Dahan-dahang lumapit si Alejandra kay Hugo, pilit pinapakalma ang sarili. Hinawakan niya ang braso ng asawa at pinilit ngumiti, kahit nanginginig pa rin ang boses niya.
“Please, Hugo,” mahinahon niyang sabi, “it’s just one night. Promise, I’ll be careful. I’ll even bring one of the drivers if you want. I just—”
Bago pa siya matapos, marahas na inalis ni Hugo ang kanyang kamay. “Stop it, Alejandra. Don’t you dare sweet-talk me just to get what you want.”
Ngunit hindi siya sumuko. Lumapit pa siya, marahang hinaplos ang dibdib ng asawa, pilit ipinapaalala ang dating lambing na minsan ay naging tulay sa kanila. “Hugo, you used to be proud when I helped people. Remember? You even said you fell in love with me because I had a kind heart.”
Sa halip na mapawi ang galit, lalo lamang nagdilim ang mukha ni Hugo. “That was before I realized how naïve you are,” malamig niyang sagot. “You think helping others will make you happy? You think the world will thank you? No, Alejandra. The world will destroy you the moment you step outside my protection.”
“Protection?” napasinghap siya, halos hindi makapaniwala. “This isn’t protection. Hugo this is a cage. Kinukulong mo na ako at nasasakal na ako sa ginagawa mo sa akin. Lahat nalang ay bawal. Wala na akong pwedeng gawin.”
Mabilis siyang sinampal ng lalaki. Malakas, matalim ang tunog na tumama sa kanyang pisngi. “Don’t raise your voice at me!” sigaw ni Hugo, at sa bawat salita ay tila dagok sa puso ni Alejandra.
Tahimik siyang napaiyak, hawak ang mukha. Hindi siya lumaban.
“Next time you try to test me,” mariing sabi ni Hugo habang nakatingin sa kanya ng malamig, “I won’t stop at words.”
Nagmamadali itong lumabas ng kwarto at nilock ang pinto mula sa labas na ikinagulat niya.
Lumapit siya sa pinto, marahang kumatok.
“Hugo?” tawag niya, halos pabulong. “Hugo, please open the door!” palahaw niya.
Walang tugon. Tanging katahimikan lang. Mas madiin siyang kumatok. “Hugo, please! I need to get out. I promise I won’t go anywhere far. Just let me breathe, please…”
Hanggang sa marinig niya ang tinig ni Hugo mula sa labas, kalmado ngunit puno ng pagbabanta.
“You brought this on yourself, Alejandra. I told you not to push me. You wanted freedom? Then enjoy your time alone.”
Napaatras siya, nanlalamig ang kamay.
“Please, Hugo… I’m sorry,” umiiyak niyang sagot, nanginginig ang boses. “I just wanted to help—”
“Help?” putol ni Hugo. “You don’t even know how to help yourself.”
Sumunod ang matalim na kalabog ng susi sa doorknob. Pagkatapos noon, tuluyan nang naglaho ang mga yabag ng lalaki sa pasilyo.
Naiwan siyang mag-isa sa apat na sulok ng silid—walang telepono, walang bintanang mabubuksan. Tanging tunog ng ulan at mga luha niyang patuloy na pumapatak ang kasama niya.
Lumapit siya sa salamin, pinagmasdan ang sariling mukha, may bakas ng sampal, may pamumugto sa mata. Hindi na niya makilala ang babaeng nasa repleksiyon.
“That’s not me anymore…” mahinang bulong niya. “I’m not the woman you can break again.”
Ngunit kahit gaano niya sabihing matatag siya, unti-unting dumadaloy ang takot sa kanyang puso.
Tuluy-tuloy na kumakatok si Alejandra, halos mabasag na ang pinto sa lakas ng bawat hampas ng kanyang kamao. Halos paos na ang kanyang boses sa kasisigaw.
“Hugo! Please! Buksan mo ‘to! Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin! Hugo!”
Ngunit walang tugon. Ang mga sigaw niya ay nauuwi lang sa mga alingawngaw ng katahimikan.
Hanggang sa marinig niya ang tunog ng doorknob—isang malutong na click—at dahan-dahang bumukas ang pinto. Saglit na sumilay ang pag-asa sa mga mata niya, akala niya’y si Hugo. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba nang makita kung sino ang nasa labas.
Ang ina ni Hugo, si Doña Leticia Gallarzo, nakasuot ng mamahaling silk robe, ang mga labi ay nakakurba sa mapanuyang ngiti. Ang amoy ng pabango nitong matapang ay agad bumalot sa hangin, kasabay ng lamig ng kanyang presensya. Una palang niyang apak sa mansyon ng mga Gallarzo ay hindi na siya nito gusto.
“Ang kapal din naman ng mukha mo, ano?” malamig na sambit ni Leticia, habang naglalakad papasok ng silid. “Iniligtas ka na ng anak ko sa kahihiyan, at ngayon ay sinusuway mo pa siya?”
Napatigil si Alejandra, napaatras habang pilit pinupunasan ang luha sa pisngi. “W–wala po akong balak suwayin si Hugo, gusto ko lang po sanang tumulong sa—”
“Sa charity?” putol ni Leticia, sabay tawa—isang tawang walang kasamang saya. “Oh, please, Alejandra. You don’t belong in those places. Hindi mo kailangang ipakita sa mundo na isa kang mabuting babae. My son already gave you everything, his name, his home, his protection. That should be enough for someone like you.”
“Someone like me?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Alejandra, nanginginig ang boses.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?”
Lumapit si Leticia, bahagyang yumuko at bumulong sa tainga niya, puno ng pangmamaliit, “Ang ibig kong sabihin, huwag mong kalimutan kung saan ka nanggaling. My son cleaned your name, gave you a life of luxury. Don’t ever think you’re his equal. Kahit nga ang pamilya mo ay binago niya rin ang buhay. Kung dati ang nakatira kayo sa isang maliit na bahay ngayon ay nasa townhouse na. Salamat sa kabutihan ng anak ko. Naging tao kayong lahat dahil sa kanya.”
Napakuyom ng kamao si Alejandra, pinipigilan ang sariling hindi umiyak muli. “Hindi ko kailanman ginusto ito para sa sarili ko,” mahina niyang sagot. “Ang gusto ko lang, mabuhay nang may respeto.”
Napailing si Leticia, sabay ngiti ng malamig. “Respect? That’s earned, hija, not begged for. And clearly, you haven’t earned mine.”
Tumalikod ito, papunta sa pinto. Bago lumabas, muling lumingon si Doña Leticia, ang tinig ay tila may lason.
“Kung ako sa’yo, Alejandra, tigilan mo na ang drama. Baka pati ‘yung konting awa ni Hugo, mawala pa.”
“Ma, maawa na kayo sa akin. Hindi ako lalabas ng bahay. Pangako. Huwag mo lang akong ikulong.”
“Ang batas ay sinabi na ni Hugo. Dito ka lang sa kwarto. Teka, magpalit ka kaya ng damit at linisin ang mga kulungan ng aso ko para naman may silbi ka,” ani pa nito.
“Pero Ma---
“Dali!” sigaw pa nito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.