Chapter 1

1398 Words
Chapter 1 He focused his eyes on my face, "you will marry me." Biglang nagkaroon ng nakakabinging ingay, minulat ko ang aking mga mata at saka pinatay ang alarm clock na nasa headboard ng kama ko. Bumalikwas ako sa kama sabay hikab, lately, hindi na ako nakakatulog nang maayos dahil sa gabing iyon. Tinignan ko ang bintanang tinatakpan ng see-through curtains. Matapos ang ilang sandali ay biglang tumunog ang call ringtone ng cellphone ko kaya naman bumangon ako sa kama para sagutin ang tawag. Tinignan ko ang caller, si Dad, tumaas ang isang kilay ko at saka ko sinagot ang tawag. "Wow, akala ko nakalimutan mo na ang anak mo, Dad." I emphasized dad, I know he is confused if I was sarcastic or not. Whatever. "Kai, what's with that attitude?" sagot niya mula sa kabilang linya. He's pissed. A smirk formed in my lips. Dad and I had been living separately since I was eighteen, I currently own the entire fifteenth floor of the luxurious condominium Sapphira Tenshou where I live, saka isa pa, ayokong tumira sa mansion ni Dad kasama ang step mother ko. We're all on bad terms, ako lang talaga ang sadyang marunong mag-adjust. "Why call?" I said, suddenly bored and losing the feels to talk to him. "Kai, I want you to come with me tonight on a dinner with my bestfriend's son." Tumaas ang isang kilay ko, "bestfriend's son? Since when did you have a bestfriend?" I chuckled. "Kai, don't start with me. This is important." I smirked. "No, Dad. I have an appointment tonight." I lied. Why? Because I attended a dinner with him and his colleagues once and I was bored as hell kasi hindi ako maka-connect sa usapan nilang puro negosyo. I don't want my eyelids getting heavy because of boring topics! "You mean barhopping again with your cousin and bestfriends? You never learn, Kai." suway ni Dad sa akin. You never learn. Oh, whatever! "If you called just to ruin my morning, then well done." akmang ie-end ko na ang call nang pigilan niya ako. "Wait! Kai, this is really important since my bestfriend's son is looking forward to meeting you. I don't want to disappoint him." I sighed. "Si Sandy na lang ang isama mo, Dad." Ang bruhang kung nasaan ang pera, doon kumakapit. How funny. "Is that how you call your mother, Kai?" halatang galit na sagot ni Dad. "Step mother." I corrected. "She's still your mom! Don't let me do this, Kai." inis na sabi ni Dad. "Do what?" I whined. "Kung hindi ka pupunta ngayong gabi sa dinner, I swear I will freeze all your bank accounts and take your car. Try me." banta niya. Siningkitan ko ang mata ko sa phone, seryoso ba siya?! Oh, my gosh... "fine! I'll go!" labag sa loob na sagot ko, he really knows my weakness. Damn him. "Just text me the details of the dinner. Bye." Nagbuntong-hininga ako habang nakapikit ang aking mga mata nang in-end ko ang tawag, why is Dad so desperate to make me go on a dinner with him and his bestfriend's son? Why do I have to go? Ugh. Matapos ang ilang minuto ay biglang tumunog ang phone ko, nag-message si Dad, I think it's all about the dinner's details. Fr.: Dad Dinner tonight @ Getsuga Hotel rooftop restaurant, 7:30PM. Table 8. No excuses for being late. Wear a "decent" dress. ~*~ Pinagmasdan ko ang hotel kung saan kami magdi-dinner, in fairness, maganda ito't malawak, hindi ko nga makita 'yong endpoint nito sa sobrang taas ng building, to think na nasa rooftop ang restaurant nito kung saan kami magdi-dinner? Nakakamangha lang. Actually, I heard rumors na sobrang mahal raw ang check-ins rito. Expected na iyan. Mukhang five star ang hotel at ramdam na milyon ang incomes nito araw-araw. My phone rang, tinignan ko kung sino ang tumawag, si JM. I accepted the call, agad namang kumawala ang napakalakas na ingay sa kabilang linya. "Hello, coz?!" sigaw niya. "Oh? Bakit?" "Ditch the stupid dinner, Kai!" narinig kong sigaw ni Vivien, napailing na lang ako. Mukhang ako na naman ang maiiwan sa barhops nila? "Heard her, right?" tanong ni JM, ngumiti na lang ako tsaka umiling, "andito kami ngayon sa Custody Booze, VIP lounge, usual table." I rolled my eyes. Halatang iniinggit ako nito, "grabe ka Ethan! Bakit mo naman pinapak ang lemons? Wala ng pang-chaser sa alak!" rinig kong sigaw ni Blue. "Eh sa masarap ang lemon!" sagot ni Ethan mula sa kabilang linya, I made a thin line with my lip, oh jeesh! Gusto kong pumunta sa bar! "Trisha, pagalitan mo itong asawa mong mataba!" suway ni Blue. "Anong mataba? Baka ikaw?! Wala ka ngang abs eh!" "Tama na, tama na." Suway ni JM. "Jam..." tawag ko kay JM, "sige na at pasok na ako sa hotel." "Sige Kai, bye coz! Kung matapos ang dinner and you feel like coming here, call me! Baka kasi lumipat din kami ng bar, if ever. Bye, coz." he ended the call. Pumasok na ako sa loob ng hotel matapos ang tawag, bumungad sa akin ang mga furniture na halatang mamahalin, "how may I help you, Ma'am?" tanong ng babaeng hotel receptionist. Umiling ako, "actually, I'm going to have a dinner in this hotel's rooftop restaurant, table eight." Nanlaki ang mga mata niya, "by any chance, are you Kaira Chaves?" Teka... paano niya ako nakilala? Tumango ako. "Yes, ako nga." "M-Ma'am! Allow me to assist you papuntang taas." she offered. "Thanks, but no thanks. I can manage myself." suway ko naman sa kanya kahit na naguguluhan pa rin kung paano niya ako nakilala, wala naman akong suot na nametag o ID, dumiretso na lang ako sa elevator, sakto namang bumukas ito. Pumasok na ako't pinindot ko ang rooftop button. By looking at the elevator buttons, I can already tell that this hotel have thirty floors excluding the rooftop. Tinignan ko ang watch ko, it is already 7:31PM. Great, I'm already one minute late, siguradong mababaril na naman ako ng armalite na bunganga ni Dad. I silently watched the elevator numbers that lighted as it go up. Finally, it reached the rooftop kaya naman biglang tumunog ang elevator at bumukas. I walked out of it, bumungad naman sa akin ang rooftop restaurant at mini-rooftop garden, may pool pa sa gitna ng rooftop. So this is the famous Getsuga Hotel's trademark? Tumingala ako, bumungad sa akin ang kalawakang puno ng mga bitwin, parang ang lapit lang nila sa akin ngayon. "May I help you, Ma'am?" tumingin ako sa biglang nagsalita, isang babaeng naka-waitress uniform. "May I know where table eight is?" Nanlaki ang mata niya, "k-kayo po ba si Ma'am Kaira Chaves?" I secretly frowned, kilala rin niya ako? "Yes..." sagot ko. "Ma'am, sa pinakagilid po ang table eight." halatang kinakabahang sagot niya sabay turo sa isang table na wala pang tao. Wait... wala pa si Dad? Tumango ako sa waitress sabay talikod at lakad papuntang table habang nakangisi, look at this turn of events, mas nauna ako kay Dad at super late siya! Hah! May gana pa siyang magsabi na there's no excuses for being late ah?! Look who's talking, gosh. Since bagot ako at mukhang nagse-senti dahil wala akong kasama dito sa table at walang kausap ay binuksan ko ang phone ko at in-open ang camera para tignan ang sarili, admiring how easy can makeup define your beauty. I curled the tips of my long black hair kanina sa condo, I also applied a light makeup since hindi kailangang dark kasi hindi naman ako sa bar pupunta, I wore a navy blue dress that is one inch above the knee and matched it with a dark blue prada heels. Satisfied, I closed my phone and put it back on my gucci pouch. Nagbuntong-hininga ako, it is already 7:58PM. Dad and his bestfriend's son are both late. Ugh. Edi sana hindi ko na lang binilisan ang magbihis para hindi naman ako magmukhang nagmadali! "We meet again." a familiar manly voice from my side echoed in my ears. Napatingala ako matapos ang ilang sandaling pagkatulala ko at nahagip ko ang pares ng matatalim na mata ng lalakeng nakatingin sa akin, nakasuot siya ng gray v-neck shirt, fitted ito kaya naman halatang may abs siya, binaling ko ang atensyon ko sa mukha niya, lumunok ako nang nakita ko ang mapupulang labi niyang nakangisi sa akin. "T-Travis?" He smiled devilishly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD