Yeon-min's POV Kakagaling na nga lang din namin sa airport nang tumigil pa si Kyung-so sa isang restaurant para makakain kami ng lunch. Siya naman din naglibre saka siya rin ang namili ng kakainin ko, infairness masarap naman. Naguguluhan nga ako sa kanya minsan dahil nag-aact siya na parang he cares pero magpapaasa lang din naman. Nang ngayon ay naghihintay nalang kami sa credit card ni Kyung-so para makaalis na kami sa restaurant. "Here you go sir," sabi niya kaya napalingon ako sa babang nag-aabot kay Kyung-so ng card niya. Aba, paflirty tone ba naman. Alam ko naman ding kakagat si Kyung-so roon. Nang kuhanin na nga niya ang card mula sa babae ay nakita ko pa kung pano niya sinadyang hawakan ang kamay ni Kyung-so sa harapan ko pa mismo. At itong si Kyung-so parang gustong-gusto naman

