Kyung-so's POV 5 years later Napangiti lang ako habang nakatingin sa dalawang tao na naglalakad na papunta sa aisle ng simbahan. Alam kong masaya na silang dalawa. "Maraming salamat sa pagpunta," sabi ni Dan-oh sa reception nila. Napatingin naman siya sa bride niya na si Stacy. Yeah nagkaayos din sila pagkatapos ng insidente 5 years ago. Hindi naman daw siya yung umatake kay Dan-oh nun. Dala lang yun ng hypnotis* ng ama ni Stacy dahil mula pa noon ay ayaw na niya ang mga gumiho pero tignan mo nga naman ikakasal na ang kaibigan ko sa isang warewolf. Oo, inaamin ko naman din na pati ako ay hindi inaasahang warewolf pala si Stacy. "Okay ka lang?" tinapik ni Kai ang balikat ko. "Oo naman," sagot ko. "Kanina ka pa tahimik diyan," sabi naman din niya. "Ah wala 'to," sagot ko lang muli.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


