CHAPTER 2

1494 Words
Napapangiti pa rin si Caridad habang kumakain ng prutas sa ilalim ng canopy, sa likod ng kanilang napakalaking bahay. She’s the daughter of the billionaire Isagani Arinque and famous Japanese actress Nana Satozuka. Kahit palaging abala sa trabaho at negosyo ang kanyang mga magulang ay sinisigurado ng mga ito na hindi siya naiiwang mag-isa at malungkot. Sinasama pa siya ng Mommy niya sa mga TV shows at film shooting nito. Akala nga ng lahat ay magiging artista rin siyang kagaya ng kanyang ina, subalit binigo niya ang mga ito. Sure, she did a few TV commercials and some acting roles when she was younger, but decided later on that acting wasn’t just for her. Kaya ngayon ay tinutulungan niya ang kanyang ama sa mga negosyo nito. May malaking kompanya sila, pero mas iginiit niyang asikasuhin ang hindi kalakihan muna nilang mga negosyo. “Mukhang masaya ang araw natin ngayon, Ma’am?” puna sa kanya ni Yaya Sue. “You’re right, Yaya Sue, I’m happy. Nandito na siya. Nakausap ko na siya.” At nahalikan ko pa, muntik na niyang idugtong. “Si Cazcoe Vizcarra?” “Yes!” “Gumana talaga ang plano mo, Ma’am.” Tumango siya. Meeting him in Castle Tavern was not a coincidence. Parte iyon ng plano niya. She knew that Coe was the CEO of CoeWrite Printing and Publishing Company. Bago palang ang kompanya nito pero kilala na iyon sa Pilipinas at kahit na sa ibang bansa. Magaling si Cazcoe sa paghahanap ng magagaling na manunulat. The contract writers in CoeWrite had already won multiple awards. Nakarating sa kanya ang balitang sinusuyo ni Coe ang isang Pilipinong manunulat na pumirma ng ekslusibong kontrata sa kompanya nito. Lucky for her, that person is in West Virginia now. And the great Pablo Ibarca adored her. Nakilala niya ito sa isa sa mga social functions na dinadaluhan niya. And Pablo couldn’t just take his eyes off her. Kinausap niya ito at sinabihang imbitahan nito si Cazcoe Vizcarra sa Lansing, West Virginia. Of course, he agreed. Hindi siguro nito natukoy ang totoong motibo niya. “I told you it would work, Yaya,” malakas ang loob niyang sambit. “Kailan mo siya ipapakilala sa Mommy at Daddy mo, Ma’am? Sigurado akong matutuwa si Ma’am at Sir. Matutupad na rin ang matagal na nilang gusto na maikasal ka na.” She forced a smile, although she was frowning inside. Paano niya madadala sa bahay nila ang binata kung ayaw nga siya nitong tignan man lang? At kasal? Hah! Matagal na siyang kinukulit ng mga magulang niya na magpakasal. Hindi na niya mabilang ang mga pagkakataong may ipinapakilala ang mga ito sa kanya na lalaking posible niyang maging esposo. But she refused them all. Bata pa naman siya and Cazcoe was a few years her senior, and the only one who got her attention. She saw him in one of CoeWrite’s released magazines. There he talked about how to effectively manage a printing and publishing Company. Humanga siya hindi lang sa hitsura nito, pero maging sa angkin nitong talino. Palikero ito, pero nag-iiba ang aura nito kapag negosyo na ang pinag-uusapan. And she admired that in him—his dedication and commitment to work. Nakita na rin niya ang mga kaibigan nito—sina Nazaron Altieri, Alpheus San Madrid, at Zeki Castoldi. They were all sought-after bachelors. Wala pang mga asawa. Pero sa apat ay si Cazcoe lang ang gusto niya. “Nabighani ba si Cazcoe Vizcarra sa ganda mo, Ma’am?” “Yeah, but he’s denying it.” “Ano po?” “He’s a little shy than I expected. Akala ko dahil pabling siya ay magiging madali na para sa akin ang kuhanin ang atensyon niya.” Hindi na nagkomento pa ang yaya niya. “You’re worried about me, Yaya, aren’t you?” Bumuntong-hininga ito na ikinatawa niya. “I’ll be fine. Ano ka ba, Yaya, parang hindi mo naman ako kilala. I’m tough, you know.” “Pero kasi…” “Yaya, Coe can play hard to get all day long, but when the day’s over, I’ll be waiting at his doorsteps, ready to put a leash around his beautiful neck.” “Si Ma’am naman nakakatakot.” “But it’s true. Coe is mine.” _____ NAPAIGTAD si Cazcoe nang may tumapik sa kamay niyang nakaakbay sa balikat ng magandang Amerikana na nakilala niya sa kanyang pag-iikut-ikot sa lugar. Her name’s Sophie, working in a restaurant