ERA POV
Nagising ako at napahilamos sa mukha,ramdam na ramdam ko ang hapdi saking gitna.
Nang maalala ko ang ginawa namin ni Adam kagabi,gulat akong napabangon.
Napatingin saking katawan,may suot akong malaking polo shirt na mukhang pag-aari ni adam.
Tumingin ako sa paligid,napakatahimik.
Mukhang umalis na si adam.
Bumungtong hininga ako at napatingin sa lamesa,may nakahandang pagkain na nakalagay sa isang tray,at may nakita akong sticky note na nakadikit sa baso.
Kinuha ko ito at binasa.
'eat and take care yourself'
Ang nakasulat sa sticky note,sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako sa maiksi niyang sulat.
Bumilis rin ang t***k ng puso ko,ngunit agad akong umiling
"Wag era.wag"parang baliw na sambit sa sarili at naisipan nang tumayo at pumuntang banyo upang makaligo,naririto parin ako sa VIP room.
Nang matapos sa pag-lilinis at pag-aayos sa sarili,tumingin ako sa selpon ko at nanlaki ang mga mata ng malamang alas-tres na nang hapon.
Late na late na ako!'di na pwedeng pumasok sa ganitong oras.
Nahampas ko na lamang ang aking sariling noo.
Muli akong tumingin saking selpon,baka nagmessage ang magaling kong kapatid.
At hindi nga ako nagkakamali,20 calls,30 messages.
Tiningnan ko na lamang ang huli nitong mensahe sakin.
'ate!putangina naman nasan ka ba?kapag ikaw hindi umuwi ngayong araw sinisigurado ko sayong wala ka nang uuwian!'
Napataas ang aking kilay at napailing.
Kakaiba talaga mag-alala si kapatid,nagmumura.
Pero mukhang nagkamali ako sa pag-aakalang kapatid ko siya,paningin ko'y tatay ko siya.
Pailing-iling akong umupo muli sa kama at kinuha ang pagkain,habang mag-isang kumakain ay nagmuni-muni muna ako nang may maalala akong importanteng bagay.
Nilingon ko agad ang nag-iisang mesa rito sa kwarto,binaba ang tray at tumayo at pinagmasdang mabuti ang lamesa.
Maliban sa lamp,wala nang ibang nakalagay pa roon.
"Hindi siya nang iwan ng pera!"ahhhh!inis kong hinagod ang aking buhok pataas at namewang.
"Sinusuhulan niya ba ako?"inis akong tumingin sa pagkaing hinanda niya"hah!tarantadong hayop!kaya ba pinaghandaan niya ako ng pagkain?aish!may pa notes notes pa ang siraulo!aish!"nagpapadyak padyak ako at ginulo ang aking buhok.
Punyemas.punyeta!
"Aish!"muli kong ginulo ang aking buhok,kinuha ang selpon at lumabas sa vip room.
Nang sumalabong sakin si Mama bek"oh!nasan ang mask mo?"mataray na tanong nito sakin,siya lang kasi nakakakilala kung sino ang nasa likuran ng mask.
"Ah!nakalimutan ko,nasa loob"sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob,hinalugod ko ang buong kwarto ngunit hindi ko parin makita ang mask ko
"Punyeta naman oh!nasan ba 'yun?"naiinis kong tanong at muling pinagmasdan ang paligid
"Bago mo hanapin ang mask mo,bigyan mo muna ako ng kalahating porsyento nang binayad sayo ng lalaki mo"sambit ni mama bek,kaya nilingon ko siya at sinimangutan.
"Ni hindi nga ako binarayan ng hayop na 'yun!"inis kong sambit"bwiset na adam"bulong ko sa sarili
"Ano?!hindi ka binigyan ng pera?"gulat at taka nitong tanong.
Tumango naman ako"pag-gising ko kasi.."biglang nanlaki ang mga mata ko.
Pag-gising ko wala na akong mask!
Oh,f**k.
ADAMMMM!
***
Nakasuot ng kalong itim,nakapantalon at V-neck t-shirt na kulay pula na hapit saking katawan,at nakasuot ng rubber shoes na itim.
Nag-aabang sa labas ng paaralan,paulit ulit tuloy akong tinitingnan nang security guard ng eskwelahan.
Nakakainis kasi!si adam lang naman ang kasama ko kagabi,kaya sigurado akong kinuha niya ang mask ko.
Bakit niya naman kukunin?nakakainis!
Nagsilabasan na ang mga estudyante,sakay sakay ang kanilang kotse o motor.
May kakaunti namang naglalakad lamang
Nanlaki ang aking mga mata.
May kotse ba si adam?
Agad akong tumakbo sa loob kaya pinituhan ako ng guard,mabilis akong nakarating sa parking area nitong university,napatingin ako sa likod at muling nanlaki ang mga mata nang makitang tatlong guard ang humahabol sakin
Punyemas!
Wala akong magawa kundi ay lampasan ang parking area at lumiko sa kanan nang mabangga ang noo ko sa pader
"Ah!aray"daing ko at napahawak sa noo.
Muli akong tumingin sa likuran ng pituhin muli ako ng mga guard,muli akong tumakbo ngunit biglang may humawak saking braso kaya napabalik ako sa pwesto.
"Bitawan mo ako!"kinakabahan kong sambit at tumingin muli sa mga guard at sa taong hawak ako.
Muli na namang nanlaki ang aking mga mata.
"Adam!"sigaw ko sa gulat,kumunot-noo siya at tumingin sa guard na papalapit,ngunit naglalakad na lamang
"Mr.Ferruccio,maraming salamat at nahuli mo ang babae 'yan,she's tresspasing"sambit ng isang security guard habang masamang nakatingin sakin kaya napayuko ako
"What?"rinig kong sagot ni adam kaya muli kong inangat ang ulo ko at tiningnan siya"What he's talking about?"nakakunot-noo at masungit niyang tanong sakin at tiningnan ang kabuuan ko
"Naiwan ko ang I.D ko,kaya hindi ako makapasok"mahina kong sambit sakanya,No I.D,No Entry kasi ang patakaran rito.hindi ko ring masabing guardian ako dahil dapat may ipakita kang ebidensya na isa ka talagang guardian,saka college lang ang meron sa University na ito kaya wala nang masyadong sinusundong estudyante.
Masyadong istrikto itong paaralan,para saming mahihirap lamang.
Kita kong napailing si Adam at muling nilingon ang mga security,todo yoko naman ako dahil baka maalala nila ang mukha ko pagkabukasan.
"You can leave now,She's my girlfriend"
Gulat na may halong pagtataka akong napalingon sakanya"ano?girlfriend?girlfriend mo'ko?"tanong ko at napaturo sa sarili
"Why?hindi ba?"gusto kong ngumiti dahil mas gusto kong nagtatagalog siya.kapag kasi nagtatagalog siya,mas manly at hot siyang tingnan.
"Hah!asa ka!"sagot ko,kita kong umigting ang panga nito at masama akong tiningnan kaya napaiwas ako nang tingin
Ngayon ko palang nalaman,na may mga kasabay siya.
Gwapong mga lalaki rin,tatlong gwapo.
Si linus na kumakaway at ngumiti sakin kaya ningitian ko rin siya pabalik,Yung lalaking pinahinto sandali ang mainit na galawan namin ni Adam kagabi na nangangalang Zac,kinindatan niya ako nang magtama ang paningin naming dalawa.
At ang lalaking sobrang puti hindi ko malaman kong nasisinagan pa ba ito ng araw o baka,isa itong bampira.bored lamang siyang nakatingin sakin.
Para siyang si Adam,ang pinagkaiba lang,may pagkamoreno si Adam.
Biglang may humawak saking panga at sapilitang pinaharap ang mukha ko sakanya,tumingin naman siya sa mga kasamahan niya.
"Leave"pagtataboy nito
"Wow Dude!nakita mo lang ang babae na 'yan na tinitingnan kami tapos papaalisin muna kami?okay sige,enjoy!have a nice date!este day!"mapagdrama at malokong sambit ni linus,kaya sinamaan siya ng tingin ni Adam.
Si Zac naman ay tinapik lang ang balikat ni Adam saka nilampasan kami,at ang isang maputing nilalang na hindi ko alam ang pangalan ay nilampasan lang kami ng walang paalam o ano pa man!
Hawak parin ako sa panga ni Adam at nakatingin siya saking mga mata
"Next time,ako lang ang tingnan mo,ako lang"seryoso niyang sambit at diniinan ang salitang sinabi niya sa huli.
Sa hindi ko malamang dahilan,ay napangiti ako at bumilis ang t***k ng aking puso.
Natigilan naman siya at umiwas ng tingin,binitawan ang aking panga saka tumayo ng maayos at pinasok ang kamay sa bulsa sa suot nitong pants na itim,ang uniporme niyang walang suot na neck tie at nakabukas ang dalawang botones,white long sleeve polo ang kanyang pang-itaas na may logo ng paaralan namin.
Para siyang modelo,gumagalaw taas baba ang adam's apple nito habang nakatingin sa malayo.
"Ehermp!"biglang kunyareng ubo niya at muli akong nilingon"why are you here?I know you didn't come in this morning or at noon"masungit nitong sambit at nakataas pa ang kilay.
Gusto kong tanungin kung paano niya nalaman ngunit nangingibabaw sakin malaman kung nasa kanya ba ang mask ko
"Nasaan ang mask ko?"mas lalong tumaas ang kilay nito dahil sa tanong ko
"Why?"
"Nasa sayo ba?"
"Yes"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pag-amin nito.
"Haup akin na!hindi ka ba nakuntento na alam mo na ang nasa likuran ng mask na iyon at kailangan mo pang kunin ang pagmamay-aring 'di naman iyo!"tuloy tuloy at walang hinto kong sambit at namewang sa harap niya at muli siyang tiningnan ng masama.
Hindi parin mawala-wala ang bilis ng takbo ng aking puso.
Kita kong ngumiti ito ngunit agad ding nawala.
"I've known you for a long time,I just want to be sure."sambit nito na nagpakunot noo sakin,para bang bigla akong nabobo at walang naintindihan sa sinambit niya
Huwhut?
"Ano?"naguguluhan kong tanong.
"And now,f*****g confirmed it already,kaya wala ka nang kawala.."lumapit siya sakin at bumulong saking tenga"Era Valencia"sambit nito.
Natulala ako,he know me.
What wait how--how come?
Kumurap-kurap ako nang mawala siya saking harapan,nang tingnan ko ang hanapin ko ay nasa malayo na ito,may nilabas siya sa bulsa at may narinig akong tunog ng kotse.
"aish!ADAMMMM!!!!"Sigaw ko at hinabol siya,nilingon niya ako at napakunot-noo,huminto siya at hinintay akong makarating sakanyang harapan.
"What?"tanong nito ng tumigil ako sa harapan niya ng hinihingal,hayop.Ilang segundo lang ang lumipas pero ang layo na nang nalakad niya.
"G-give me m-my mask!"hinihingal kong sambit
"No"sagot nito at tinalikuran ako at lumapit sa kotseng sobrang ganda.ito ata yung lamburger?lam..lamborger?ewan!basta't mamahaling sasakyang ito.
"Adam naman!anong gagamitin--"napahinto ako ng bigla itong humarap sakin at yumuko ng kaunti kaya ang lapit ng mukha namin.
"I Said no"seryoso at madiin nitong sambit."stop being prostitute dahil hindi bagay sayo"sambit niyang muli at binuksan ang kotse saka pumasok sa loob at muli akong tiningnan"dahil sakin ka nababagay"huli niyang sambit at sinirado ang pinto ng kanyang kotse.
Para akong tuod na nakatunganga sa parking lot,ang tanging magawa ko lang ay ang sundan ang kotse niyang papaalis.
Habang paulit ulit nag-eecho saking pandinig at isipan ang reaksyon nito ng ngumiti siya ng sincere,'yung kahit matipid lang ang kanyang ngiti ngunit alam mong hindi pilit.
Napakagat ako sa labi upang pigilan ang pag-sigaw ko rito sa University,aminin ko man o hindi,langya nakaramdam ako ng kilig!libong libong kilig na may halong kiliti sa tyan!
'dahil sakin ka nababagay'
Talaga huh,adam?