Seol-hee's POV "Seol-hee dito ka lang ha? May pupuntahan lang si mama." "Oo, mama." Dumaan pa ang mga oras at hindi dumating ang mama ni Seol-hee. Kaya umiiyak nalang siya sa gilid dahil na rin sa takot. "Okay ka lang bata?" Napaangat naman si Seol-hee ng ulo at nakita niya ang poging lalaki. "Wala pa si mama," sagot naman nito na nagpatuloy na muli sa pag-iyak. "Tahan na, laro nalang muna tayo habang naghihintay sa mama mo ha," masaya namang tumango si Seol-hee dahil may kalaro na siya muli. Siya nalang din kasi ang naiwan na naglalaro sa playground. Nagswing-swing sila, naglaro sa monkey bar at sa slide. "Wiehhh- ouch!" Nang nagslide na siya ay napadapa siya nang marating niya ang dulo. Dali naman ding nagpunta ang lalaki sa batang babae. "Hindi kasi nag-iingat eh," sabi nito n

