Hindi mapigilan ni Leah ang labis na pag-aalala sa anak niyang si Alejandra. Lalo na ngayon na marami na siyang naririnig na usapan sa labas at tama ang sinabi ng kanyang asawa. Ayon sa mga tao, nakita raw si Levi na buhat-buhat si Alejandra, walang malay at duguan pa. Bagama’t nakausap na niya si Hugo at siniguro nitong maayos lang ang lahat, hindi pa rin siya mapalagay. Paulit-ulit siyang nagte-text kay Alejandra, ngunit ni isang sagot ay wala siyang natanggap. Buong maghapon ay inabala na lamang niya ang sarili sa kanilang maliit na sari-sari store, pilit na pinapakalma ang puso kahit halos mabaliw na sa pag-aalala. Malaki na ang ipinagbago ng kanilang buhay simula nang maging asawa ni Alejandra si Hugo. Noon pa man ay hindi naman sila ganoon kahirap sa buhay; nakapagtapos si Alejandr

