Kabanata1:

885 Words
'Nay,parang abala yata kayo ngayon.Ano bang meron?Tanong ko habang nagmamano kay nanay.Nakakapagtaka kasi na parang masyado silang abala na mag ayos at maghanda sa Mansyon.Bihira lang ang ganitong okasyon. 'Alam mo bang darating na si Sir Lorenzo ngayon.Ayaw naman ni Don Lucas na walang okasyon na maganap sa pagdating ng anak nila.Kaya halika na tulungan mo na lang ako na ilipat to sa banda roon'.Laking gulat ko ng marinig ko na darating nga si Lorenzo.Miss na miss ko na sya.Gustong gusto ko ng makita ang kababata kong si Lorenzo.Tumulong ako kay Nanay na ilipat ang malaking mesa sa gitna. Pagkatapos kong tumulong kay nanay sa mga gawain abala na ako ulit sa trabaho.Marami kasing mga paper works na dapat kong matapos para maipasa ko na bukas sa bagong Boss ng Kumpanyang pinapasukan ko. Meron akong sariling work room na ipinagawa ni Don Lucas.Mabait ang pamilyang De Silva.Itinuturing nila kaming kapamilya.Hindi na daw kami iba sa kanila.Tinulungan nila si Nanay na pag aralin ako kaya malaki rin ang utang na loob namin sa kanila.Simula kasi ng mamatay ang itay hindi nila kami pinabayaan at patuloy pa rin na pinagtrabaho si Nanay sa loob ng Mansyon. Hayy!Grabe nakakapagod talaga kung hindi lang sana darating yung bagong boss ko di sana ako nag hahabol ng oras ngayon.'Ani sa sarili na naghihikab at nakatakip ng palad ang bibig. Iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko kumuha ng malamig na tubig sa refrigarator.Isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig ko na nagmula sa labas ng gate. Huuh!'Kung maka busina naman kulang na lang umabot na sa kabilang bayan.Naka kunot ang aking noo't naka taas ang isang kilay habang nagsasalita ng mag isa.Dinedma ko lang at hindi na sinubukang silipin kung sino man 'yon.Bumalik ulit ako sa pag papatuloy sa ginagawa ko dala ang isang basong tubig na inilapag ko sa gilid ng table. Sumilip sa pinto si Manang Tessie na kasama rin namin dito sa Mansyon.Isa rin sa kasambahay na katulong- tulong ni Nanay. Huuhuu..hinihingal pang nagsasalita halos nakahawak na sa kanyang tuhod.Medyo may edad na rin kasi ito kaya mabilis na ring mapagod. 'Samantha,Hindi ka ba lalabas?Dumating na si Sir Lorenzo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Sa wakas mag kikita na rin kami ni Lorenzo. 'Ho!!Sigurado ba kayo Manang Tessie?Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.Agad kong binitawan ang hawak kong ballpen.Mabilis na tumayo at sumunod kay manang Tessie palabas. Pababa na ng kotse si Lorenzo.Naka shade ang mga mata.Nakasuot ng sumbrero at naka tuksido.Mapapa Wow ka na lang sa kanya.Grabe anlaki ng pinag bago nya simula sa sout hanggang mukha't katawan.Mas lalong lumabas ang kanyang kagwapuhan.Sa totoo lang naiilang na akong sumalubong sa kanya ibang-iba na kasi sya sa nakikilala kong Lorenzo na simple lang ang dating.Hindi ko rin naman alam kung kilala nya pa ako kaya hindi na lang ako nagbaka sakaling lumapit at bumati. Tumayo lang ako sa gilid ng poste pinag-mamasdan ko na lang syang naglalakad habang papalapit sa akin.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. 'Miss.Yung laway mo nasasayang.Naka ngiti pa itong nang aasar.Nabigla ang tenga at utak ko. 'Hu.ngumisi at kinunot ko ang noo ko.Dahan dahang umalis sa kinatatayuan ko. 'Mayabang na nga nagbago din pala.pabulong na winika sa sarili. 'Masaya po kami Sir Lorenzo sa inyong muling pag babalik bati ni Nanay na nakaharap sa kanya at yumuko upang mag bigay galang. 'Salamat po.Ganun din po ako masaya din akong makita kayong lahat lalong na sina Papa at Mama. Naka ngiti syang nagsasalita sabay yumakap at humalik kina Don Lucas at Donya Margarita. Masaya akong makita syang muli pero parang hindi na kami tulad ng dati.Hindi man lang nya ako naalala at binati.Inasar nya pa ako.Hindi ko na nga sya lubusang kilala marami na talagang nagbago sa mga lumipas na ilang taon. Hindi na ako nag papakilala at bumati sa kanya baka asarin nya lang ulit ako. Umupo na lang ako.Naisip kong tapusin na lang ang trabaho ko.Nang mapansin kong nawawala ang nilapag kong ballpen kanina.Hinanap ko agad ito Sinilip ko sa silong ng mesa. 'Ito lang bang hinanap mo?Sa susunod dagdagan mo 'to para hindi nag papaka pagod na maghanap kung saan saan'.itinaas nya ang ballpen at ginagalaw ng kanyang daliri. Muli nya naman akong inasar.Di ko alam kung trip nya lang ba ito? o talagang ugali nya na. 'Hayaan mo next time hindi na mawawala yan.'Lumapit ako't kinuha ang ballpen mula sa kanya.Nang aabutin ko na mas lalo nya pa itong itinaas.Naka tingala ako sa kanya habang pilit na itinataas ang paa at kamay.Mas matangkad siya sa akin kaya kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang abutin ito.Sa kagustuhan kong mabawi ang ballpen aksidenteng napasandal ang mukha ko sa kanyang dibdib at napayakap pa ako.Gustong gusto ko ang pakiramdam na ganito.Damang dama ko ang mag kadikit naming mga katawan.Nang itingala ko ang mukha ko't tumingin sa kanya nag salubong ang aming mga tingin.Konti na lang at mag lalapit na aming mga labi. Kunwari ko na lang syang itinulak.Kinuha sa kanyang kamay ang ballpen na hawak. 'Kanina pa sana natapos yung ginagawa ko kung kaagad mong ibinigay ang ballpen ko'.Naka simangot kong wika. Nakatayo lang sya't hindi umimik. 'Lorenzo,Halika na't kumain ka muna.Pag tatawag ni Don Lucas.Ano bang ginagawa mo dyan?dagdag pa nitong tanong. Wa-wala po Pa.Sige susunod na ako.Umalis si Lorenzo iniwan akong nag uumpisa ng magsulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD