Kuyom na kuyom ang mga kamao ni Cazcoe habang pinagmamasdan ang kanyang ina na walang-tigil sa paghikbi at naghihintay sa labas ng Operating Room. Nang dalhin nila sa ospital ang kanyang ama ay pinayuhan sila na kailangan itong operahan sa puso. It was a stat order. Ibig sabihin ay kailangan nilang magdesisyon ora-orada. Tatlong beses na niyang sinubukang tawagan si Cari, subalit nakapatay ang aparato nito. Gustung-gusto niya itong balikan, pero hindi niya kayang iwanan ang Mama niya sa ganoong kalagayan. Lalo na at nasa kritikal na kundisyon ang kanyang ama at kasalukuyang nag-aagaw buhay. ‘Wait for me, Cari,’ bulong niya sa hangin. “Ano ba ang nangyari, Ma?” “Hindi ko rin alam, hijo. Nasa labas lang ng bahay ang Papa mo, tapos natagalan na siyang bumalik sa loob kaya hinanap ko na. N

