Yeon-min's POV Ngayon na ang araw ng alis namin sa inayos nina Dan-oh at ate Stacy na outing namin dahil aalis na rin si ate Stacy, babalik na siya sa *America. Medyo nagiging close na rin kaming lahat, Pero naiilang pa rin ako sa paligid ni Kyung-so. Hindi na kami nagkakausap, iniiwasan ko na rin kasi siya. Dahil kung ipagpapatuloy man na maging close kami ay marami rin akong makakalabang nagkakagusto sa kanya at gusto ko lang naman pumasok araw-araw sa college ng walang inaalalang ganung kaganapan. Ngayon ay nag-eempake na kami dahil nagplano kaming anim na magfarewell camping para kay ate Stacy, dahil hindi nga naman namin sure kung kailan ulit namin siya makikita. Napagplanuhan namin na nitong weekend para wala kaming mga klase that time. "Ingat kayo dun ha," sabi ni mama at niyaka

