ko tungkol kay Seol-hee eh. May gusto ka ba sa kanya?" tanong muli niya.
Sandali kong tinigil ang ginagawa ko at humarap sa kanya.
"Wala," diretso kong sagot.
"Eh bakit ka nagagalit na maging gf ni Kyung-so si Seol-hee?" tanong naman nito.
"Hindi ko rin alam," sagot ko ngunit napaisip lang din ako sa tinanong ni Dan-oh sa 'kin.
"Alam mo, ang g**o mo bro maiwan na nga muna kita rito. May klase pa ako," sabi niya at sunod din siyang umalis.
Ginawa ko lang ang project ko buong maghapon, hindi na rin ako nagpunta sa mga susunod ko pang klase. Hanggang sa ramdam kong may bumukas nanaman ng pinto at lumapit siya sa project ko. Hindi ko siya tinignan kasi busy pa rin ako rito.
"Ano ba Dan-oh lumayo ka sabi-" natigilan ako nang napatingin na nga ako sa kung sinong lumapit sa project ko.
"Ohh ang ganda," sabi niya na nakatingin sa project na ginagawa ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kanya.
"Sabi ni Kyung-so na pwede lang akong tumambay rito kapag wala akong klase," sabi naman niya at ngumiti sa 'kin.
Ilang segundo rin akong nacarried away sa ngiti niya bago ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko nalang din siya pinansin at nagpatuloy sa project ko.
Nang kuhanin ko sana ang glue mula sa table nang tinignan ko ay wala na ito sa dati nitong kinalalagyan.
"Nakita mo ba yung glue rito?" tanong ko sa kanya.
"Pwede akong tumulong?" tanong niya at kita ko nalang na nasa kanya na yung glue.
"Hindi, akin na 'yan," sabi ko naman at pilit kinukuha ang glue kay Seol-hee pero pilit din niya itong nilalayo.
"Sige na, tutulong lang eh," pagpumilit naman niya pero hindi ko pinakinggan.
"Seol-hee madami pa akong gagawin, akin na 'yan," sabi ko at nilahad ko pa ang kamay ko sa kanya para mabigay na niya sa 'kin ang glue ko.
"Payagan mo muna akong tulungan ka," sabi niya at nasa likod niya pa rin yung glue.
"Hays," sabi ko kaya pilit ng kinukuha ang glue na nasa likod niya so parang magkayakap na rin kami hanggang sa pag-atras niya patalikod ay napaatras siya sa couch dahilan ng pagkawala namin ng balance na dalawa.
Napahiga siya sa couch habang nasa top niya ako. Ilang sandali pa kaming ganun, magkatitigan lang hanggang sa may narinig kaming pagbukas ng pinto. Nung pagkakita na pagkakita palang sa 'min ni Dan-oh na ganun ang posisyon ay lumabas na muli siya agad.
"Pasensya na, hindi niyo naman sinabing may ginagawa pala kayong kababalaghan diyan," sabi lang niya bago lumabas ng pinto.
Nag-ayos na rin naman kami ni Seol-hee ng tayo.