Seol-hee's POV "Amaya ito bagay mo," sabi ko kay Amaya at nilagay sa buhok niya ng maliit na clip. Hinawak-hawakan lang din namn niya ang buhok niya habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. "Ang ganda," komento naman nito. "Maganda ka naman talaga eh," sabi ko pa habang tinitignan din ang reflection niya sa salamin. "Salamat," sabi niya at humarap sa 'kin. "Para saan?" nagtataka ko namang tanong. "Kasi always kang nandito para sa 'kin," sagot niya. "Ano ka ba Amaya pinapaiyak mo 'ko eh," natawa naman kami dahil dun. Pero ilang sandali pa ay hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Kaibigan mo ako 'di ba at mahal kita saka 'di ba wala ngang makakasira sa friendship natin," sabi ko pa para yakapin niya ako. Niyakap ko naman din siya pabalik. At ilang sandali pa nga ay kumalas d

