KABANATA 12

1006 Words

Bahagyang itinulak ni Sienna ang dibdib ni Xavier gamit ang kanyang mga palad. Hindi marahas, pero sapat na para maramdaman ng Don na humihingi siya ng distansya. Ang huling sinabi nito ay nagpatunog ng alarm sa kanyang utak—ang matulog sa silid na ito gabi-gabi ay isang mabilis na daan para mabuko kung sino talaga siya. "Don Xavier, hindi po pwede," mahinang simula ni Sienna, pinipilit na huwag manginig ang boses. Kinuha niya ang kanyang salamin mula sa tray at isinuot ito muli, kahit na bahagyang lumabo ang paligid dahil sa kaunting grado nito. "Assistant po ako ni Young Master Lucas. Kung wala po ako sa kuwarto niya kapag nagising siya sa madaling-araw, maghahanap siya. At... ano na lang po ang iisipin nina Aling Martha?" Tinitigan siya ni Xavier nang matagal. May bakas pa rin ng pago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD