“NO! It can’t be!” protesta ni Laurel sa nagpapanic na tinig. Hindi maaaring limang araw bago maayos ang jeep. Sa Martes darating ang kuya at hipag niya! “A-ang hood, w-wala bang spare sa talyer ninyo?” “Binibili yan sweetheart. At malamang na sa Maynila pa makakabili niyan kung hindi naman sa Cavite. Kung gusto mo’y tapalan na lang..” Idinagdag nito ang huling sinabi sa nang-iinis na tono.
She groaned helplessly. Natutop niya ang noo sabay hilamos sa tubig-ulan na pumapatak sa mukha niya. Hindi niya gusto ang naririnig niya. At lalong hindi niya gusto ang nararamdamang kaba na malamang na abutan ng kapatid na sira ang Jeep nito. “Hindi mo ako naiintindihan Jeremy. I’m in serious trouble here. I need this thing fixed, atleast on Monday afternoon,” paliwanag niya, pilit pinapaalala sa sarili na panatilihing kalmante ang tinig at hindi siya dapat mag-panic.
Nakita niyang humugot ng mahabang paghinga si Jeremy. Impatience all over his face. Then he crossed his arms over his chest. “Ako ang hindi mo naiintindihan, sweetheart. Hindi lang ikaw ang may sasakyang gustong maayos sa lalong madaling panahon. At kung narinig mo ang sinabi ko, bukas ay linggo. Meaning, day off ng mga tao. Day off..” Pinakadiin-diin nito ang sinabi. “At dahil hindi ka naman nagtatrabaho, you’re probably not familiar with the concept.”
“Nagtatrabaho ako para sa kaalaman mo,” she said, almost snapping at him in panic. “Ako ang gumagawa sa bahay namin.. ako ang naglalaba ng mga damit namin at—“
“Tough,” putol ni Jeremy sa litanya niya. “Wala na akong sinabi.”
She sighed heavily. “Magkano ba ang gusto mong ibayad ko sa iyo, para makahanap ka kaagad ng kapalit na hood at matrabaho mo nang madali itong sasakyan? I’m willing to pay overtime charge.” Sa totoo lang ay wala naman siyang ipambabayad. Lalong higit sa fiberglass hood na alam niyang mahal. Pain lang niya iyon, pero kung kakagat si Jeremy, madali na rin siguro para sa kaniya ang maghanap ng pera kaysa madatnan ng kuya niya ang sasakyan nang ganito.
Naiiritang tumingala sa kalangitan si Jeremy. Pagkuwa’y inalis ng kamay ang tubig-ulan sa mukha at tumingin uli kay Jenny.
“You don’t really get it, do you? Kahit ka pa magbayad ng overtime charge, walang mag o-over time para gawin iyan bukas ng linggo! At lalong hindi bukas ang lahat ng establishments na bilihan ng hood kapag linggo!”
“Fine!” naniningkit ang mga mata sa inis na wika ni Jenny. In panic, she was getting unreasonable. “Maghahanap na lang ako ng ibang puwedeng gumawa nito!”
“Then good luck,” tugon ni Jeremy bago siya talikuran. Anyong babalik ito sa truck. Subalit agad na nahagip ni Jenny ang braso ni Jeremy. At sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pakialam kahit na dumikit pa ang buong katawan niya rito.
“Alam mo napaka insensitive mo, You don’t even feel sorry for me!” she practically shouted. Hinarap siya ni Jeremy. “Kasalanan ko bang masunurin kang kapati? At kasalanan ko bang hindi ka naman marunong mag-drive pero nangahas ka?”
“I know how to drive!” she said defensively.
Umangat ang kilay ni Jeremy. Nilinga ang sign post. “Yeah sure. At ang sign post na iyan ang gumitna sa daan, ganon ba?”
“Brilliant, aren’t you?” ani Jenny, glaring at him. “Number one kang tiyak sa mga subjects mo, ano?”
“Maliban sa music at history,” wika nito, sinamahan ng nakakalokong ngisi. At saka pumihit patalikod.
“This is the biggest crisis of my life!” She almost pleaded. “You can’t just walk away without helping me!” pahabol ni Jenny.
Lumingon si Jeremy. “Actually, I just won’t walk away. I’m going to drive away. Marami pa akong trabaho sweetheart at nakakaabala ka. Have a nice day.” Sumampa ito sa truck at pabagsak na isinara ang pinto niyon.
“Bakit nga ba ako nanghihingi ng tulong sa tulad mo? Akala mo kung sino kang—mayabang.. ungentleman at—“ Naubusan siya ng sasabihin dito sa inis. Nanggigigil na ikinuyom niya ang maliit na kamao. Nagliliyab ang tinging ipinukol niya kay Jeremy. Ngunit hindi sumagot si Jeremy at ini-start ang ignition at ilang sandali pa’y tumakbo na palayo ang tow truck.
Hindi makapaniwala si Jenny na tinrato siya nang ganoon lang ni Jeremy. Basta na lang siyang iniwan gayong kailangan niya ng tulong nito! Nagpupuyos ang loob na sumandal siya sa gilid ng Jeep. Hindi niya maalis sa sarili ang inis na nararamdaman para sa lalaking iyon.
How dare he strand her there! Didn’t he have any sympathy? Enough of Jeremy. I’ll deal with him later, she reminded herself, ang mahalaga ngayon ay ang mahanapan ng solusyon ang problemang kinakaharap. Kung hindi’y pababalikin siya ng kuya niya sa Trinidad nang wala sa panahon.
Humakbang siya patungo sa harapan ng Jeep. Yumuko at sinubukang ikabit ang kabilang dulo ng plaka sa kinalalagyan nito. But it was hopeless. Natanggal iyon sa pagkaka-screw.
Nanlulumong binitawan niya ang plaka at tinitigan ang bakal na humilig sa bumper at hood. Kung iaatras niya ang sasakyan ay malamang na dadami ang sira ng Jeep dahil kakayod ang tubo ng bakal sa hood at sa bumper.
Gusto niyang maiyak. Thanks to Jeremy dela Serna, she’d be dead, sa sandaling makita ng kuya niya ang jeep.
“Dapat ay ayos na hanggang Lunes ng hapon! Huh! And I’m going to be crowned next week?” Jeremy muttered to himself irritably. “Akala siguro ng Jenny na iyon ay makukuha niya ang lahat ng gusto niya sa salita lamang.
“Pagkuwa’y napalis ang inis sa mukha niya at agad agad na gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi. Iniisip ang anyo ni Jenny nang iwan niya ito. Ang magandang mukhang hindi iilang beses niyang panakaw na sinusulyapan at kasabay niyon ay kinaiinisan dahil sa kilos-prinsesa nito.
Her chinky eyes were so exotic and were the mirror of her soul. Kahit ito nakangiti sa simula’y alam niyang nagpipigil si Jenny ng galit. Ang it was obvious that she didn’t want to get near him because he was covered with grease.
A typical snob. Jeremy almost sneered.
At ang mga labing iyon—with a perfect cupid bow. Ilang beses ba niya iyong pinagpapantasyahan? Ilang beses din niyang itinanong sa sarili kung ilang mga labi na ang nakahalik doon. Knowing her popularity, baka mas marami pa kaysa sa edad nito. Pero kanina, her lips were pouting with contempt for him.
Oh well, hindi naman gusto ni Jeremy na iwan sa ganoong kalagayan ang prinsesa. Katunaya’y inuusig siya ng konsensya sa ginawa niya. Pero hindi sa lahat ng oras ay masusunod si Jenny sa kung anuman ang gusto nito. Tutal, marami naman itong mga kaibigan na puwedeng tumulong dito. Mga kaibigang tulad din nito. Matatayog.
Napailing si Jeremy. How he hated her whole crowd. Hindi niya lubos maisip kung bakit si Jenny ang naibotong presidente ng student council sa highschool, samantalang sa tuwing mapapadaan naman siya sa mga ka grupo nito ay wala namang ibang pinaguusapan but their type of lipsticks and make-ups and type of boyfriends. At sa pagkakaalam niya’y kalahati na ng taon nang magtransfer si Jenny last year. Meaning, isang taon itong nauna sakanya sa eskwelahang iyon.
Nadaan lang siguro ni Jenny sa ganda at popularity ang pagkapanalo. At kasama na rin sigurong nakaimpluwensiya ang killer smiles nito. Ang mga matang muntik nang magpangyaring sundin niya ang hinihinging tulong kanina.
Muli ay napailing siya. Itinuon ang paningin sa daan. Bakit ba niya iniisip ang babaeng iyon samantalang marami siyang mas dapat unahing isipin. Isang linggo na lang at kasal na ng Tito Jerry niya, his mother Lacey’s cousin. Actually, iyon ang ikalawang pag-aasawa ng tiyuhin niya, who must be in his mid-forties. He divorced his first wife, isang Fil-American, a couple of years ago.
At kailangan sa pagdalo niya sa kasal ng tiyuhin ay may girlfriend na siyang ipakikilala. Iyon ang usapan nila ng anak nitong si Arthur, ang pinsan niya. Iyon ay upang malaman kung sino sa kanilang dalawang magpinsan ang sasama sa cruising trip ng Lola Fe nila, his Uncle Jerry’s mother at tiyahin naman ng mommy niya.
Very ironic, dahil sa dinami-rami ng babaeng nasasabit sa kanya lately ay wala pa rin siyang nahahanap na girlfriend. At isang buwang mahigit na lang at tuloy na ang cruise ng lola Fe niya. Almost a month on board a luxury ship.
At gusto ng lola niya na magsama ng isang apo. Siya o ang pinsang si Arthur. Isa sa kanila ang napili dahil sila na lang dalawa ang available. At posible iyon dahil more than a month from now ay semestral break na. Subalit ang hindi alam ng grandmother niya na sinuman sa kanila ni Arthur ay walang gustong sumama sa cruise ng matandang babae.
Not that they didn’t love their lola. Of course, they loved her. At mabait naman ang Lola Fe nila. Game din kung minsan. Lamang, ang grandmother nilang ito ang pinaka-boring na taong maaaring makasama ng sino man sa isang matagal na cruise. Hindi nauubusan ng maraming kuwento at kailangan ay pakinggan nila iyon.
Ang lola Fe niya’y tinagurian nilang magpipinsan na walking and talking boredom. Wala itong alam ikuwento kundi kapanahunan nito. The glory and grandeur of the old times. Lagi na lang itong may dalang video tapes ng mga lumang pelikula, Tagalog man o American movies. At pati ang musikang gusto nito’y antigo rin. Ganoon din ang paraan nito ng pananamit at pananaw sa buhay, criticizing the generations of today.
At ang makasama lang ng dalawang oras ang matanda ay torture na para kay Jeremy. Kahit na gusto pa niya ang idea na mag-cruise ng isang buwan sa Carribean. He’d live without it, huwag lang makasama ang minamahal na lola nang ganoon katagal at sa barko pa!
Ngunit wala ni isa man sa kanila ni Arthur ang diretsahang makatanggi sa matanda. Kahit paano’y hindi nila gustong saktan ang damdamin nito. At para mapagkasunduan nilang magpinsan kung sino sa kanila ang sasama sa matanda, they made a bet.
Parehong walang current girlfriends ang dalawa, at kung sino sa kanila ang unang magka-girlfriend within this week ay siyang maiiwan. At kailangan ni Jeremy na magka girlfriend ngayong linggong ito para maisama niya sa kasal ng Tito Jerry niya. Pero sino ang liligawan niya ngayon at sasagutin siya ora mismo?
Well, there’s Janet—subalit agad na itinapon ang suhestiyon ng sariling isip. Naikuwento na niya kay Arthur si Janet. Alam ng pinsan na nag break na sila nito a month ago. That he even celebrated with Arthur the day he broke their relationship. Napailing siya. Wala yata sa mga existing girls niya ang paniniwalaan ng pinsan niyang girlfriend niya dahil pinintasan niyang lahat ang mga iyon sa anu’t-anumang paraan.
Then a thought struck him like a bolt of lightning. Jenny Navoa! Why not? Kailangan ni Jenny Navoa na maayos ang sasakyan ng kuya nito ora mismo. And he needed a girlfriend—ora mismo. They were in both desperate situations.
Puwede siyang makipag-trade sa prinsesa. Aayusin niya ang Jeep. Magpapanggap naman si Jenny na girlfriend niya. Afterwards they’d both be happy.
Biglang nagpreno si Jeremy. Pagkuwa’y nag-maniobra pabalik. Umingit ang gulong ng tow truck sa biglang ikot niya. He just hoped she hadn’t called another shop yet. Kung hindi’y matatalo siya sa pustahan nila ng pinsang si Arthur. Binilisan niya ang pagmamaneho habang kinakabahan para maabutan pa niya ang prinsesa. Bakit ba hindi niya naisip yon kaagad habang kasama ang dalaga. Well, nawala na sa isip niya dahil sa amusement kay Jenny Navoa—at sa pagka irita na rin dito. He also hoped na pumayag ito sa naiisip niyang plano para maisalba nila ang mga sarili sa problema.
At ayun na nga ang dalaga nakatungo sa upuan ng sasakyan. Naiiling na napapangiti si Jeremy. “Kung sinuswerte ka nga naman” pabulong na sabi sa sarili.