as Assistant Chef. Maganda ito at matalino. Gusto niya itong mas makilala pa. Kaya naman inimbitahan niya itong lumabas at mamasyal. Pagkatapos ay nagtungo silang icecream parlor dahil gusto raw nitong kumain ng frozen yogurt. Napatingala si Cazcoe sa taong tumapik sa kamay niya, at namilog ang mga mata niya nang mapagsino ito. “Ikaw na naman? Are you stalking me?” eksasperado niyang tanong kay Caridad. Pinaningkitan siya nito ng mga mata, pero pinanatili ang matamis na ngiti sa labi. Her smile was so sweet that it scared the heck out of him. Ano na nga uli ang tawag nila sa klase ng ngiti nito? Killer smile! The literal ‘killer’ smile. Like if you put a knife in her hand, you’ll definitely end up getting butchered. “Hmmm, ano naman sa iyo kung sinusundan nga kita?” Gilalas siya. Nakakatakot talaga ang dating ni Caridad sa kanya. He’s beginning to see the bride of Chucky in her. “I can definitely take legal action against you for stalking me.” Tumikwas lang ang mga kilay nito. “Gawin mo. Akala mo ba matatakot ako?” Lumipat ito sa harapan ni Sophie at walang pagdadalawang-isip na hinatak ito patayo. Para sa isang taong nasa limang talampakan lang ang taas ay ang lakas ng loob nitong hilahin ang matangkad na Amerikana. Nagulat si Sophie sa ginawa ni Caridad. “Don’t touch me!” she shrieked. “Hah! Ang arte mo, ha. Kung sinasabunutan na lang kaya kita?” “What are you saying?” litong tanong ni Sophie na hindi naintindihan ang lengguwaheng ginamit ni Caridad. “Sophie—” “Who is she?” baling sa kanya ng Amerikana, malinaw ang inis sa ekspresyon nito. Medyo lumakas na rin ang boses nito dala marahil ng labis na pagkagulat. Napabuntong-hininga siya at nahilot ang sentido. Lumingap siya sa paligid at napaungol nang makitang pinagtitinginan na sila. “Sit down, Sophie. I’ll explain everything.” Tumingin siya kay Caridad. “And you, get out of here.” Pinagkrus nito ang mga kamay sa tapat ng dibdib. “Kaladkarin mo ako palabas kung gusto mo, pero hindi ako aalis dito.” Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Excuse me, Sophie, I just need to talk to this woman.” Tumayo siya at hinawakan sa siko si Caridad saka dinala ito sa isang sulok malapit sa banyo. “What the hell is your problem?” “You’re my problem. Tingin ka nang tingin sa ibang babae, eh nandito naman ako. Am I not your type?” “Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman na iniiwasan at nilalayuan kita? Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin niyon? Hindi kita gusto, Miss.” “Caridad. Caridad ang pangalan ko.” “Fine. Hindi kita gusto, Caridad. Please, leave me alone!” Guilt was like poison that crawled into his veins as soon as he spat those harsh words at her. Pero ano ang magagawa niya? Matigas ang ulo ng isang ito. Napakagat-labi ang dalaga. For a fleeting moment, he saw the pain in her eyes. Pero naitago iyon agad ni Caridad. Itinulak siya nito padikit sa pader at idiniin ang katawan nito sa kanya. Her finger touched his chin, toyed with it a little. “You will regret hurting me, Cazcoe. Didn’t I warn you that if you try to hurt me again, I will cut your skin and make you bleed?” Sobrang tiim ng itim nitong mga mata. He chuckled confidently. “Then, go ahead and make me ble—” Napaigik siya nang hagipin ni Caridad ang kanyang leeg at hilahin ang ulo niya payuko hanggang sa maabot nito ang kanyang leeg. He thought she was going to bite him, but she didn’t. Sa halip ay sinipsip nito ang balat sa leeg niya. Nag-iwan iyon ng pulang marka. At maputi ang kanyang balat kaya tiyak na magiging halata iyon. She stood proud in front of him after seductively wiping the corner of her mouth with her slender fingers. The little girl was the she-devil incarnate. “That’ll be enough for now.” Tinapik nito ang dibdib niya. “I won’t make you bleed today. Bumalik ka na sa ka-date mo. Sigurado akong magugustuhan niya ang marka sa leeg mo.” Tumalikod na si Caridad at maimbay na naglakad. “Why are you doing this to me, Caridad?” tanong niya bago ito tuluyang makalayo. Umikot ito paharap sa kanya at ngumiti nang mapang-akit. “Because you’re mine, Coe. You are mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD